Chapter 4

6 0 0
                                    

Chapter 4

"Coffee?" nakangiting tanong ng cashier bago ko pa man masabi ang o-order-in ko.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing bumibili ako sa fast food chain na ito, ay ang cashier na ito ang palaging tumatanggap ng order ko.

"Yes, please," sagot ko. "Pakisamahan na rin ng chicken burger," pahabol ko pa sabay abot ng aking bayad.

"Coffee and chicken burger," she repeated, "right away."

She held the intercom and says my order once again before accepting my money.

"So, kumusta na kayo?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Pardon?" I asked back dahil hindi ko naintindihan ang itinanong niya.

She smirked. "You know. The guy na binibigyan mo ng kape? Hindi ba, ay nagkausap na kayo?" kinuha ko ang sukli ko mula sa kanya.

"We're just fine," sagot ko bago ko siya pinanliitan nang mata. "Bakit mo nga pala sinabi na ako ang nagbibigay ng kape sa kanya?" I accused.

Ngunit imbis na ma-intimidate, ay mas lalo lamang na lumawak ang kanyang ngiti.

"Hindi ko naman sinabi, kinumpirma ko lang ang tanong niya," she shrugged.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

She cocked her head before answering. "You know. He asked me kung ikaw raw ba 'yong babaeng nagbibigay sa kanya ng kape. At first, I just shrugged dahil marunong pa rin naman akong tumupad sa pangako kong hindi ko sasabihin sa kanya na ikaw 'yong nagbibigay ng kape sa kanya," she explained. "But then, he told me, I knew it was her. I just want a confirmation. Kaya naman kinumpirma ko na. You're welcome, by the way."

Napabuntong-hininga ako. I know I should be thankful to her somehow for confirming it. Kasi, una pa lang naman, ay wala talaga akong balak na kilalanin ang lalaking binibigyan ko ng kape. I just did it for some unknown reason, and it's fine with me kahit na hindi niya ako makilala dahil iyon naman talaga ang gusto ko.

But, on the other hand, wala namang masama na nagkakilala kami.

"I won't say thank you for doing that, you know?" I told her.

Natawa siya. "You just did," she grinned. "Good luck sa inyong dalawa," aniya bago ako sinabihang maaari ko nang makuha ang aking in-order sa kabilang counter.

Naiiling na lang ako na umalis sa kanyang harapan upang kuhanin ang order ko.

Seriously. I really find that woman creepy and weird. Pakiramdam ko ay gustung-gusto niya ang ginawa kong pagbibigay ng kape noon kay Nicholo at lalo pa ngayon na nagkakilala na kami.

She even said good luck to us. What does it meant, by the way? And as if namang may mamamagitan sa amin ni Nicholo. And I think, iyon ang nasa kanyang isip. She thinks that I purposely gave Nicholo coffee for a reason.

At kung ano mang reason ang nasa isip niya, she's definitely wrong.

Bakit ba kasi ako nag-aaksaya pa ng oras na isipin pa ang mga ganoong bagay? I should be focusing on some important things, and this is not included.

Naghanap ako nang bakanteng mauupuan bago ko inilagay sa table ang mga in-order ko. I also took out my laptop from my bag and turned it on while taking a sip from my cup.

Inilabas ko na rin ang mga notes ko para sa gagawin kong position paper at natigil lamang ako when my phone beeped suddenly.

Inayos ko muna ang mga notes and yellow pad ko sa table bago ko kinuha ang aking phone to check the notification and opened it.

You're The One For Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now