Chapter 2

5 0 0
                                    

Sabi ko gabi pa ako mag u-update, e hahahaha but here it is. Enjoy!

Chapter 2

"'Ma?"

"Nasaan ka na? Nandiyan ka pa ba kina Shiela?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Opo," I lied, but the truth was, I'm still here at the fast food chain near Shiela's house.

"Diyan ka na ba matutulog, o uuwi ka?"

Kinuha ko ang cup ng kapeng binili ko upang uminom.

"Pauwi na po ako," sagot ko at napahikab. "Malapit naman na kaming matapos," I lied again.

"O, sige. Gusto mo bang ipasundo kita--"

"Hindi na, 'ma. Paki-iwan na lang po sa gate 'yong susi."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Okay. Umuwi ka na 'agad pagkatapos niyo riyan, ha? Ingat sa pag-uwi."

I smiled. "Love you. Bye."

Ibinalik ko na sa lamesa ang phone ko bago muling bumaling sa aking laptop.

Actually, totoong nanggaling ako kina Shiela kanina bago ako pumunta rito. May isa pa kasi kaming activity na hindi ko pa natatapos and bukas na ang deadline nito. That's why I decided na rito na lang tapusin dahil sigurado akong aantukin lang ako kapag sa bahay ko pa ito gagawin.

I copied my work on my flash drive para bukas ay ipri-print ko na lang. It's already past ten o'clock in the evening, at gusto ko nang makauwi na kaagad at matulog.

Hinihintay kong matapos na ma-copy iyong gawa ko nang mapatingin ako sa glass door nang bumukas iyon.

And I immediately hide my face behind my laptop nang makita ko kung sino ang taong pumasok.

It was him. And he was wearing his blue cap again.

I looked at him over my laptop, and I don't really know the reason why I am hiding. Kaya naman, umayos ako sa pagkakaupo ko bago pa-simpleng ibinaling ang aking mga mata sa kanya.

Nang matapos na ang pagco-copy ko, ay mabilis ko nang pinatay ang aking laptop at inilagay sa loob ng bag.

When I looked at him, he was already leaning his head on the table... again.

Lasing na naman ba siya?

Napatingin ako sa kape kong kanina ko pa ubos. Ilang minuto ko yatang tinitigan iyong paper cup bago ako tumayo at naglakad palapit sa may counter.

"Um... One coffee again, please," sabi ko sa babaeng cashier.

"Right away," she replied while smiling at me widely. Okay?

Nang makuha ko na ang order ko, ay muli kong tiningnan iyong lalaki. Nakayuko pa rin naman siya sa kanyang table, kaya naman kinuha ko na ang sticky note pad ko at marker.

The marker stopped midway when I realized na hindi ko alam ang isusulat ko this time. I mean, I wasn't really sure kung lasing ba talaga siya or what.

Napaangat ako nang tingin nang makitang kanina pa yata nakatingin sa akin iyong babaeng kumuha ng order ko, and she's still smiling at me weirdly. That's why after two minutes of thinking what to write, I just found myself writing, 'Hey! Go home' on the note pad. I guess, these three words would do.

Idinikit ko na sa may cup itong sticky note at kaagad akong napatalikod nang makitang biglang gumalaw iyong lalaki. And for unknown reason, I don't know why my heart suddenly pounded so loud.

You're The One For Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now