Chapter 10

2 0 0
                                    

Chapter 10

"Ano'ng nangyari? Na-video mo ba?" pambungad na tanong ni Shiela pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng booth namin.

Naiiling akong napaupo sa isang silya at natulala na lang sa hawak kong bulaklak.

After what he said there back at the jail booth, ay tila talaga ako nawalan ng dila sa mga sandaling iyon. I mean, okay, umasa akong para sa akin ang kinanta niya, and it turned out na para sa akin nga talaga iyon, and I can't just help it but wonder why would he dedicate a song for me? And he also gave me flowers which is I know normal since today's Valentine's, but why?

I really wanted to ask him why, but I just don't have the courage to do it yet.

Hindi ko alam ang dapat na sabihin sa kanya sa mga oras na iyon. Mabuti na lang talaga at dumating ang mga ka-batchmates niya at tinawag siya kaya naman kaagad ko siyang tinanguan upang sabihin na 'ayos lang sa akin na sumama muna siya sa kanila.

Sinabi ko rin sa kanya na kailangan ko nang bumalik dito sa may booth namin dahilan para tumango rin siya bago ako tuluyang iniwan upang puntahan ang mga ka-batchmates niya.

Pagkatapos no'n, ay mabilis na akong umalis doon at patakbong bumalik dito sa aming photo booth.

"Hindi mo na-video?" Shiela asked again. "Bakit? At kanino galing 'yan, ha?" malisyosa niyang tanong bago inilapit ang kanyang mono bloc chair sa aking tabi para usisahin ako.

"Nahuli ako ng officer," sagot ko at tila biglang bumalik sa akin ang panghihinayang na naramdaman ko kanina nang dahil sa hindi ko napanuod ang naging performance nina Nicholo.

"Ano? Ano'ng violation mo?" Itinuro ko ang suot niyang ID. Napahalakhak siya. "Ang malas mo naman, Maria Villien," pang-aasar niya kaya naman sinamaan ko siya nang tingin.

"Pero, sino ang nag-piyansa sa 'yo?" tanong naman ni Fred na nakisali na sa usapan. "Si Nicholo?" he questioned again, and I felt like blood rushed up into my cheeks.

Napalabi na lang ako at napairap nang muli na namang humalakhak si Shiela.

"Let me guess. Siya rin nagbigay niyan, 'no?" turo niya sa bulaklak na hawak-hawak ko. "Wait. May card!" she beamed, at balak ko na sanang ilayo mula sa kanya itong bulaklak ngunit huli na dahil mabilis niya nang nakuha iyong card na hindi ko napansin kanina.

Tumatawang lumayo mula sa akin si Shiela upang basahin ang nakasulat sa may card.

"Happy Valentine's day, Mavi," she began. "I was wondering if you'd like to go with me after school? I'll wait you at the parking lot later. 4:00 PM. See you. Nicholo," she read loudly bago niya ibinigay sa akin iyong card.

I gave her a deathly glare once again.

"Looks like you have a date," she teased bago tumakbo palapit kay Fred nang akmang ihahampas ko sa kanya itong hawak kong bulaklak.

Nang tinigilan na ako ni Shiela sa mga pang-aasar niya, ay saka ko pa lang nagawang tingnan itong card na hindi ko napansing nakasama pala rito sa bulaklak.

At first, inakala kong iniba lang ni Shiela ang pagkakabasa niya sa mga nakasulat dito, pero napaawang na lamang ang labi ko nang mabasang ganoon nga ang mga sinabi ni Nicholo sa card.

Napalabi ako.

Saan naman kaya kami pupunta kung pumayag man ako? And, bakit hindi niya na lang sinabi sa akin ang tungkol dito nung ibinigay niya itong bulaklak sa akin kanina?

Mas lalo na lang akong napalabi upang pigilan ang nagbabad'yang ngiti sa aking labi.

Was he asking me for a date? Okay. I know, ang assuming pakinggan, pero kasi, Valentine's day ngayon! Kahit sino naman yatang babae, ay alam kong ganito rin ang iisipin!

You're The One For Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now