UPDATE 19 - Is it a girl or a boy ?

83 9 2
                                    

Sydney's POV

(F.F) We delivered it right at walang comment si Ma'am sa presentation namin. We also got the highest grade kaya tuwang-tuwa kaming lahat well, maliban kay Jake na parang wala lang. They decided na magcelebrate kami since wala na kaming pasok this afternoon pero tumanggi si Jake at expected na yun.

"Ahh! Guys pasensya na din ha! Gustuhin ko mang sumama pero may importanteng lakad pa kasi ako eh! Sorry talaga" I apologized.

"Ayy ganun ba?? sayang naman.. So paano, tayo nalang tatlo" Marquez answered.

I glance at my wrist watch and it turns out 11 na, kailangan ko pang pumunta sa Blue Cafe para magpaalam at 1 pm ang appointment ko sa OB ko.

"Sige guys mauna na ako sa inyo ha! Nagmamadali kasi ako eh" Tumango lang sila at agad ko ng nilisan ang room namin. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko nakitang may nakaharang kaya natalisod ako. I immediately hugged my tummy para protektahan ang baby ko sa pagkakabagsak. I closed my eyes para namnamin ang semento pero I waited more seconds pero hindi ako napasubsob. I slowly opened my eyes at nakita kong may mga brasong nakayakap sakin. Nakita ko si Bryan na nakangising umiiling sa akin.

"Clumsy" Agad-agad akong humiwalay sa yakap niya nakakahiya atsaka baka kung anong isipin ng ibang makakita.

"S-slamat ha! Sige alis na ako" Tumango lang sya at ngumiti.

"Be Careful!" Pahabol niyang sabi sa akin. Nginitian ko lang siya bago tumalikod.

*Pheeww muntik na yun ah! Sorry Bee, excited lang kasi si Mama kung ano gender mo. Don't wory mag iingat na ako*

(3rd Persons POV)

"Yo, Bry.. Bar hop tayo later. I'll just call you what time, pinapauwi pa kasi ako ni Mom eh.." Jake said.

"It's way too early to go for a bar? Why so sudden?" Bryan asked.

"Psssshhh!! Wala lang I just missed hanging out. I'll contact the two para makasama sila.. and Oh !! Pick me up katamad magDrive. Gotta go, bye." Jake said on a rush tone.

Bryan just nod and then Jake left. since wala naman syang gagawin ay uuwi nalang din sya para matulog. He's currently walking patungong parking Lot ng biglang nagvibrate ang Phone nia.

"Kim.. will you get my bag at my condo?? I forgot kasi dahil sa kamamadali ko and pakihatid nalang dito.. I know you're not busy hehe.. Thanks mwaaaah!!" Napailing nalang si Bryan. Iisa lang ang tumatawag sa kaniyang Kim kundi ang Pinsan niya.

"Ok!!" He replied. Since wala naman syang magagawa ngayong araw ay pumayag nalang sya.

Sydney's POV

Nakarating ako ng Cafe almost 1 hour dahil sa sobraaaaanggg Traffic. Dumaan ako sa back door ng cafe upang hindi maistorbo ang mga customer. Nag-ayos muna ako bago magpaalam kay Maam Ada. Naisipan ko munang magtungo sa kusina upang maghanap ng makakain nagugutom na kasi kami ni Bee hehe.. I hope they don't mind. Nakita ko si Toby na naglilinis nang mesa.

"Oyy! Syd bat absent ka kahapon?"

"Ehh.. gumawa kasi kami nang Group Project kaya hindi ako nakapag paalam ng maayos kahapon kay Maam. Nandiyan ba sya?"

"Ahh oo nasa opisina niya.. Bat hindi ka pa nakapagpalit ng uniform!?"

"Ahh ehh.. magpapaalam sana ako kung pwede mamayang alas 3 nalang ako papasok may lalakarin lang kasi akong importante.."

"Ahh Ganun ba?? Sige, ayy kumain ka na ba??"

"Hindi pa nga eh!! nagugutom na nga kami ni Bee eh.. Hehe"

"Ahh sige ipaghahanda nalang kita ng makakain para makakain ka agad pag alis mo.."

"Nakuu Toby, nakakahiya naman sayo kaya ko naman eh"

"Hahah ok lang ano ka ba.. hindi ka naman iba sa akin.. Sige na puntahan mo na si Maam Ada mukhang nagmamadaLi ka eh"

"Nakuuu !! Thank u Ninong Toby ha.." umiling-iling lang si Toby habang pinaghahanda niya kami ng pagkain.

*Bait ni Ninong Toby mo Bee nuh!?*.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa opisina ni Maam Ada. I knocked 3 times bago dahan-dahang binuksan ang pintuan. Nakita ko si Maam Ada na may binabasang dokumento. She gestured me to come in kaya pumasok ako.

"Oh Syd bat naparito ka" She said while removing her glasses.

"Ahmm Ma'am magpapaalam lang po sana ako na kung pwede po bang mamayang alas tres nalang sana ako papasok"

"Oh, bakit !?"

"Ehh nakatanggap po kasi ako ng text galing sa OB ko na ngayon daw po ang schedule ko sa ultrasound ok lang po ba?" Namamag-asa kong tanong.

"Talaga? Nakuu ok lang basta balitaan mo kami kung ano ang Gender ng baby mo ha!" Excited na sabi ni Maam Ada.

"Nakuuu Salamat po maam ha.. Hayaan niyo po babalitaan ko po kayo agad-agad" Sabi ko.

"Sige na, mag ingat ka ha!" Tumango lang ako at nagpasalamat kay Ma'am..
Dumiretso ako sa kitchen at nakita ko si Toby na naghihintay.

"Oh ano pumayag ba?"

"Oo hehe.. Bat hindi ka pa pumunta sa station mo!?"

"Hinintay kita baka may ibang kumuha nito eh haha."

"Nakuu, ikaw talaga naabala pa tuloy kita, Salamat ha!"

"Haha wala yun ikaw pa, malakas ka sa akin eh! Sige Syd balik na ako doon."

"Sige, Salamat ulit Toby ha!" Tumango lang sya at umalis na.

Habang ako ay nagmamadaling kumain dahil baka mahuli pa ako sa appointment ko kay Dra. after kong magligpit ay umalis na ako ng Cafe at pumara na nang sasakyan.

*This is it Bee!! malalaman ko na rin ang Gender mo at mabibilhan narin kita ng mga gamit*

College DaddyWhere stories live. Discover now