UPDATE 26 - Timmy's first day of school

61 11 2
                                    


Sydney's POV

(FAST FORWARD)

This is it pasukan na namin and 1 month old na si Bee. Pero ganun pa din siya napaka antukin parin. Sinabi ko na rin kay Lance ang plano ko na isasama ko si Bee sa pagpasok sa school at sa trabaho. Nung una hindi siya pumayag nag offer siya na maghire siya ng Nanny pero nagmatigas ako. Ayokong iasa na naman sa kaniya ang lahat hindi niya kami kargo kaya wala siyang nagawa at pumayag nalang.

Kasalukuyan kaming patungo sa school dinala namin ang convertible stroller ni bee at yung spongebob na nakita ko sa School Garden. Naging favorite toy na din kasi niya ito. Dahil everytime na natutulog siya ito lagi ang tinatabi ko sa kaniya. Mas madali din siyang nakakatulog kapag magkatabi silang dalawa. Tama nga yung desisyon ko na hindi esurrender sa lost and found ng school hihi. Ang laki kasi ng tulong niya sa akin kay bee.

Anyway, tinulungan din pala akong mag.impake ni Kench sa mga dadalhin kong mga gamit ni Bee and guess what biglang nag.alsa balutan at sa bahay na siya tumira. Well, I really don't mind kasi malaki din naman ang tulong ni Kench sa akin. Kaya si Lance panatag na din ang kalooban na may kasama na ako. Madalang na siyang natutulog sa bahay pero parati pa rin siyang bumibisita. May improvement na din silang dalawa ni Kench. Minsan.minsan nalang nagbabangayan hindi katulad noon na gusto na nila saktan ang isa't-isa.

Nakikita ko na ang gate ng school. Parang biglang nagflashback sa aking isip yung nalaman ng buong school tungkol sa pagbubuntis ko. Parang nanumbalik yung kaba na nararamdaman ko noon. I'm scared to be honest, natatakot ako na baka hindi nila matanggap si Bee at baka may gawin silang masama sa anak ko. I guess this is what they called PPD the stress, anxiety and mixed emotions. Napansin yata ni Lance ang pagiging balisa ko.

"Syd relax you don't have to worry about okay. Nandito lang ako." Pampagaan ng loob na sabi ni Lance.

Huminga ako ng malalim para kumalma ang puso ko. This is now or never kung ano man ang masamang kahihinatnan nito. I will never ever take the risk of my son. Hindi ako magdadalawang isip na tumigil sa pag.aaral kung kaligtasan naman ng anak ko ang kapalit.

Una ng lumabas si Lance, binaba niya yung stroller, konting gamit ni Bee at spongebob niya. Hindi muna ako bumaba, inobserbahan ko muna ang mga tao sa paligid. Maraming studyante ang nagtaka kung bakit may dala.dalang mga gamit pambata si Lance. Naghalo.halo na lahat ng emosyon ko, parang gusto kong maiyak nalang at wag ng pumasok.

Pero nung napadako ang tingin ko kay Bee parang nabuhayan ako ng loob. Hindi ako nagpadala sa emosyon ko, ginagawa ko ito dahil para sa anak ko. Pinagbuksan ako ng pinto ni Lance at agad na lumabas. Hindi na ako nagulat sa mga matang nakatitig sa akin. Animoy isa kaming kriminal na bagong laya. Nagsimula na naman silang magbulong.bulongan.

"OhMG di ba siya yun? Yung girl na nagLabor during exam?"

*oo ako bakit?*

"Hala oo nga nuh? Bat kaya dinala niya ang Baby dito?"

*magsh.shopping siguro? Baliw ! syempre mag.aaral kami bakit ba?*

"Ano kaya itsura ng baby niya. Siguro chakka dahil sa hindi magandang binhi hahaha"

* kung alam mo lang ghOrL! Mamamatay ka siguro sa inggit *smirks* *

"Tsaka di ba stroller yang dala ni Lance don't tell me inenroll niya baby niya dito *witch laugh*"

*sort of, ngayon ka lang makakita ng mag.inang magkaklase nuh?*

Napatawa nalang ako sa mga sinasagot ko sa isip ko. Infairness effective naman siya. Wala akong pakialam sa mga mapanghusga nilang mga komento tungkol sa akin. Basta wag lang nilang subukang saktan o pagsalitaan ng hindi maganda ang anak ko because I'm willing to trade my life to a demon.

College DaddyWhere stories live. Discover now