UPDATE 27.1 - CAMPUS FARE II

52 7 0
                                    


(DAY 2 of CAMPUS FARE)

Sydney's Pov

Nandito na kami sa Gym. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sa team's bench nila Lance kasama ko pala si Kench ngayon.

Kung hinahanap niyo si Bee, andun sa office ni Ma'am Minerva, itong loka.lokang si Kench napakakapal ng mukha tinanong ba naman si Ma'am if manunuod ba daw siya ng laro. Nang sinabi ni Ma'am na hindi dahil gumagawa siya ng grades. Iniwan ba naman doon si Bee. Well, hindi naman ako nag.aalala kay Bee dahil alam ko namang hindi siya pababayaan ni Ma'am pero ewan ko ba san hinugot ni Kench ang lakas ng loob niya para ipagbabysitter ang one of the share holders ng school. Confident naman ako na hindi magiging abala si Bee. He'll just sleeps all day. Feeling close talaga ito masyado.

Naghihintay na kami kung kailan magsisimula ang laro. Na'sa locker pa ang buong team nina Lance for final briefing. Kinakabahan ako ng bongang bonga. Pero may tiwala ako kay Lance alam kong maipapanalo nila ito.

Heto na, isa isa ng lumalabas ang mga players. Nagtipon muna sila sa kani.kanilang mga benches, hinanap ko si Lance and there I saw him with a wide smile on his face. Kaya agad niya kaming nilapitan.

"Galingan mo ha," salubong kong bati sa kaniya.

"Syempre, papayag ba akong mapahiya sa harap mo *wink*"

"Soos yabang good luck, fighting" pampalakas loob ko sa kaniya. Napansin niyang kasama ko pala si Kench.

"Yow megaphone andyan ka pala himala at ang tahimik mo".

"Hmmff.." inismiran lang niya si Lance.

"Hindi mo ba ako egogood luck ?"

"Pssshh Goodluck" pilit na sabi ni Kench.

"Sungit naman.. may dalaw ka nuh?" Pang.aasar ni lance.

"Cheeeh"

"Hahah.. cheer mo ko ha" Hindi na umimik si Kench sa sinabi ni Lance. Matapos ang panandaliang kwentohan ay narinig na namin ang hudyat na magsisimula na ang laro.

"Lance, fighting!" Sigaw ko sa kaniya. He just blew me a flying kiss as a response.

Naghiyawan naman ang mga manonood. Napailing nalang ako kay Lance. Kapansin.pansin ang pagiging tahimik ni Kench, okay pa naman siya kanina. Bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin.

"Kench, okay ka lang? bat ang tahi.tahimik mo? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong ko habang sinasalat ang noo niya.

"H-ha.. ahmm o-ok lang ako, kinakabahan lang ako dahil sa laro" She said.

"Maniwala ka maipapanalo ito ni Lance" pampalakas loob ko sa kaniya. Tipid na ngiti lang ang isinagot niya. Nabobother talaga ako ngayon kay Kench parang wala siya sa sarili niya.

Naputol ang pag.iisip ko ng biglang naghiyawan ang mga tao sa bleachers, nagsisimula na pala ang Jump Ball. Nakuha ng kabila ang bola. Dahil wala namang hilig si Author sa basketball at walang kaalam.alam sa mga violations at sa flow ng laro, hanggang chinese garter lang kasi ang kaya ng kanyang braincells efafast forward nalang natin ito ha.

So far, so good naman ang performance nila Lance sana lang mamaintain nila ito. Habang hindi magkandamayaw ang mga cheerer ng magkabilang grupo, heto't itong katabi ko ay parang wala sa earth dahil sa pagiging tulala niya nakakapag.alala tuloy.

The current standing is home court - 25 and visitor - 23 End of 1st quarter in favor sa amin.

Nagwater break muna sila, papalapit na sina Lance sa Bench team. Tagaktak na ang kanyang pawis kahit 1st Quarter pa lamang. Kaya inabot ko sa kaniya ang tubig at tuwalya niya. Dahil nakita ng mga kasama niya ang ginawa ko napuno na naman siya ng pang.aalaska nila.

College DaddyWhere stories live. Discover now