UPDATE 25 - At the province I

52 8 0
                                    

Sydney's POV

Napagdesisyonan kong hindi muna gamitin ang binigay na cellphone ni Jake. Hindi ko pa kasi alam kong papaano ko eexplain kay Lance. Maghahanap muna ako ng tamang tyempo na ikwento sa kanya at wala rin akong balak na itago sa kaniya ang nangyari kagabi. Tyak na magtataka yun kung bakit nagkaCellphone ako ng pagkamahal.mahal. Kung totoo lang sana si Santa gagawin ko siyang excuse hehe.

Ilang sandali pa narinig kong may humintong sasakyan sa tapat ng aking bahay. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang sasakyan ni Lance. Binuksan ko ang pintuan at nagulat ako may kasama siyang seksing babae. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha dahil bigla siyang yumuko na parang may kinukuha sa backseat ng sasakyan. Napanganga ako sa dami ng pagkain na dala nila, nang makalapit-lapit na sila ay napagtanto kong si Kenchin pala ang seksing babae. Napalaki ang mga mata ko at sobrang nagulat sa postora niya ngayon. Hindi ko akalain na may super seksi pala akong bestfriend.

"Hooooyyy madaam hindi mo ba kami tutulungan?" Pukaw ni Kench sa atensyon ko masyado talaga akong namangha sa suot niya ngayon.

"Keeeennnnccchhh .. Oh my God !!! Hindi ko alam na may tinatago kang alindog" Bati ko sa kaniya. At ang baliw rumampa ba naman sa harap ko namay dalang sandamak.mak na jollibee.

"Naman*wink*" Sabi niya saka pumasok. Pagkasara ko ng pinto napakunot ang noo ko ng may marealize ako. Nilapitan ko si Kench na naglalapag ng mga pagkain at agad na sinapok.

"Araaay namaan, ang sakit non sizt ha!" Sabi niya habang himas.himas ang ulo niya.

"Hindi mo ba alam na sobra akong nag alala sayo kagabi dahil hindi kita macontact? Tas rarampahan mo lang ako nang ganyan?" Sabi ko ng nanggagalaiti sa galit.

"Haissst sizzums naman eeehh, di ba pwedeng magtanong ng maayos! Nagulo tuloy buhok ko" sagot niya habang inaayos ang nagulo niyang buhok. Aambaan ko na sana ng sapok kaso agad na nakaiwas.

"Wait, wait magpapaliwanag ako.. Chill !!" Pagpapakalma niya sa akin. Kinwento niya lahat ang nagyari kahapon at hindi ko maiwasang matawa. Habang busy siya sa kakakwento ngayon ko lang narealize na iisang sasakyan lang ang ginamit nila papunta dito.

"Teka nga kayong dalawa ha ! Ba't nga pala kayo magkasamang pumunta dito" I said while narrowing my eyes on them. Nagtinginan muna sila bago nagsalita si Lance.

"Aherrmm, I better go check Clarence" Bago pa ako makapagreact ay nakaakyat na si Lance. Kaya mas lalo akong nagduda sa kinikilos nila. Kaya nilapitan ko ang curvy kong friend na hindi din mapakali sa kaniyang inuupuan.

"Hooooyyy grabe ka naman Syd mga tinginan mo naman parang may ginawa kami ahh" She answered defensively.

"Bakit wala nga ba ?" I said while raising my eyebrow while my arms are crossed.

"Gagirl ! Mali yang iniisip mo ! Ganto kasi yan sis, napapansin mo naman di ba na bihis na bihis ako. Ano kasi ahmm.. Sumali kasi ako sa ano sa screening hehe ! Ano.. modeling sa isang clothing line. May nadaanan kasi ako kahapon Christmas screening event daw nila. Naisipan kong subukan hehhe alam mo na. Kaya after screening naisipan ko kayong dalawin, coincidentally nakita ako ni Lance sa may kanto na naglalakad ehh.. Papunta din siya dito kaya isinabay na niya ako. Nagulat nga ako ehh ang dami niyang dalang Jollibee.. Hehehe halika na kain na tayo" Aya niya sa akin.

I scanned her from head to foot - foot to head then to her eyes. I'm figuring it out if she's telling the truth. Well, this is the first that I saw her dressing this way it seems realistic somehow. Napatingin ako kay Lance na pababa ng hagdanan kalong.kalong si bee habang nilalaro.

"Is she telling the truth Lance?" I asked suspiciously.

"Ah yeah.." maikling sagot niya at ibinaling na ulit ang atensyon kay Bee. Tinignan ko si Kench na kasalukuyang lumalamon ng pagkain kaya tinabihan ko siya.

College DaddyWhere stories live. Discover now