8. Contradiction

245 1 0
                                    

Nagkita kami ni Virginia sa school kinabukasan. "Teka nga, bakit ba kasi chat ka ng chat?" Sabi niya sa'kin.

"Masama ba?" Sagot ko. Kakapanibago naman siya.

"Noon kinukulit kita, ayaw mong magreply tapos ngayon ako naman ang kinukulit mo!" Naglakad kami papasok ng room.

"Dahil nga kasi kay Ate Margarita."

"Tutal, tapos na naman ang misteryong bumabalot sa babaing 'yan, tigilan mo na. Atleast malaya ka na sa kaka-iwas sa kaniya."

"Sobrang laki kasi ng nagawa kong kasalanan."

"Kung nagtuturo siya about bible, ibig sabihin mabait talaga siya. Wala na tayong dapat ipangamba simula ngayon."

-

Matapos ang mahabang oras namin. Ay salamat kahit papaano, hindi ako gaanong kinulit ni Reid. Pero napansin ko si kuya na dumaan sa room kanina. Binati siya ni Virginia kaya siguro nalaman ni Reid na may Kuya pala ako. Ngayon, pauwi na kami. "Sabado naman bukas. Pupunta na lang ako sa inyo." sabi ni Virginia.

"Okay." sagot ko at hinayaan ko na siyang umuwi mag isa. Pero eto, nakita ko sila Reid na naglalakad. Nasalubong ko sila. Bakit kaya sila babalik sa loob?

"Mateo!" bati sa'kin ni Reid. "Kuya mo ba 'yung dumaan kanina?" hindi ko akalain na itatanong niya.

"Ah oo. Bakit?" kaswal kong sagot.

"May Kuya ka pala a!" nakipag apir siya sa'kin at umalis na. Dama ko na meron akong Kuya. Ano kaya ang mangyayari sa mga susunod na araw?

Dumiretso agad ako sa kwarto at humiga sandali. Bigla kong naalala 'yung lalaking nakita ko sa kalsada. Sinabi niyang malapit na ang katapusan ng mundo. Totoo kaya iyon? Medyo may sira sa ulo ang lalaking 'yun. Itanong ko kaya kay ate Margarita mamaya. Sana makita ko siya. Plano ko na lang siyang abangan. Ewan ko, hindi naman ako ganito dati. Sa totoo lang mahiyain ako dahil lagi kong iniisip na baka mainis ang taong kakausapin at tatanungin ko. Pero itong si Ate Margarita ay alam kong hindi magagalit pag kinausap ko. Unlike sa mga teacher namin na nahihiya ako. Siguro dahil alam kong ang lahat ng maka-Diyos ay mababait. At alam kong kapag tinanong ko siya ay matutuwa siya at tuturuan niya ako ng tama.

Ilang oras ang limupas ay nanood ako ng Tv. Panay ang tingin ko sa bintana dahil baka dumating si Ate Margarita.

"Sino ba 'yang sinisilip mo?" tanong sa'kin ni Mommy.

"Wala." hindi ko na lang pinagtapat dahil baka bigla niya akong pagbawalan.

"Tulungan mo na lang ako." dala-dala niya ang mga tiklupin niyang kumot. Dumiretso siya sa kwarto.

"Kaya mo na 'yan." tanggi ko kasi alam kong ito na ang oras ng pag-uwi ni Ate Margarita.

"Sabado naman bukas. Lika na."

Alam ko na. "Kasi inaabangan ko si Ate Margarita." lumapit ako sa kaniya.

"Sino siya?"

Oo nga pala. "Yung laging nakaitim."

"Ano?"

"May itatanong lang ako."

"Bakit sa kaniya pa? Ano ba itatanong mo?"

"About bible kasi. Nalaman ko na nagtuturo siya about bible." sumilip uli ako sa bintana.

"Anong klasing tanong ba?"

Hindi talaga siya nagtaka sa sinabi ko? "Basta."

"Itanong mo sa'kin baka alam ko."

Si Mommy. "May alam ka ba. I know sasagutin mo ako ng tama pero tingin ko kulang."

The Great LieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang