13. Conspiracy

212 2 0
                                    

"May isang babae na iniwan ang asawa at bumalik sa kaniyang ama." nagpatuloy lang si Kuya Lito sa pagkwento ng ilan pang nilalaman ng biblia. "Ngunit sinundo din ito ng asawa pagtapos ng ilang araw na pagtigil ng babae sa kaniyang ama. Nakiusap ito sa ama ng babae na gusto na niyang kunin uli ang asawa niya. Kaya pumayag naman ang ama ng babae. Ang lalaki ay isang Lebita. Ngunit pag tapos nilang magpaalam pabalik sa lugar ng Lebita ay pinigilan sila ng ama ng babae. Pinagpaliban muna nila ang pag-alis dahil doon. Hindi natin alam ang dahilan nito. Pinainom sila ng ama at hanggang makatulog. Kinabukasan ay ganun uli ang ginawa ng ama ng babae. Pinigilan uli sila at humiling na ipagpaliban muna ang pag-alis. Hindi uli natin alam ang dahilan ng ama ng babae kung bakit sila uli nito pinigilan. Apat na beses niyang pinigilan ang pag-alis ng mag-asawa hanggang hinayaan na niya itong umalis na at wala na siyang nagawa. Sa tingin niyo, bakit laging dinidelay ng ama ng babae ang pag-alis nila?"

Wala akong maisip na dahilan. Ewan hindi ko alam. Pero sumagot si Agusto. "Siguro po dahil namimiss niya ang anak niya. Gusto niyang tumagal pa ang anak niya kahit ilang araw lang. Malulungkot siya pag umalis ito."

"Kalahati niyan ay tama." sabi ni Kuya Lito. "Dahil ang totoo kaya umalis ang babae at iniwan ang asawa niya ay masamang tao ang naging asawa niya. Binalita niya ito sa ama niya. Noon kasi, hindi pa gaanong sibilisado ang tao. Oras na magkroon ng asawa ang isang babae ay wala na itong bawian. Wala nang magagawa ang ama ng babae kundi pumayag na iuwi uli ang anak niya ng asawa nito. Ang tanging magagawa lang ng ama ng babae ay patagalin o i-delay ang pag-alis nila."

"Ah ganun po ba?" sabi lang ni Agusto.

"Oo at umalis ang Lebita kasama ang sinundo niyang asawa. Napadpad sila sa isang bayan. Doon nila planong magpahinga kaya naghanap sila ng matutuluyan, 'di nagtagal ay may taong mabuting loob na nagpatuloy sa kanila. Nalaman ito ng mga kalalakihan kaya nagpunta ito sa bahay ng nagmagandang loob upang kunin ang kaniyang bisitang lalaki para makipagtalik ng gabing kumakain sila."

"Makipagtalik?" tanong ko kasi nakakabigla lang na sa lalaki pa nila gustong makipagtalik.

"Oo, Mathew. Hindi ko din alam ang dahilan. Kaya naging makasalanan ang lugar na iyon dahil may mga binabae talaga noon pa at hanggang ngayon."

"Mga bakla?" tanong ni Agusto.

"Hindi sila mga bakla. Mga binabae na lalaki naman sila pero nakikipagtalik sila sa kapwa lalaki at pwede din sa babae. Nangyayari ngayon 'yan lalo na sa Midle East. Gustong gusto ng mga Arabo ang mga lalaki lalo na ang mga Pinoy. Sila ang mga binabae."

"Talaga po?" hindi makapaniwalang tanong ni Agusto.

"Oo. Marami akong nakilalang nag-abroad papuntang Saudi at talagang karamihan sa mga lalaki doon na may mga asawa't anak ay gustong sumiping sa ibang lalaki."

Hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin, noon at ngayon ay wala halos pinag-iba.

Nagpatuloy si Kuya Lito. "Itutuloy ko ang kwento. At ang ginawa ng lalaking nagmagandang loob ay sinaway ang mga kalalakihan, nakiusap ito na huwag nang ituloy ang binabalak nilang masama. Pero alam niyo ba ang ginawa ng Lebita? Kinaladkad niya ang asawa niya at siya ang ibinigay sa mga lalaki upang gahasain."

"Ang sama naman niya." kumento ni Agusto.

"Napakasama at hindi lang basta masama. Tinanggap kasi ng mga lalaki ang alok ng Lebita kahit tutol ang asawa niya. Ito marahil ang maitim na ugali ng lalaking ito kaya siya iniwan ng asawa niya. Pagkatapos ay inumaga na ang mga kalalakihan. Nagsawa sila sa pagsiping sa babaing asawa ng Lebita. Natagpuan na lang ng Lebita ang asawa niya na nakahandusay sa sahig. Sa labas ng pintuan. At inakala niyang patay na ito kaya binuhat niya ito at nagpatuloy sa paglalakbay hanggang makauwi. Inihiga niya sa lamesa ang patay na katawan ng asawa niya at kumuha ng patalim. Hinati hati niya ang katawan na ito sa anim."

The Great LieWhere stories live. Discover now