CHAPTER 21

300 25 2
                                    

Shia PoV:

Binuksan ko ang cellphone ko dahil may nag text na naman. Ngunit bigla na lamang akong napaiyak ng mukha ni Ranch ang bumungad sa  screen ng cellphone ko.

Siya kasi ang wallpaper at lock screen ko. Di ko alam kung papalitan ko ba o hindi? Nasasaktan parin ako, natural ikaw kaya ang hindi maalala diba?

Kaso ang masakit may nabuo pa, hindi ko alam kung tama ba na hindi sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Pero  baka pagsinabi ko hindi naman siya maniwala.

Napangiti ako ng mapakla ng masagi sa isipan ko ang salitang 'kasal' buhay nga  naman oh. Aabot din ba kaya ako sa punto na maaring pagsisihan kong di ko sinabi sa kaniya ang tungkol dito?

Pinahid ko nalang ang luha sa mga mata ko tsaka ko ini-unlock ang screen. Nakita kong si Flynn ang nag text.

From: Flynn Tubol

'Tungaw, wag kang aalis diyan sa bahay nyo ah. Pupunta ako diyan bukas'

Pagkabasa ko ay agad kong ini-off ang phone ko saka pumunta sa kama at nagtalukbong ng kumot. Naiiyak na naman ako.

'baby, pagpasensyahan mo na si mommy, mahal na mahal kita baby

Sana nga maging masaya pa ako ng wala siya. Di ko namalayan na unti unti nakong dinadalaw ng antok.

**

Kinabukasan ay may narinig akong katok sa pinto ko. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko ngunit bigla akong nagsisi ng mukha ni Ranch ang nakita ko sa isang picture frame na naririto sa kwarto ko.

Napalingon ako sa cellphone ko ng tumunog ulit ito, kinuha ko naman ito at tiningnan ang nagtext si Flynn lang pala.

From: Flynn Tubol

'Hoy gising na, kanina pa ako nandito sa labas ng door mo'

Nagmadali akong bumangin para maligo na dahil manggugulo na naman ang bestfriend kong siraulo.

Pagkatapos gawin ang morning routine ko ay lumabas na ako at nakita kk nga siyang nasa labas ng door ko.

Bumababa na ako at napansin ko ang mga mukha nila, lahat ito malungkot ang itsura alam kong dahil samin yun, bigla na naman nang gilid ang luha sa mga mata ko. Haystt napaka iyakin ko na ngayon ah.

"Tara na kumain na tayo" sabi ni Mommy. Iba yung boses niya ngayon kaya naman nakayukong sumunod ako sa dining area. Umupo na ako sa pwesto ko at kumain.

"Siya nga pala, nag text sakin si Flynn na aalis daw kayo ngayon and papunta na rin daw siya! Wag kang masyadong magalaw baka mapano ka" di na lang ako umimik at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Ding! Dong! Ding! Dong!

Tumayo naman si mommy para tingnan kung sino ang nasa labas.

"Tungaw! Where are you?" Rinig kong  sigaw ni Flynn mula sa sala, tsk nasa sala pa lang ay dumadagundong na ang boses nito. "Hoy babaeng tungaw, I miss you"

"Halika na date na tayo" Saad pa nito at hinila ako, dahil tapos na rin naman akong kumain.

"Teka! San mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sakanya matapos kong, sumakay ng kotse niya.

"Diba sabi ko sayo, magde-date tayo? Na miss kitang tungaw ka" nakangiting sabi niya.

Hayp na to, hanggang ngayon yan parin tawag niya sakin.

'Di pa talaga kami magkasundo niyang si Flynn. Bagong lipat lang sila sa neighborhood namin, naging close naman ang mga magulang namin dahil magkalapit lang talaga ang bahay namin.

Then nakita ko siyang umiiyak sa ilalim ng puno at tinutukso ng iba pang bata kesyo kalbo daw siya.

HAHAHAH kalbo nga siya dati pero gwapo naman siya kahit kalbo, nilapitan ko siya at sinungitan ako, akala niya siguro aawayin ko rin siya tulad ng ibang bata.

"Move! Ayoko sa inyo!" Asik nito sakin. Pero mas lumapit ako lalo sa kaniya at hinagod ang likod niya para patahanin.

"Sabi ni mama, bad daw ang umiiyak" bigla naman itong nagpunas ng pisngi at tumahan saka humarap sa akin.

"Really? Bad na ako?"

"Oo Kaya, tama na yan, don't cry na"

"Ano palang name mo?"

"I'm Flynn, you?"

"I'm Tanashia" sabay abot ko ng aking palad, tinanggap naman niya iyon.

"And you're a tungaw" sinamaan ko naman ito ng tingin.

"No! I'm not" Saad ko at tumayo habang nakapamaywang.

"Yes you are" Sabi nito at ngumiti, napangiti nalang din ako.

"Oh sige Basta satin satin lang Yun ah"  pang uuto ko sa kanya, tumango naman ito.'

"Saan ba talaga tayo magde-date?" Tanong ko sakanya para naman ma divert yung usapan namin.

"Psh! Edi sa mall, kain muna tayo di pa ako kumakain eh"

"Oh, magreklamo ka sinabi ko bang puntahan mo ko sa bahay ng di pa kumakain?"

"Hindi pero gusto kong kumain kasama ka yiee uutot yan sa kilig"

"Che! Walang kikiligin sayo kalbo" sinamaan niya ko ng tingin kaya naman napatawa ako kaya nakisabay rin ito.

Inakbayan niya ako saka kami naglakad papasok ng mall. Dinala niya ako sa isang restaurant, nasa pinto pa lang ay amoy na amoy ko na ang mga pagkain.

Napatingin ako sa menu at shit napahart-hart naman ang mga mata ko.

I'm craving for chicken curry, pork lumpia, pork barbeque God!  Nagugutom ulit ako, ako mismo ang humila kay Flynn papasok sa loob, umupo kami at binigyan naman kami agad ng menu pumili ako ng tatlong putahe at isang desert na leche flan lang naman.

"Sa pagkakaalam ko, kumain ka naman bago tayo umalis ahh, tinalo mo pa kong gutom" di nalang ako umimik sa sinabi niya dahil hinihintay ko talaga yung order ko, after how many years nareserve din sa wakas.

Natatakam na talaga ako Kaya agad kong sinunggaban ang barbeque tapos ang chicken curry pinagsabay ko talaga sa bibig ko, lapang kung lapang.

Gulat naman akong tiningnan ni Flynn tsak umiling iling.

"Ikaw magbayad niyan, mamumulubi ako sayo, akala ko tungaw ka lang, baboy ka na rin pala" sabi niya kaya napatigil ako sa pagkain.

Tiningnan niya ko ng nagtataka, nawalan ako ng gana dahil sa sinabi niya.  "Ba't di ka na kumakain?"

"Wala na akong gana, ubusin mo na yan at uuwi na tayo"

"Huh? Eh ikaw naman d-di na mabiro"

"Kumain kana niyan at marami pa tayong pupuntahan. Mag aarcade Tayo" Sabi nito kaya naman napabalik ako sa pagkain.

Arcade! Arcade! Arcade!

"Talaga?"

"Pshh wag na pala, Sabi mo uuwi na tayo diba kasi wala kang g—"

"Joke lang Yun, Ito naman uubusin ko na oh" nagmamadali kong isinubo ang laman ng kung anong nadampot ko.

"Why are you so acting weird?" Out of blue na tanong ni Flynn kaya naman napatigil ulit ako.

Sasabihin ko ba? Gosh! Alam ko naman kung ba't ako nagkakaganito di ba? Di ba alam nyo narin?

Mr. Bully meets Ms. PalabanWhere stories live. Discover now