CHAPTER 36

293 20 0
                                    

Tanashia POV:

Nakauwi na kami galing sa Paris. Limang araw lang kami doon dahil may trabaho pa kami ni Ranch. Sila Kyron at Hairon naman, magpapasukan na ulit pagkatapos ng sem-break nila.

Ang dami nga naming pinuntahan eh. Kakapagod ang mga mag-ama kapag nagsama-sama. Ginagawa nila akong taga-picture tas yaya.

Kakatakot silang dalhin sa kung saan-saan. Biglang may mga pangarap na nabubuo. Pangarap din daw nila magpatayo ng palasyo sa Pilipinas, kala mo naman talaga Monarch ang Philippines. Baka kapag sila na ang namamahala ng mga kumpanya namin, bigkang mga magpakahari ng Pilipinas mga ito.

"Mommy" napalingon ako sa mga tumawag sakin.

"Oh, gising na pala kayo. Did you both slept well?" Tanong ko sa kanila na kagigising lang nang pumasok ang mga ito sa kwarto ko.

Kagabi lang kasi kami nakauwi at balak naming puntahan si Daddy sa hospital dahil sabi ni Mommy, gising na raw ito.

"Aren't we going to visit grand-dad, today?" Tanong ni Kyron bigla at lumapit sa akin.

"We will baby. Pupuntahan daw tayo ng daddy niyo dito. Sasama rin daw siya" I said. Sabi kasi ni Ranch sabay na raw kaming bisitahin si Daddy.

Iniisip ko nga kung ano ang magiging reaksiyon ni Daddy kapag nakilala niya si Ranch. Hindi ko pa kasi napapakilala si Ranch sa kanila noon through video-call lang not personally.

Bumaba na kami ng mga anak ko para kumain dahil nagtext na sa akin si Ranch na paparating na raw siya.

"Bem!" Pinatay ko muna ang shower nang marinig ko ang boses ni Ranch na tinatawag ako.

"Ano yun?" Sigaw ko mula sa loob.

"Alis muna kami nila Kyron, bibili lang kami ng prutas para sa daddy mo" He said.

"Sige" sabi ko nalang at nagpatuloy na sa pagligo.

NANG MATAPOS na ako ay lumabas na ko't nagbihis. Nag ayos na rin ako ng sarili sakto nanan at nakabalik na sila Ranch pagkatapos ko.

"Kinakabahan ka ba?" I ask Ranch nang mapansin kong tahimik siyang nagda-drive.

"Huh? Somewhat?" He said. Hindi nalang ako nagsalita pa dahil kinakabahan din ako sa magiging reaksiyon ni Daddy.

Nang makarating na kami sa hospital, dumiretso kami agad sa kwarto nila daddy. Kumatok pa kami bago pumasok.

"Daddy"

"Grand-dad" sabay sabay naming sabi ng makita namin si Daddy na masayang nakikipag-kwentuhan kay mommy.

"Mga apo ko" sabi ni Daddy at sinalubong ang yakap nila Kyron.

"How are you grand-dad?" Tanong ng dalawa habang yakap nila si Daddy.

"I'm fine now, mga apo. Nandito na kayo e" He said at pinisil pa ang kanilang mga ilong.

"Ah daddy" napatingin naman sa gawi ko si dad.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Ranch. "Si Ranch po" I blurted out. Nakita ko naman ang mukha ni dad na ngayon ay walang emosyon.

"Your mom already told me about him and you too right?" He said at bumaling ng tingin kay Ranch.

"I am not happy with what happened between you two. I'm fine with you now as long as you won't hurt my daughter anymore. Huwag mo na sana siyang saktan lalo na at may mga anak na kayo. I wanted to punch you kaso nandito ang anak niyo eh, kaya huwag nalang. I can't totally blame you for that dahil hindi sinabi sayo agad ng anak ko ang tungkol sa anak niyo. Alam kong masakit sayo iyon na malamang minsan kang nawala sa tabi ng mga anak mo. At ngayong alam mo na ang tungkol sa pamilya mo, ano ng plano mo?" Sabi ni dad kay Ranch. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ranch sa kamay ko while he faced my father.

Mr. Bully meets Ms. PalabanWhere stories live. Discover now