CHAPTER 27

285 23 0
                                    

Tanashia PoV:

Pasensya kana baby, naduduwag na si mommy, sorry baby dahil hindi ko maibibigay sayo ang kumpletong pamilya na gugustuhin mo. Bubuhayin kita sa about ng aking makakaya at mamahalin kita ng higit pa sa kahit kanino. Mahal na mahal kita baby kahit hindi pa kita nakikita.

After kong makipag-usap kay Riskim noon ay hindi na muli akong nagpakita pa sa kanila hanggang sa dumating na ang araw ng pag-alis ko.

"Ano? Handa ka na ba?" Biglang singit ni Flynn. Ngumiti ako sakanya at tumango aalis na ako at soon na ako maninirahan sa U.S.A I guess for good and this is the time for moving on. I want to move on not just for myself but also for my baby and Ranch, uunahin ko na muna ang baby ko bago any pagmamahal ko kay Ranch doon ako titira para naman makapag-focus ako sa baby naming at para hindi na muling magkrus any landas namin ni Ranch.

Every girl has her own type of guy, lovestory and heart ache but one thing is common among girls the way they cry over the wrong guy.

"Okay ka lang ba anak?" Tanong ni mama sakin at humawak sa balikat ko. Okay na pala kami since graduation day namin.

"Hindi na ba magbabago any desisyon mo Shia baby?" Tanong rin sa akin ni Daddy.

"Oo nga Lil sis baka naman magbago pa" sabi no Kuya Trevor nginitian ko lang sila at tumingin sa mga bagaheng naka ayos na sa sala namin.

"Tingin niyo mom, dad, Kuya and Ate Tracey, magiging mabuti ba akong mommy?" Out of nowhere na tanong ko sa kanila.

"Mas magiging mabuti kang INA kaysa sa akin Shia" sabi ni mommy sakin ngumiti lang ako ulit at bumaling sa mga maleta.

"Kahit pinagkaitan ko ang anak ko ng ama?"

"Shia, Hindi mo pinagkaitan ng ama ang anak mo Hindi mo kasalanang hindi makilala ang ama niya at hindi mo kasalanan na magkaroon siya ng amnesia" Sabi ni mommy kaya napayuko ako masamang ina pala ako.

"I'll bare that in my mind" sabi ko na lang kahit pinalagpas ko lang sa kabilang tainga ko ang sinabi ni Mommy. I'm sorry Mom but I'd rather be selfish if this is the best for him and for my child. Besides, I can also be the father of my child hindi ko ipaparamdam sa kanya ang kawalan ng ama dahil ako mismo ang tatayong ama niya.

"Shall we?" Tanong no Flynn at hinawakan ang maleta ko.

"Bye po" sabi ko at humalik sa pisngi nila at niyakap sila.

"Mag-iingat kayo doon Shia and Flynn, tumawag kayo samin palagi at balitaan mo kami tungkol sa mga apo ko. Wag kang papa-stress doon at kapag may masakit sayo tawagin mo si Flynn tapos kapag—"

"Mom, Alam ko po yan, ilang beses mo na kaya ako pinaalalahanan" pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"Alis na kami" sabi ko at naglakad na paalis kumaway na ako sa kanila at pumasok na sa airport.

Nasa eroplano na kami at naghihintay na lamang na lumipad nang maramdaman kong gumalaw na ang eroplano ay sumilip ako sa bintana. Everything will be fine I believe in that.

Ranch PoV:

"Is everything okay?" Tanong ko kay Riskim nasa boutique kami dahil pumipili si Riskim ng gown and tuxedo na susuutin niya sa nalalapit naming kasal which is next month.

"Yes" nakangiting sabi naman nito. "Ranch if you think that you don't love me please say it now para magawan pa natin ng paraan" seryosong sabi ni Riskim sa akin kaya agad na nangunot ang noo ko.

"Why would I do that?" Kunot noong tanong ko sa kanya. What is she talking about?

"Just....say it now" seryoso parin ito.

Mr. Bully meets Ms. PalabanWhere stories live. Discover now