ARIES-CHAPTER 4

268 24 0
                                    



Chapter 4

Nung gabing 'yun, hindi ko na muling nakita pa ang babae. Umasa ako na sana lilitaw siyang muli sa lugar na 'yon pero bigo ako. Hanggang sa makabalik kami ng Hamura ay siya parin ang iniisip ko.

Hawak hawak ang papel na binigay ni Rea ay paulit-ulit ko itong binabasa. Iniisip kung makikita ko pa ba siyang muli o aasa nalang ako.

Nakita kong tumayo si Eury mula sa pagkakahiga at lalabas ng pinto nang tumigil siya saglit at lumingon saakin.

Nakatitig lang siya saakin at ganun din ako sakanya. Walang nagsasalita saamin at ang paglakad niya palapit saakin ang naaaninag ko. Para siyang anino sa hitsura niya.

"Eury."

"Putcha ka, Aries!" biglang sigaw niya.

Dali-dali niyang binuksan ang ilaw ng dorm at doon lang namin nakita ang hitsura ng isa't-isa. Nakahawak siya sa dibdib niya na akala mo gulat na gulat na makita ako.

"Anong problema mo? Para kang nakakita ng multo."

"Bro, para nga talaga akong nakakita ng multo, kundi ka ba naman baliw na nakatayo diyan tapos nakapatay pa ang ilaw!" sermon niya.

Naupo ako sa kama't tiningnan nanaman ang laman ng sobre.

"Bakit kasi madaling araw na gising kapa?"

"Hindi ako makatulog." I answered.

"Bukas mo nalang isipin si Rea, pre. May training pa tayo."

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Sino naman maysabing siya ang iniisip ko?!"

Nang mailapag ko na ang sobre sa maliit na cabinet na katabi ng kama ko ay nahiga na ako.

"Madaling araw tapos hawak-hawak mo ang sobreng binigay sayo ni Rea, sino sa tingin mo ang iniisip kong iniisip mo ngayon? Ako?"

Binato ko siya ng unan. "Kung lalabas ka lumabas ka na, ang daldal mo."

Wala na siyang sinabi at lumabas na siya ng dorm. Iniwan niyang nakabukas ang pintuan pero imbis na isara ay hinayaan ko nalang ito hanggang sa makabalik siya. Samantalang natulog nalang ako para maghanda mamaya.


Sa umagang paggising ko ay saka ko rin naalala ang training namin. Minadali ko lang ang paghahanda saka pumunta sa opisina ni Lolo, nandun na siya at nagkakape. Binilin pa niya saakin ang mga rango. Bago ako bumaba ay pinagmasdan ko muna ang mga rango na naglalakad sa ground floor.

Bagaman kaunti lang ang estudyante sa Hamura ay matitinik silang kumilos. Natanaw ko naman ang ikaunang at ikalawa na nakahilerang nakatayo kasama ng mga trainor namin.

Pababa na sana ako nang makita ko ang isang bulletin na nagpaagaw ng aking atensiyon. Bukod sa nandun ang pangalan ni Rea ay naalala ko rin ang panahon kung paano siya nasama dito. Ang kakayahan niyang talunin ang mga rango ang mas nakakahanga sa kanyang abilidad. Kung nung panahong yun ay naglaban kami, sa tingin ko hindi siya makakaabot dito.

Ako'y bumaba na at sumama sa kapwa ko A-rank. Bumalik sa dati ang takbo ng Hamura High School. Parang kailan lang simula nang mawala si Rea dito. Tahimik at hindi masaya, pero masasabi kong payapa at walang gulo kapag wala siya.

Ewan ko nalang kung sa darating na mga araw ay magkakaroon nanaman ng panibagong delubyo na darating rito. Kailangan naming magpalakas, kailangan naming maging magaling.

"Good Day, Everyone! Sana naman napaghandaan niyo ang training na 'to. Gusto kong sana walang masugatan at mapahamak gaya ng dati. Mag-iingat kayo."

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now