CHAPTER 11

192 15 0
                                    

REA'S POV

"In order to protect the real one, Mr. Sebastian.."

Pangalan ng papa ko.

"..Collins made the deal with Mr. Hamura. The two agreed to spread the symbol to the other three person so that the Black Forces wouldn't know who's real..."

Naputol na doon ang sulat. Pero hindi parin ako makapaniwala sa nabasa ko. Nagkaroon sila ng kasunduan ni papa tungkol sa simbolo? Walang nasabi si Ms. Riku na kilala ni Dean si papa dati pa. Isa pa, naguguluhan din ako kung bakit ginawa nilang magkasundo sa bagay na 'yun. Ngayon, hindi ko alam kung tunay bang ako ang may hawak ng simbolo o hindi.

Pagsara ko ng libro ay akala ko doon na nagtatapos pero may nakasulat pa sa likod nito.

"Rea needs to know...."

Bago lang ang nakasulat, hindi gaya sa nauna ay luma na ang tinta. Siguro naisulat niya ito nung buhay pa siya at nandito na ako.

"This book, it gives me chill." ani ni Luna.

"Wait, paano mo malalaman kung nakanino ang ibang simbolo?" tanong naman ni Alice.

Sa totoo lang, wala pa akong maisasagot diyan. Mahirap mahulaan kung nakanino ba, hindi naman pwedeng basta ko nalang silang tingnan sa katawan. Kailangan ko na talagang makausap si Aries tungkol dito. Pero si Dean muna ang uunahin ko.

Tumayo ako para puntahan si Dean sa opisina niya.

"Rea, where are you...."

"Sorry guys, I have something to do." yun lang ang nasabi ko bago lumabas ng dorm. I headed straight to his office. Pero sa hindi inaasahan ay makakasalubong ko nanaman si Aries.

"Kanina pa kita hinahanap." paglapit niya. "..nakausap ko na si Lolo at---------"

Nilagpasan ko lang siya't dumiretso papasok pero hinatak niya ako ulit palabas. Bakas sa mukha niya ang inis.

"Why are you avoiding me?! Kung nagagalit ka saakin dahil hindi kita pinaniwalaan then it's not my fault, unang una naman wala kang proweba sa sinabi---------"

"Hindi ko kailangan ang sagot kung naniniwala ka o hindi, gusto kong malaman ang katotohanan at yun ang mahalaga saakin ngayon."







ARIES'S POV

Geez! Bakit ba napakasungit niya?! Tss! Hindi parin talaga siya nagbabago. Mas naging masungit pa siya ngayon,

Nakita ko siyang pumasok na sa loob kaya agad ko siyang sinundan. Sinamaan pa niya ako ng tingin dahil sumunod pa ako pero sinamaan ko rin siya ng tingin.

"Rea."

May inilapag siyang maliit na libro sa desk ni lolo. Dahil sa kuryusidad ay binalak kong hawakan ito pero tinapik niya ang kamay ko.

"You made a deal with my father!" halatang inis na sabi niya.

Naguluhan naman ako doon at tumingin din kay lolo para maghintay ang isasagot niya. Mukha namang nagulat din siya sa sinabi ni Rea, hindi ko alam kung nagulat siya dahil nalaman ni Rea o nagulat siya dahil 'yun ang sinabi niya.

I don't know what she was saying but little by little, I'm having so many questions. Ngayon ko lang narinig ang tungkol diyan. Wala naman kasing nasasabi saakin si Lolo na kilala niya ang Collins. But I guess she's right, this school has so many secrets. Even my grandpa.

"Dean, ang laman ang librong 'yan ay kwento ng nakaraan. Galing 'yan kay Nash Keller at-------"

"Wait," I cut her. "..that book came from him? b-but how? Paano niya nalaman ang tungkol sa nakaraan?"

Now she mentioned Nash, I remember something. Ang kwento ng pamilya niya. Hindi gaanong malinaw saakin ang lahat pero ang alam ko lang isa ang Keller family sa mga kakilala ni Lolo.

Narinig naming huminga ng malalim si Lolo at lumapit sa may bintana.

"Labing isang taon, ang simbolo ng asido ay importante sa mga Black Forces noon, sa paningin niya kapag nakadikit ito sa iyong katawan ay makapangyarihan ka. Susundin ka ng lahat. Ang Emperador ang nag-utos na kung sino man ang meroon nito ay papaslangin. Si Sebastian na siguro ang may maswerteng pamilya sa buong bayan. Ang angkan niya ay mayroong mga balat na asido sa iba't-ibang bahagi ng kanilang katawan......"

Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwala na may ganung kwento ang simpleng balat na asido na 'yan.

"Kaya naman noon ay angkan ng mga Collins ang kinatatakutan. Ngunit pinapatay sila ng Emperador. Ang kanang kamay ng Emperador ay nagmula sa angkan ng mga Collins, Rea. Isa siya sa nagpapaslang sa 'yong pamilya. Upang maprotektahan ka ng iyong ama, ibinigay ka niya sa isang babae. At 'yun ay si Ms. Rik-------"

"Kilala mo ang kanang kamay ng Emperador?" biglang tanong ni Rea.

"Hindi, nakita ko na sila noon pero hindi ang kanilang mukha. Nananatiling nakatago ito, kahit ang mga tauhan niya'y wala pang nakakakita ng mukha ng Emperador. Para silang mga kulto, balot na balot."

Humarap siya saamin. Humarap siya kay Rea. Patuloy parin akong nakikinig at pinoproseso ang bawat sinasabi ni Lolo ngayon. Nagulat lang ako na ganito pala ang kwento ng simbolo. At ng angkan ng mga Collins.

"Kung ang kanang kamay ng Emperador ay galing sa angkan namin, ibig sabihin may kasama rin siyang nabuhay?" tanong nanaman niya.

Napaisip din ako bigla. "Kung meroon man, baka nga may kakambal ka." I said.

"What do you mean?"

"Remember when the Black forces kidnapped you----"

"Syempre hindi, I passed out." putol niya.

"Bago ka namin natagpuan, may nagpanggap na ikaw. She looks exactly like you! Hindi man pareho ng awra, nandun yung pareho kayo ng mukha. Pareho kayo ng katawan, malaki nga lang yung sakanya at----------" natigilan ako nang marealize kung ano ang nasabi ko.

Too late, masama na ang tingin niya saakin.

"Wala akong maalala na may kakambal ako." pag-iiba niya ng kwento. "Walang nakwento si papa tungkol diyan." lumapit naman siya bigla kay Lolo.

"Nakasulat sa libro na napagkasunduan niyo ng papa ko na ipagkalat ang simbolo, nakanino ang dalawa, Dean?"

"You made that kind of deal, Lolo?!" hindi makapaniwalang sabi ko. Napaiwas lamang siya ng tingin. "Paano kung mapahamak ang mg taong may hawak nun?"

"They're in a safe place, Aries." naglakad siya pabalik sa kinauupuan niya't tumingin saamin.

"Na kay Nash Keller ang isa," sabi niya. Nagkatinginan kami ni Rea. "Pero ang simbolong iyun ay hindi maihahalintulad sa simbolong nasa katawan mo, Rea. Nasa'yo parin ang totoong simbolo."

Nagbaba siya ng tingin.

"Lolo, na kanino ang isa?" tanong ko.

Nag-angat naman siya ng tingin saakin.

"Nasa iyo.."













[ See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now