REA-CHAPTER 8

211 17 0
                                    


Chapter 8

"I still don't get how it happened? I mean, kita ng mga mata namin ang pagkamatay ng Emperador, paanong......"

"Yun din ang nasa isip ko, pero hindi parin ako mapakali. Pakiramdam ko ibang tao ang napatay ko."

Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Dean kasama ang Ikauna at Ikalawang rango. Maging sila ay nagulat sa pagbabalik ko pero mas naantig sila ng sabihin ko ang dahilan ng aking pagparito.

"Hamura is not safe anymore." sambit ni Danko.

"What should we do now? Dalawa lang ang natatanging hideout ng Hamura. Patungo sa basement pero natuntun na 'yun ng Emperador at tiyak kong malalaman-----------"

"That hideout is built 10 years ago. Hindi basta basta matutuntun yun ng kung sino man...unless nagpunta roon si Dean o si Aries."

Nilingon ko si Senpai na nagsabi nun. Hindi rin kataka-taka kung may alam si Aries dahil apo siya ni Dean.

"Nozomi Toda, Danko Fugazin. Anyayahan niyo sina Ms. Toma na pumaroon sa hideout, dalhin ang mga importanteng bagay. Maging si Aries ay isama niyo, siya ang gagabay sainyo-----------"

"I want to talk to him first."

"Rea, sumama kana patungong hideout."

Bigla akong natahimik. Tiningnan ko si Dean. Gustuhin ko man ang sumama ay ayoko, hindi dun ang trabaho ko. Pumunta ako rito para paalalahan sila hindi para magtago kasama nila. May kailangan pa akong ayusin lalo na't nanganganib ang buhay ni Ms. Riku. Ayokong hintayin ang pagdating ng mga Black Forces. Mas magdadala ng panganib yun sa lahat.

"Pag-iisipan ko po ang bagay na 'yan."

"What? Wait......Rea!"

Lumabas na ako sa opisina niya. Tinungo ko kaagad ang canteen kung nasaan ang mga rango na taimtim na kumakain. Mas natahimik pa sila nang pumasok ako doon. Gaya ng unang reaksiyon ay seryoso silang nakatingin saakin. Hinanap agad ng mata ko kung nasaan si Aries na nakita ko naman din kalaunan. Nakatingin na siya saakin at nakatayo.

"Rea!"

biglang tawag ng isa sa mga E-rank. "Dito!" sigaw pa niya.

Si Alice.

Sila muna ang nilapitan ko. Nabaling ang tingin ko sa bakanteng upuan kung nasaan noon ay magkatabi kami ni Nash habang kumakain. Habang naalala ko ang pangyayaring yun sa buhay niya nalulungkot at naiinis ako. Wala siyang ibang inisip kundi ang mapatay kung sino man ang taong pumatay sa pamilya niya. Pero sa huli ay nagawa niyang pumrotekta.

"R-Rea?"

"Guys, pasensiya na. Hindi ako makakasama sainyo kumain, m-may kailangan pa akong gawin. Hindi rin ako magtatagal dito sa Hamura." mahinahong sambit ko.

"What?! Bakit kapa pumunta rito kung aalis ka rin naman?!"

"Oo nga, namiss ka namin!"

"Please, stay!"

Tumayo ako. "Even I wanted to, I can't stay here....you guys will be in danger if I stay."

"I-In danger?!"

"Rea, anong ibig mong sabihin?"

"Rea."

Napalingon ako sa nagsalita. Malapit na saamin si Aries habang seryosong nakatingin saakin. Hindi ko mabasa kung ano ang gusto niyang sabihin pero sana lang wala akong masamang salita na marinig sakanya.

"We need to talk." he says.

"That's my intension." I said. Tiningnan ko ang E-rank at nagpaalam bago lumabas ng canteen kasama ni Aries.

Sa Garden niya ako dinala. Naging tahimik lang siya ng ilang minuto pero maya-maya bigla niya akong nilapitan at niyakap. Dahil sa gulat ay inilayo ko siya pero sa higpit ng yakap niya ay nanatili kaming magkadikit.

"A-Arie--------"

"You came back!"

"Aries ang sugat ko!" sigaw ko sakanya. Kumalas siya kaagad at nagsorry ng ilang beses. Hinanap pa niya kung saan ang sugat ko pero hindi ko na sinabi kung nasaan.

"Aries, hindi ito ang tamang panahon para diyan. Bumalik ako para paalalahanan kayo na hindi na safe ang Hamura."

"W-what do you mean? Anong problema?" sunod sunod niyang tanong.

"Inatake ako ng mga myembro ng Black Forces, they took Ms. Riku at papatayin siya kapag hindi ako sumama sakanila pero pinili kong tumakas. Itong lugar na 'to ang isusunod nila...." tumingin ako sa malayo. "S-Sa palagay ko'y buhay pa ang Emperador."

"Ano?"

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Ano ang sikreto ng Hamura, Aries?"

Bahagya siyang natigilan sa itinanong ko. Marahil hindi niya inaasahan na magtatanong ako ng ganung bagay. Pinagkakatiwalaan ko ang Hamura, tinanggap nila ako at tinulungang maging malakas. Pero sadyang napakalawak ng lahat. Hindi ako mapakali at gusto kong malaman ang totoong sikreto na nakakubli rito.

"Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Bago namatay si Nash, may sinabi siya saakin. May sikreto ang Hamura....at si Dean. Si Dean ang taong pumatay sa pamilya ni Nash. Aries, kung tama nga ang sinabi ni Nash baka may alam kang-----------"

"Imposibleng si Lolo ang pumatay sa pamilya ni Nash. Hindi niya magagawa 'yun!-----------"

"Kaya nga gusto kong ipaliwanag mo saakin ang lahat, ano ba talaga ang sikreto ng eskwelahang 'to? Lahat ng eskwelahan misteryo, Aries. Kahit pa umalis ako rito ay hinahabol parin ako ng mga tanong sa palagay ko dito ko lang mahahanapan ng sagot!"

Natahimik kaming dalawa. Bakas sa mukha niya ang pagkainis. Batid kong maging siya ay magagalit dahil sa balitang narinig niya pero yun din ang gusto kong malaman ngayon. Kung totoo ba ang sinabi saakin ni Nash noon. Hindi naman ganung uri ng tao si Nash na gagawa ng kwento pero.....Wala naman sa mukha ni Dean na magagawa ang ganung klase ng krimen.

One of them is lying...

at kung isasama si Aries...malamang mali siya o pwedeng tama. Pwede ring inosente siya. Ewan, hindi ko alam...nakakainis!

"There's one thing I need to ask...." nagfocus siya sa sunod kong sasabihin. "Bakit itinago ka ni Dean sa apelyidong Ruiz?"

"T-That's because....."

Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya at hindi makapagsalita o sadyang ayaw lang niyang sabihin saakin ang dahilan. Aries, parang awa mo na, sabihin mo saakin ang mga nalalaman mo.

"Bakit pinoprotektahan ka niya kung nasaakin ang simbolo?"

Hinubad ko ang gloves ko at pinakita ito sakanya. Pansin ko ang pagkagulat  niya nang makita ito pero agad niya ring binawi at tumingin saakin.

"Wala akong alam kung bakit itinago ako sa apelyidong Ruiz ng aking Lolo. Pero hindi ba halata? Ginawa niya yun dahil ayaw niyang mapahamak ako."

"Unless....." tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Nasa'yo talaga ang simbolo."












[ See you on the next Chapter...]

Hamura High School 2 | ✔Where stories live. Discover now