Chapter 1

2.2K 34 1
                                    

WARNING:
You may encounter vulgar word, grammatical error and some typos word. Intindihin nyo nalang yung Author. Medyo lutang.





Zenesthria's POV




INAAYOS ko ang suot kung formal suit sa harap ng salamin namin ng biglang lumapit ang isa sa mga Anak ko sa Kambal.



"Mommy? Saan ka pupunta?". Agad naman akong lumuhod para maging pantay kami ng anak kong Lalaki. Si Ziyo.



"Maghahanap lang ng trabaho si Mama Nak para may pambili tayo ng Lollipop". Naka-ngiti kung sagot kay Ziyo.


"Lollipop Mama?". Agad naman akong napa lingon sa kambal nitong babae. Si Ziya.




"Yes Baby, gusto nyo ba yun?". Tanong ko sa kanilang dalawa. Agad naman silang tumango at ngumiti. "Magpakabait kayo dito kay Lola Mama nyo ah? Wag kayong magpapasaway". Agad ko silang niyakap at hinalikan ang noo nila. "Sige na, maglaro na kayo dun."




"Ok po Mama! Don't problema po Mama! Ako po magbabantay dito kay Ziya!". Bibong sagot ni Ziyo. Napa-ngiti nalang ako at tumango. Agad naman silang tumakbo dun sa sala at nag laro. Tiningnan ko muna sila at tumayo saka lumapit kay Mama na nagluluto ng mga pagkain para sa mga Bata.




"Mama alis na ako ah". Hinalikan ko sya sa pisngi at nagmano.




"Ingat ka Anak, break a leg". Natawa nalang kami ni Mama dahil sa sinabi nya.




"Opo naman Ma". Ngumiti na ako at lumabas na ng bahay.




Habang nagbabantay ako ng Taxi  ay napapa-tingin ako sa relo ko. Hindi pa naman ako malalate sa pag-aaplyan ko. Agad kung dinukot ang cellphone ko at nag check kung may Message ba pero wala naman. Kaya binalik ko nalang sa bulsa yung cellphone ko.



Sana matanggap ako sa pag-aapplyan kung trabaho. Lord, help me to get this job. I really need this Job.



"Inaanak Ganda?". Agad akong nabalik sa wisyo ng marinig ko ang boses ni Ninong Martin.



"Uy Ninong Martin! Kamusta po kayo?". Agad akong lumapit dito at nagmano.



"Ok lang ako Ganda". Naka-ngiti nitong sagot.



"Ano ba Ninong, wag mo na akong tawaging Ganda. 27 years old nako eh, di na ako Bata"




"Sus! Maganda ka naman talaga Zenesthria! Oh siya, saan ka pupunta at parang bihis na bihis ka?"




"Ah mag aapply po sana ng trabaho Ninong, nag aantay lang po ako ng Taxi"




"Ay tamang tama! Pupunta akong Bayan para mamili, sumama ka nalang sa akin"




"Ay talaga ba Ninong? Ambait nyo naman po!"



"Sus! Wag mo ng banggitin! Halika na baka ma-late ka pa!"



"Ok po". Agad akong pumasok sa kotse ni Ninong Martin. Ang bait talaga ni Ninong Martin. Kahit na mayaman sila ay hindi sila nang mamaliit o nanlalait ng mga taong hindi nila ka level. Hindi kagaya ng iba! Nag abroad lang yung isa sa Pamilya, feel rich na. Pikit pag tinamaan.





AFTER 1 HOUR



Halos 45 minutes din akong naka-upo sa waiting area bago tinawag ang pangalan ko. Agad akong tumungo dun sa Interview Hall pero bago ako pumasok ay nginitian ako nung babaeng nagbabantay.





"Piece of Advice Ms. Marquez be confident, wag kang kakabahan". Nginitian ko nalang sya bago pumasok na sa Interview Hall.





Ang pagkaka-alam ko ay ang mismong Boss daw ng Company ang gumagawa ng Interview. I'm applying as a Secretary. Dahil ito nalang yung bakanteng trabaho sa kompanyang pinag-aaplyan ko at sa pagkaka-alam ko masungit daw yung Boss. Baka siguro biyudo o matanda na. Wala kase akong idea sa mukha ng boss ko eh pero sure akong matanda na sya.





Agad na bumungad saken ang isang napaka-lapad na kwarto. Napapalibutan ng puro salamin kung saan tanaw na tanaw mo yung view sa baba. Napanganga nalang ako dahil sa sobrang ganda. Nilibot ko yung tingin ko at may sofa dun tapos may lamesa sa harapan nito.





"Ano? Di ka uupo? Titingnan mo nalang ba yung sofa?". Agad naman akong napa-tingin sa nagmamay-ari ng baritonong boses na yun.





Para akong binuhasan ng isang baldeng tubig ng makita lo ang kagwapuhan ng lalaking na nasa harapan ko. He is like a Greek Mythology God. Ang mata nitong kulay asul na nakakaakit. Ang ilong nitong napaka-tangos. Ang labi nitong nanghihikayat na lapitan at halikan. Ang mukha nitong napaka-kinis na parang mahihiya ang mga pimples na dumapo. God! May nabubuhay palang ganito kagwapo? Pero familiar sya, nagkita na ba kami dati? Sure akong hindi pa, ngayon lang ako naka-kita ng ganto kagwapong lalaki sa tanang buhay ko eh!





"So Miss? Are you going to watch me or you're going to sit?". Agad naman syang bumalik sa reyalidad. Napa-lunok naman ako ng laway dahil parang bang may bumara sa lalamunan ko. Ito yung boss namin?!




"A-ay s-sorry po B-Boss". Agad naman akong lumapit dun sa Sofa at umupo. Mas lalo pa akong namangha ng makita ang katawan ng Lalaki. Halatang laging nasa Gym. Nakaka-akit hawakan at— Ano ba Zenesthria?! Nandito ka para mag apply ng trabaho! Hindi para mang halay nga tao!




"Tell me about yourself". Agad naman akong tumingin sa lalaking kaharap ko ng walang takot.




"I'm Zenesthria Marquez, 27 years old, sin-"



"Alam ko". Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. Ano? Daw? Alam nya?



"P-po?". Kinakabahan kung tanong sa kanya. Huh? Bakit nya alam? Stalker ko ba sya? God! May ganto pala ako kagwapong stalker?




"I read it to your Bio Data Ms. Marquez". Nalaglag nalang ang panga ko dahil sa sinabi nya. Ay ang tanga tanga mo Zenesthria! Gaga ka talaga! Assuming ka masyado?




"S-sorry po Boss, di m-"




"Get out"




Agad naman akong napanganga dahil sa sinabi nya. A-ano daw?




"B-Boss, i can-"



"I SAID GET OUT!". Agad akong nabalot ng takot at tumakbo palabas ng opisinang yun. Nagulat pa ang babae kanina na nag Advice saken dahil sa pagkabukas ko ng pinto.




"He is a M-monster!". Sigaw ko habang nanginginig ang mga kamay ko dahil sa takot. Leche! Para syang halimaw kung magait.





"Ok ka lang Miss?". Nag aalalang tanong saken nung Babae.




"O-ok lang, s-sorry". Agad akong tumakbo palabas at ng makalabas nako ay lumanghap agad ako ng hangin dahil parang masusuffocate ata ako dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko.




Napahawak nalang ako sa puso ko at pumikit. Kalma Zenesthria, kalma. Leche! Bwesit na lalaking yun! Muntik nakong himatayin dahil sa takot! Nakakairita!




Nagbantay nalang ako ng taxi para umuwi dahil wala naman akong napala sa pinag-aaplyan kung trabaho. Siguro bukas nalang ako ulit maghahanap ng pag-aaplyan na trabaho, ramdam na kasi ng katawan ko ang pagod kahit umupo lang naman ako dun.





Agad ko naman naalala ang mukha nung lalaki nag interview kanina. Ang gwapo nya pero halimaw sya! Nakakatakot! Bwesit! At bakit ko naman sya iniisip? Aber? Alisin mo sya sa isip mo Zenesthria!








Gusto ko den ng CEO na Monster HAHAHAHA jk XD.

@sevicameroo_

The Possessive Billionaire (Professional Series 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang