Chapter 10

2.5K 52 45
                                    

WARNING:
You may encounter vulgar word, grammatical error and some typos word. Intindihin nyo nalang yung Author. Medyo lutang.








BAGO ako pumasok sa opisina ni Xhairo ay napakagat ako sa ibabang labi ko ng maaalala ko yung nangyari kagabi. Kahit na simpleng halik lang yung sa noo ay para ata akong hihimatayin sa kilig. Magtigil ka nga Zenesthria! Anong kilig kilig ka dyan? Nasa trabaho ka! Focus!



"Don't bite your lower lips babe, let me do it for you"





"Ay butiki! Ano ba Boss?! Bigla bigla ka nalang nangugulat". Napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Narinig ko nalang syang tumawa pero iniripan ko lang sya. "Let me do it, let mo do it". Panguulit ko sa sinabi nya. "Oh! Gawin mo! Puro ka harot!". Padabog kung inabot yung pipirmahan nya at bumalik na sa lamesa ko.



God! Nakakahiya ka Zenesthria! Bakit kasi sa harap ka pa ng pinto nya nag de-Day dreaming?! Ayan tuloy! Nahuli ka! Agad naman bumalik sa alaala ko yung nangyari sa kwarto ko kahapon. Parang biglang nag init ang katawan ko. Ramdam na ramdam ko pa den ang labi nya sa mga labi- AHHHHHHHHHH! ZENESTHRIA NASA TRABAHO KAAAAA! TUMIGIL KA! KADIRI KA!


Pilit ko nalang binalik ang atensyon ko sa trabaho ko. Minsan ay tinatawag ako ni Boss tungkol sa mga meetings nya pero ang bwesit iniinis lang ako. — boss tawag ko sa kanya pag sa company ako pero pag sa labas Xhairo. Madami syang mga meetings pero lagi nyang pinapa-cancel ang sagot nya tinatamad daw sya. God! Malugi sana kompanya mo sa sobrang katamaran mo. Chos! Ayaw ko mawalan ng trabaho.



Agad ko naman natapos yung gawain ko kaya pwede akong mag lunch at sakto dahil nagugutom na rin ako. Magpapaalam na sana ako kay Boss pero nakita ko syang may kausap sa phone kaya nag iwan nalang ako ng note sa lamesa ko. Hindi naman siguro big deal sa kanya pag nawala ako at tsaka maglulunch lang naman ako. Wala namang masama dun. Puro ngiti lang ang ginagawa ko sa mga makakasalubong kung tao. Hanggang sa makalabas na ako ng building, napagpasyahan ko nalang na sa labas na ako kumain kasi feel kung maglakad. Wala lang, feel ko lang talagang maglakad. Bat ba? Kaya ito ako ngayon, naglalakad mag isa habang naghahahanap ng mapagkakainan.



"Zenesthria?". Agad naman akong napa-lingon ng marinig ko ang pangalan ko sa isang napaka-pamilyar na boses.



"Justine!". Agad naman akong lumapit sa kanya at nakipag beso. Sa galaw palang ni Justine ay alam mo ng binabae talaga sya. Justine is my friend and also my friend in my high school days pero naghiwalay kami nung nag college na kami at wala na akong naging balita sa kanya.




Di ko mapagkakailang gwapo si Justine. Matangos ang ilong. Porselanang balat. Para syang model ng mga Beauty Product na panglalaki pero wala eh! Gwapo den hanap! Sayang nga eh!




"Nice to see you here Sis! What are you doing here?". Naka-ngiti nitong tanong saken.


"Ahhh nagtratrabaho ako dito as Secretary, eh ikaw?"




"Ay naku Sis! I'm here to meet my friend- oh nandito na pala sya! Dito Shiri!". Agad naman akong napalingon at muntik ng malaglag ang panga ko sa sobrang gandang babaeng nasa harap ko. Naka-ngiti syang lumapit samen at may hawak pang camera.



"Hi Justy!" Naka-ngiti nitong bati kay Justy at nakipag beso. Tumingin naman sya saken. Nginitian ko sya at sinuklian nya naman ako ng napaka-tamis na ngiti.



"Ay! Sis! Si Shiri pala, Shiri si Zenesthria kaibigan ko since high school". Pagpapakilala ni Justine. Inabot nya naman ang kamay nya sa akin at agad ko naman tinganggap yun.



The Possessive Billionaire (Professional Series 1)Where stories live. Discover now