CHAPTER 24:Their Love

6.4K 106 21
                                    

Brithney P. O. V

Tahimik lang ako sa buong byahe namin ni Bright. Hindi parin mawala-wala ang kaba sa dibdib ko. Parang mas tumindi pa dahil sa nakikita kong pagkaseryoso ng mukha niya. Hindi ko magawang magsalita para kausapin siya dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko. At isa pa...nahiya ako bigla.

Napakapit ako sa seatbelt ko at nakagat ang sariling labi ko. Bakit kami kakausapin ni na Mee? Napasandal ako sa inuupuan ko at pilit na pinakalma ang kabang nasa dibdib ko. Paano kung malaman nila? Tatanggapin ba nila?

Tumingin ako sa labas ng kotse. Pinilit na iniwaksi saglit ang mga tanong na nasa isip ko. Hanggang may maramdaman ako na kamay na parang pumapasok sa loob ng palda ko.

Agad akong napaalis sa pagkakasandal ko at napatingin kay Bright. "B-bright?" Nakatingin parin si Bright sa daan habang nag-dra-drive.

Hinaplos haplos niya ang mga hita ko na siyang naging dahilan upang mag-umpisa akong mainitan. "H-mm. B-bright." Dahil sa ginagawa niya ay bigla kong naibuka ng kaunti ang mga hita ko.

"Bright,mag-drive ka n-na lang." Hinawakan ko ang kamay niya saka inalis iyon sa loob ng palda ko pero ibinalik niya parin. "Bright naman."

"Hmm?" Iyon lang ang lumabas mula sa bibig niya. Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng aking palda. "Nervous,right?" Aniya at saglit na tumingin sa akin bago muling tumingin sa daanan.

"O-oo. Kasi kakausapin t-tayo nina M-mee." Aniko at napatingin sa kamay niya na nakapasok sa loob ng palda ko. Hindi gumagalaw ang kamay niya doon pero nananatili ang pag-uumpisa ng pag-iinit ng katawan ko.

"Kakausapin lang naman tayo,Baby." Aniya na tila pinapagaan ang nararamdaman ko. Halo halong pakiramdam...kinakabahan,may kaunting takot at higit sa lahat...ang nararamdaman kong init na ito.

"P-pero kasi hindi k-ko maiwasang k-kabahan kasi...hindi ko din a-alam." Napabuntong hininga ako dahil hindi ko magawang kumalma. "Nakakaramdam din ako ng takot. Paano kung magalit sila? Paano kung hindi sila pumayag sa kung anong meron tayo pag sinabi na natin? B-bright,you can't blame if maramdaman ko ang mga 'yon. At kasi simula noong malaman ko ang lahat,nahiya na ako sayo. Lalong lalo na kayna Mee at Dee,kasi ako yung dahilan ng pagkamatay ni Brix." Sambit ko at yumuko.

"Past is past,Brith. Sa amin,ako lang ang nagkaroon ng galit sayo. Pero sina Mee at Dee,hindi nagalit sayo. Aampunin ka ba nila kung galit sila sayo? Baby,mali ang iniisip mo. So please? Don't be nervous." Nakagat ko ang labi ko at nagtaas ng tingin sa kanya.

"Bright..."

"Baby..."

"Bright..."

"Baby..." Ani ni Bright ulit. Nakagat ko muli ang labi ko at kumuha ng lakas ng loob.

"Baby." Ani ko kaya naman nakita ko kung paano kagatin ni Bright ang labi niya at ihinto ang kotse niya sa tabi. Tumingin ito sa akin at binuhat ako saka ikinandong sa kanya. Nagulat ako dahil walang kahirap hirap para sa kanya na gawin iyon.

"I miss you." Aniya na siyang ikinakunot ng noo ko. Na-miss niya ako? Samantalang araw araw naman kaming magkasama.

"Ha? Pero lagi naman tayong magkasama---" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"I miss your body,baby." Sambit ni Bright. Doon ay nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Napalunok ako at napalingon sa may bintana ng kotse na nakasara. Lalo pa yata akong kinabahan...hindi naman ito ang una pero lagi ko 'tong nararamdaman...

Lumingon ako kay Bright pero saktong paglingon ko ay pinaulanan na niya ako ng halik sa aking labi. Agad akong napahawak sa magkabilang balikat niya at tinugon ang mga halik niya.

You're Not My SISTERWhere stories live. Discover now