Chapter 18:How did you know?

10.4K 144 11
                                    

Brithney P. O. V

Sa araw na ito ay sabay na kaming pumasok sa school ni Kuya Bright. Bukod sa gusto ko ay mapilit din siya. Kagaya ng dati ay maayos na kami. Bumalik kami sa dati na kung saan wala na akong alinlangan pa. Lalo na't alam ko na kung sino ang babaeng 'yon sa buhay ni Kuya Bright. At nalaman ko din na nagpapanggap lang sila.

Lumingon ako kay Bright habang kasalukuyan kaming naglalakad. Palihim akong napa-ngiti dahil sa perpekto niyang mukha kahit nakagilid siya.

"Enjoying huh?" Ani niya at nilingon ako. Napalunok naman ako dahil mukhang nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Ano... Hindi naman k-kita tinititigan ah." Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at nagkunwaring tumitingin sa iba.

"Wala naman akong sinabi na tinititigan mo ako? Guilty huh?" Pang-aasar niya. Napanguso naman ako dahil sa pang-aasar niya. Masyado yatang naging halata ang kilos ko. Mali rin yata ang palusot na sinabi ko.

"Uhm. Ano... H-hindi ah." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil titig na titig siya saakin kahit pa patuloy kami sa paglalakad.

"You're so cute, Baby." Ani niya. Napalingon ako kay Bright ng sabihin niya iyon saakin. Nagtama ang mga mata namin na naging dahilan para ngumiti siya.

"B-bright." Agad na napatingin kami ni Bright sa may harapan namin. Uminit ang ulo ko dahil sa kung sinong nakita ko. Bakit siya nandito? Malamang school ito...

"Malandy?" Ani ni Bright. "Anong kailangan m-mo?" Deretsong tanong ni Bright.

"Ikaw." Aniya na siyang lalong nagpa-init ng ulo ko. "Ikaw a-ang kailangan ko, Bright." Nagmamakaawa, 'yon ang nakikita ko sa itsura ni Malandy.

"Malandy please." Lumingon saakin si Bright na tila akala niya ay hindi ko alam ang ginawa niya. Muli siyang lumingon kay Malandy. "Tapos na ang pagtulong ko sayo."

"Pero, I have something to tell na dapat kahapon ko pa sa phone call sinabi. B-bright I l--"

"Tapos na ang pag-papanggap niyo." Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang salitang iyon. Agad na napalingon si Bright saakin na nagtataka.

"Brithney?"

"And who are you?" Nasa pananalita ni Malandy ang pagiging maldita. Buong akala ko ay si Malandy na ang mahal ni Bright. Ang buong akala ko ay doon na magtatapos ang relasyon namin ni Bright. Dahil sa halikan nila na akala ko ay puno ng pagmamahalan ay isang pag-papanggap lang pala. Dahil sa sakit,nagawa kong makipaghiwalay sa taong mahal ko dahil sa nakita ko.

Pinilit ko na pinakita na hindi ako kinakabahan. "Kapag sinabi ko kung sino ako, you'll gonna hurt." Ani ko na siyang ikinakunot ng noo niya.

"And how you sure? Hurt? Really? How, then?" Maganda siya pero sa pinapakita niya na hindi mapapantayan ng ano mang mayroong ganda siya kung ang ugali niya kasing panget ng shokoy!

"I'm sure. Kaya nga hindi k-ko na sinasabi kung sino ako baka masaktan ka. So be thankful to me. At least hindi ka masasaktan." Batid ko ang pagiging sarkisto ko. Dala narin ng init ng ulo ko sa babaeng ito.

You're Not My SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon