Chapter 4:Kissed Back

21.2K 239 14
                                    

Brithney P. O. V

Nakatulala ako habang nakaupo sa upuan ko dito sa room. Ewan! Hindi ko alam kung bakit? Bakit?! Bakit niya ginugulo ang utak ko. Bakit niya ginagawang magulo ang lahat?

"Are you okay?" Biglang tanong ni Allen. Tumingin ako sakanya at ngumiti ng pilit, hindi ko pwedeng sabihin kay Allen dahil mali! Mali ang ginagawa namin ni Kuya Bright.

"Yeah I'm okay." Sagot ko sa tanong niya saakin. Bumalik ang tingin ko sa harap.

'Kapag umalis sina Mee at Dee meaning you're mine sa loob ng tatlong buwan'

'Kapag umalis sina Mee at Dee meaning you're mine sa loob ng tatlong buwan'

'Kapag umalis sina Mee at Dee meaning you're mine sa loob ng tatlong buwan'

Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi? Kasi nga mali! Pero bakit...hindi ko kayang pigilan ang sarili kong kuya.

Pati sarili ko diko mapigilan! Nakakahiya yung ginawa ko kahapon sakanya! Tsk!

Hayst! Nakakahiya talaga yung ginawa ko, hindi ko talaga napigilan ang sarili ko.

"You sure? Kasi kanina kapa balisa." Sambit ni Allen. Biglang nilapit ni Allen ang upuan niya upuan ko at hinawakan niya ang kamay ko.

Napatingin ako sa kamay namin ni Allen. Napalunok ako dahil baka makita ulit kami ni Kuya at magalit nanaman siya.

Kasi... Nagseselos daw siya!

"A-Allen l-lumayo ka nga." Sambit ko at inalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Naiilang ako sa ginagawa niya, alam kong magkaibigan kami pero naiilang talaga ako.

"May problema kana Brithney?" Yumuko ako dahil iniiwasan kong magtama ang mga mata namin, dahil hindi ko nagugustuhan ang mga tingin niya saakin kasi... Nagbago na yung mga tingin niya.

"Brithney?"

"Please lang Allen lumayo ka ng bahagya." Pakiusap ko, narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Allen bago ilayo ang upuan niya sa upuan ko.

"Brithney, ayos kalang ba talaga?"

"Ayos lang ako..." Pinagtiklop ko ang mga kamay ko at yumuko.

'Kuya... Bigyan mo naman ako ng dahilan kung bakit kailangan mong gawin ang mga bagay na alam nating parehong mali!?'

Paano kapag umalis na sina Mee at Dee? Ibig sabihin nun ay... Magiging pag aari ako ni kuya sa loob ng 3 months?

"Uyy alam moba? Yung pinsan ko karelasyon niya ang isang pinsan ko."

"What? For real?"

"Yeah, gosh! Hindi ko alam kung nandidiri ba ako o ano."

"Pero? Anong sabi ng parents nila?"

"Ayon, hindi naman pala totoong anak ni Tita yung babae kong pinsan. Kaya hinayaan nalang nila. Kase nagmamahalaan sila"

You're Not My SISTERWhere stories live. Discover now