Fantasy Results With Feedback

123 12 18
                                    

🄹🅄🄳🄶🄴
BrattyInz

Note: Kung mapapansin niyong nabawasan ang points niyo, iyon ay sa kadahilanang hindi kayo sumunod na ifollow ang judge na naka- assign sa genre niyo.

CRITERIA FOR JUDGING

Title [5%]
Meron ba itong connection sa story?

Book cover [5%]
Maganda ba ang pagkakagawa nito?
Nakakadagdag ba ito sa panghahalina ng mga mambabasa?

Blurb [15%]
Meron ba itong kakayahan na makapanghalina sa mga readers na ipagpatuloy ang kanilang pagbabasa sa isang story?

Plot [25%]
Catchy ba ito?
Iba ba ito sa plot ng ibang story?
Hindi ba magulo at nakakalito ang plot?

Grammar [10%]
Nagamit ba ng maayos ang lenggwaheng ginamit?
Hindi ba magulo ang narration ng author?

Written Style [15%]
Tama ba ang pagkakalagay ng mga punctuation marks?
Nakakadala ba ang narration?
Meron bang mga pangyayari na ikakabaliw at ikakagulat ng mga readers?

Overall [25%]
Kapupulutan ba ito ng magandang mensahe?
Iba't ibang feelings ba ang mararamdaman ng readers habang binabasa ang story?

Total: [100%]

PARTICIPANTS:

Stenosxs | A Siren's Kiss
Title: 4%
Book Cover: 5%
Blurb: 14%
Plot: 24%
Grammar: 10%
Written Style: 15%
Overall Impression: 24%

Total: 96%

FEEDBACK:
Sa pagbabasa ng story mo starting from the title, na-curious na ako at mas lalo akong na-hook sa blurb mo. Wala akong nakitang mali sa grammar at plot mo dahil hindi naman nito nasira ang flow ng story. Chapter-1 pa lang nainis na 'ko kay Leidan. Ang issue lang, 'yung palagiang "pucha" ni Alleina na medyo naging uncomfortable na basahin para sa 'kin. Sa mga qoutes na nilalagay mo sa unahan ng akda mo, nafe-feel ko ang click na mas lalong nagtutulak sa 'kin na tapusin ang story mo. Konting ayos na lang sa story mo para masabi kong perpekto! Padayon~

***

@LoveSicker_ | The Magic Book
Title: 3%
Book Cover: 3%
Blurb: 10%
Plot: 22%
Grammar: 7%
Written Style: 13%
Overall Impression: 23%
Total: 82%

FEEDBACK:

Sa title ng story, wala naman akong nakitang mali dahil upon reading your book, naintindihan ko din kung bakit, "The Magic Book" ang title. But one tip, make it more catchy na kapag babasahin mo palang, itutulak ka nang ituloy ang libro.

Sa blurb at grammar, magulo siya. Hindi ko masyadong naintindihan ang ibig sabihin no'ng first to last paragraph dahil sa typological and grammatical errors mo. Paano babasahin ng reader mo ang content ng iyong story kung sa blurb pa lang, hindi na maintindihan? Overall ratings, parang isang magulong kuwarto na kailangan ng cleaning operation. Mas maiging ayusin mo ito upang maintindihan ng readers mo ang story dahil ang blurb ang unang-una nilang basahin bago sila mag-proceed sa prologue or chapter-1 mo. Issues ang typos, grammar and pati na din sa dialogue mo. A helpful tip, magbasa ka ng mga libro about sa issues mo and maybe, pwedeng makatulong sa 'yo si Google.

Don't be discouraged and continue writing author! Your journey is just starting so don't stop making stories and one day, people will appreciate your work :D

Writer's Book Award 2021 (Batch One)Where stories live. Discover now