Announcement

115 30 3
                                    

Hi po!

Hindi parin naman po tayo makakapag bigayan ng prizes dahil kulang kulang pa po ang results. Hindi parin po ako nakakagawa ng certificates ng iba dahil kahapon lang po halos mga nagsipasahan ng results ang mga judges dahil pare pareho pong busy sa work at pag aaral. Pwede bang i-move nalang yung bigayan ng prizes? May exam din kasi ako ngayon at hindi pa po ako makakagawa ng mga certificates.

Baka isipin nyo ay scammer ako ha, busy lang po talaga ngayon. Baka sa Saturday ay makagawa na ako ng certificates nyo dahil tapos na akong mag exam nun.

Hindi ko din pala agad agad maibibigay yung votes nyo dahil alam nyo namang limited lang ang votes. Tatlong account ang ginagamit kong pang vote para sa mga TOP 3:

UneecaIzzavella
queen_assassinate
queen_assassinate2

Ang ginagamit ko namang pang follow sa lahat ay itong account ko na 'to.

Tapos na akong mag vote sa top 3 ng Horror, Poetry and Action. Nafollow ko narin yung nanalo ng Major and Minor Awards nyang tatlong genre na yan. Ipapahuli ko nalang yung mga participants para hindi masyadong magulo.

Judges na hindi pa nakakapagbigay ng results at feedback, hihintayin ko lang yan hanggang SATURDAY maliban nalang sa judge ng Mystery/Thriller.

Kung nagtataka din ang mga Teen Fiction participants kung bakit wala parin ang feedback nila, aksidente ko pong nadelete yung feedback ng ilan sa inyo habang nag e-edit ako. Nakalagay kasi yun sa notes ko at walang undo at redo dun kaya inuulit ko pa. Dalawa nalang naman ang walang feedback doon at baka matapos ko yun mamaya or sa isang araw. Pasensya na talaga.

Inuulit ko po, HINDI AKO SCAMMER.

-Kwin

Writer's Book Award 2021 (Batch One)Where stories live. Discover now