PROLOGUE

279 17 0
                                    

***
PROLOGUE

Hayss Monday nanaman, panibagong araw, panibagong pang-bubully nanaman ang mararanasan ko. Tsk ano pa ngang bago? Lagi namang ganon ang nangyayari sa 'kin at dapat nga masanay na ako. Hindi ko alam yung mga problema ng mga schoolmates ko at ako pa ang napiling pag tripan, ano bang masama sa pagiging nerd 'kuno' ko sa school namin? Nananahimik lang naman ako tapos bigla nalang akong pag titripan. Nag susuot ako ng eyeglasses pero hindi naman makapal at malaki yung salamin, mas tamang tawagin itong reading glasses, lagi ko itong suot kasi lagi din naman akong nag babasa kaya lagi akong may dalang libro, sabi din nila manang daw ako manamit, manang ba ang tawag doon sa med'yo pinahabaan ang palda at med'yo malaki at maluwag na blouse? Pinasad'ya ko naman talaga 'yon nung nag enroll ako eh, mas gusto ko yung disenteng damit ang susuotin ko kaysa naman yung uniform ng mga babae sa school namin na parang trip atang gayahin ang school uniform ng Japan, halos kita na yung short konting galaw lang, may iba nga na panty lang ang panloob, hindi ba sila nahihiya? Okay lang sana kung maputi yung singit nila eh kaso nga lang hindi.

Bumangon na agad ako sa kama ko at nag punta sa mini ref ng k'warto ko at kumuha ng tubig para uminon, pagkatapos ay pumasok na sa banyo at ginawa ang morning routine ko. Nagbihis na ako ng uniform at sinuot ang reading glasses ko at bumaba na. Hindi na ako naglagay ng mga ka-ek-ekan sa mukha ko dahil tamang suklay lang ayos na.

Pagbaba ko ay naabutan ko si manang na nag hahanda ng almusal.

"Good morning po manang, sila mama po nasaan?" Tanong ko sa kan'ya bago umupo sa upuan.

"Magandang umaga din ija, wala na yung mama at papa mo dahil maagang pumasok sa opisina at may aasikasuhin daw." Paliwanag niya kaya napabuntong hininga nalang ako. Ano pa nga bang bago? Wala nanaman akong kasabay kumain kundi si manang lang, lagi naman silang busy sa kumpanya namin kaya lagi nalang silang walang time sa 'kin, tuwing umaga hindi ko sila naaabutan dahil lagi silang maagang pumasok, maaga din naman akong nagigising kaso nga lang ay mas maaga sila kaya hindi ko pa din sila naaabutan, sa tanghali naman sa school ako nakain kaya wala akong kasabay dahil wala akong kaibigan, tapos sa pag uwi ko hindi ko sila nadadatnan dahil gabi na silang umuuwi dahil nag o-overtime sila sa trabaho kaya ang ending si manang ulit ang kasabay kong kumain. Ang hirap talaga pag workaholic yung parents mo, take note parehas sila, kaya eto ako lagi nalang loner, tuwing day off naman nila o kaya nasa bahay sila trabaho pa din ang ginagawa nila at lagi silang nasa office. Ang hirap talaga pag ganon pero wala eh, sanay na akong mag isa kaya hindi na bago sa akin.

Mukhang napansin ata ni manang ang pag buntong hininga ko kaya napatingin siya sa akin, buti pa si manang laging nandito simula bata palang ako, siya na ang kinalakihan ko kaya parang siya na ang nanay ko.

"Hindi ka pa ba sanay ija? Lagi naman silang ganon, hayaan mo na at para naman 'yon sa kinabukasan mo." Aniya.

"Hayst ano pa nga ba manang, sanay na sanay na ako." Matamlay na ani ko kaya napailing-iling siya.

"Kumain ka na ija at baka ma-late ka pa sa eskuwelahan."

"Opo."

•••
Pagkatapos kong kumain ay agad akong nag toothbrush at nag paalam na kay manang. Lumakad na ako palabas ng village namin para mag hintay ng taxi, mag kotse pa naman sa bahay kaso hindi ako marunong mag drive at wala kaming driver kaya no choice kung hindi mag commute. Wala namang problema sa 'kin 'yon as long as makakapasok pa din ako.

Pag baba ko ng taxi ay nag bayad agad ako at bumaba na. Dahil maaga pa ay may mga nakakasabay at nakakasalubong akong mga kamag-aral ko at as expected pinag tatawanan, pinag bubulungan at tinitignan nila ako na para bang nandidiri sa akin. What should I expect? Mga wala silang magawa sa buhay kung hindi ang mag judge ng kapwa nila without thinking na nakakasakit na sila emotionally tapos minsan nananakit pa sila. Hindi ako nag susumbong kasi in the end wala din namang mangyayare, pag sasabihin sila pero ginagawa naman ulit nila at mas lalala pa. Napailing nalang ako sa aking naisip at pinagpatuloy ang pag lalakad.

***

Facebook account :
-Joanna Mariel Bitan

Facebook page :
-JoooooYeah - WP

THAT NERD IS THE WATTPAD AUTHOR - [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon