CHAPTER 2

148 16 2
                                    

***
CHAPTER 2

LUNA POV.

Pagkatunog ng bell ay agad akong nag ayos ng gamit at lumabas na para pumunta sa library.

Hindi pa ako nakakapunta don ng may biglang humarang sa dinadaanan ko.

"Hey nerd!" Sigaw niya sa'kin kaya napatingin yung mga estud'yante na nasa malapit. Seriously? Gustong gusto talaga niyang gumawa ng eksena?

"Ohh?" Sagot ko nalang kasi wala akong panahon sa kan'ya dahil imbes na nag babasa na ako ay nandito ako sa harapan niya dahil hinarangan niya ako.

"Ano yung nabalitaan ko na ginayuma mo ang boyfriend ko!? You desperate nerdy bitch!" Abah abah nerdy bitch pala ha.

"Sino naman ang gagayumahin ko kung wala ka namang boyfriend?" Mahinahong tanong ko kaya natawa yung mga nanonood kaya nagalit si Catherine. Catherine Valdez, ang Queen Bee 'kuno' ng campus namin.

"You! I have a boyfriend kaya! Si Shawn ang boyfriend ko!" Tsk si Shawn daw eh hindi naman sila.

"Oh siya pala ang boyfriend mo? As far as I know hindi naman kayo, pinagkalat mo sa campus na boyfriend mo siya pero ang totoo wala namang kayo, sino sa 'tin ang desperada ngayon?" Sarkastikang tanong ko kaya natahimik siya pati ang mga nanonood. Totoo naman ang sinabi ko eh, pinagkalat niya sa buong campus na in a relationship sila ni Shawn pero wala pa namang confirmation at parang walang din namang pakialam sa kan'ya si Shawn pero dahil sa mga uto-uto sila ay naniwala naman sila kaagad.

"And one more thing wag kang bintang nang bintang kung wala ka namang ebidens'ya, para ka lang sumugod sa gera ng walang dalang armas, tignan mo ngayon yung ending, talo ka..." Dagdag ko at umalis na, naiwan naman silang tulala don, ngayon lang kasi ako sumagot sa mga sugod nang sugod sa'kin. Tsk.

Dumerets'yo ako sa library pero hindi para mag basa, balak ko kasing mag update nalang sa story ko sa wattpad. Yep! I'm a wattpad author ng isang sikat na akda, walang may kilala sa 'kin dahil ibang pangalan ang nilagay ko kundi 'MOON' galing 'yon sa pangalan ko na 'LUNA'. Yung profile naman non ay ako, pero hindi halata dahil nakaayos ako don at walang salamin.

Umupo na ako sa pinaka dulo at inopen ang account ko. Nasa last part na pala ako, sawakas natapos ko din! Wala pang ilang minuto ay madami nang nag basa at nag vote, meron ding mga feedbacks at halos karamihan sa kanila ay nag aaral sa campus namin.

Inopen mo yung mga messages at nag reply sa mga message nila dahil I want to thank then for reading my story. May nakakuha ng atens'yon ko kaya binuksan ko. @Shawnnn01 ayan yung username.

@Shawnnn01
-Hi.

@Moon🌙
-Hello.

Wala pang ilang minuto ay nag reply siya.

@Shawnnn01
-Fuck.

Luh? Minura ako, hindi nalang ako nag reply at inistalk nalang siya.

Shawn Montero
@Shawnnn01

Ayan yung name at username tapos yung profile ay nakatalikod siya at naka jersey na blue na may "MONTERO 01" sa likod. Luh? Si Shawn ba talaga 'yon? Baka naman coincidence lang? Wala kasi sa itsura ni Shawn na wattpadian siya eh, pero kasi 01 din ang jersey number niya. Hala jusko siya ba talaga 'yon? Baka poser account lang ng isa sa fans niya? Nakuh bahala na ang importante ay walang nakakakilala sa 'kin.

Hindi din naman ako nag tagal sa library at nag ayos na ako para sa next subject. Lumabas na ako sa library at nag lakad. Bulungan here, bulungan there, bulungan everywhere. Pero ang pinagkaibahan ay hindi ako ang pinag bubulungan kundi ang story ko na tapos na, may nakikita akong mugto ang mata at may pasinghot singhot pa.

"Huhu guys tapos niyo nang basahin?"

"Oo tapos na huhu nakakaiyak, I didn't except na mamamatay talaga siya sa ending."

"Nakakaiyak wahhh patay na siya."

"Sana may season two tapos panaginip lang pala 'yon huhu."

"Mapanaket yung author ng 'HER LAST WISH'."

Kung ano-ano pa ang naririnig ko about sa ending ng story ko. 'HER LAST WISH' ang title. This is about sa girl na may sakit at may taning na ang buhay. May boyfriend siya pero nagtaksil sa kan'ya at hindi alam ni boy na alam na ni girl na may secret relationship sila ng bestfriend ni girl. Yung girl naman ay nagpaka martir dahil gusto niyang makasama si boy bago siya mawala sa mundo. Ang huling hiling niya bago mamatay ay gusto niyang maramdaman na mahal na mahal siya ni boy kahit isang araw lang, kahit nag tataka yung boy sa hiling ni girl ay ginawa pa din niya ang hiling nito. Tapos huli na ng malaman niya na may taning na ang girlfriend niya at ayun patay na si girl kaya sobrang nag sisisi si boy dahil don.

Hindi din ako gagawa ng book two kasi I want my readers to realize that not all story has a happy ending, sa buhay kasi ng tao may mawawala, may dadating, may pagsisisi. Hindi lahat ay puro saya lang, dahil may mga panahon talaga na mag kakaroon ka ng regrets.

Dahil sa kaiisip ay hindi ko nakita na may mababangga pala ako at huli na para umiwas.

*BOOOGSHHH!*

***

Facebook account :
-Joanna Mariel Bitan

Facebook page :
-JoooooYeah - WP

THAT NERD IS THE WATTPAD AUTHOR - [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon