CHAPTER 3

136 21 0
                                    

***
CHAPTER 3

LUNA POV.

*BOOOGSHHH!*

"Ouch!"

"Arayyyy!"

Sabay naming daing ng nakabangga ko, at kung sinus'werte ka nga naman si Catherine pa ang nabangga ko. (Note the sarcasm.)

"Sorry." Kahit labag sa loob ko ay nag sorry pa din ako at umalis na sa harapan niya, pero nakakailang hakbang palang ako ay hinigit niya ang braso ko.

"How dare you to turn your back! I didn't accept your sorry!" Hayst here we go again. Gagawa nanaman siya ng eksena.

"Ano bang gusto mong gawin ko ha? Nabangga lang naman kita at nag sorry na ako, ni wala ka ngang galos eh, ano ang iniuungot mo d'yan!?" Inis na sabi ko, pag ako na late dahil sa bruhildang 'to nakuh baka hindi ako makatiis itatapos ko 'to sa Pacific ocean.

"Are you blind or what? Why you didn't looking on your way!? Look what you did nabangga mo ako!" Lintek ang arte nito sipain kita d'yan.

"Look, I'm sorry okay, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko pero hindi ka din naman tumitingin ah, dahil kung tumingin ka dapat iniwasan mo 'ko pero dahil sa kaartehan mo na akala mo model kung mag lakad nag bungguan tayo." Mahinahon kong sabi.

"I don't care! Siguro sinad'ya mo talaga akong banggain dahil sa nangyare kanina, akala mo siguro natalo mo ako 'no? Well you're wrong because you will never win against me." Ngek? Anong connect ng pagkabangga ko sa kan'ya. Ano daw? I will never win against her? Luh 'ASA' ka.

"Pakialam ko sa'yo, hoy! para sabihin ko sa'yo wala tayo sa paligsahan kaya wala akong pake kung manalo o matalo ako sa'yo, hindi naman ako kagaya mo na uhaw sa atens'yon, at isa pa wala akong panahon sa'yo." Ani ko at tatalikod na sana pero hinigit niya ulit ang braso ko.

*PAAAKKK!*

Pag harap ko ay palad niya ang sumalubong sa mukha ko, parang nabingi ako sa sobrang tahimik ng paligid pagka sampal niya.

"You! I told you that don't you ever turn your back while I'm still talking to you! And I'm not attention seeker!" Wala na, ubos na ang pasens'ya ko sa bruhang 'to.

"Ano bang problema mo ha!? Nag sorry na nga ako tapos ang kulit kulit mo! I asked you kanina kung anong gusto mo pero dumada ka pa din! Letche ka! Hindi attention seeker ang tawag sa ginagawa mo!? Late na ako sa klase ko dahil sa'yo! At p'wede ba tantanan mo na ako at wala kang pake kung talikuran kita, this is my life, my rule." Galit na sigaw ko sa kan'ya, pinupuno niya ako eh.

"How dare you to shout on me!"

"Like what I said. This is my life, my rule. P'wede na ba akong umalis? Peste! Terror pa naman yung prof ko!" Naiirita na talaga ako.

"Hindi mo ba ako kilala ha!?" Abah ayaw paawat.

"Pakialam ko sa'yo, ako nga hindi mo din kilala eh." One dot itatapon ko na talaga 'to sa Pacific ocean.

"As if I want to know you." Mataray na sabi niya sabay irap, dukutin ko mata mo eh.

"Nyenyenye as if I want to know you too."

"Well let me introduce myself. I'm Catherine Valdez, the Queen Bee on this campus and I'm the author of HER LAST WISH and yeah I'm MOON." Wala nga sabi akong paki sa kan'ya kaso nagpakilala pa din siya, at ano daw? Siya daw si Moon at ang author ng Her Last Wish? Parang gusto kong matawa!

Hindi ko alam na madami na palang nanonood sa amin kaya umugong ang bulungan na kes'yo siya daw pala si Moon, kes'yo ang ganda daw ng story. Diba mga uto-uto talaga sila.

"Omohhh kaklase ko si Moon!"

"Kyahhhh idollll!"

"Hi Moon pa-picture!"

"Bakit iba yung nasa picture?"

"Hindi niya kamukha."

"Baka gumamit lang siya ng ibang picture para hindi siya makilala."

Dahil sa mga narinig ko ay bigla akong natawa ng malakas, oo malakas talaga kaya natahimik sila.

"Seriously? Do you think maniniwala ako sa'yo na ikaw 'yon? Eh halos 70+ yung chapters with 2000 words every chapter non eh tapos yung essay na pinagawa sa'yo na 200 words hindi mo natapos, nag papatawa ka ba?" Natatawang sabi ko kayo ang sama ng tingin niya sa'kin.

"May point siya."

"Oo nga kanina kasi nagpagawa si prof ng essay at siya lang ang hindi nakapag pasa."

"Nagpagawa din si prof last time ng short story pero hindi din siya nag pasa."

"Baka nag pe-pretend lang siya."

Mas lumakas ang bulungan kaya mas sumama ang mukha niya. Mwehehehe you will never win against me ka pa diyang nalalaman ha.

"You!" Sasampalin na sana niya ako kaso may biglang nag salita sa likudan ko kaya napatigil siya pati na din yung mga nanonood.

"Try to slap her again and you'll face hell."

***

Facebook account :
-Joanna Mariel Bitan

Facebook page :
-JoooooYeah - WP

THAT NERD IS THE WATTPAD AUTHOR - [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon