Chapter 11

291 14 0
                                    

CHAPTER 11

>Riyumi's Point of View<

"I'm sorry sa false alarm hija. We taught na hindi na talaga kakayanin ng katawan niya pero nagawa niya parin. Kaya hindi niya na kaylangang pagpa heart transplant. Siguro ay kakailanganin niya lang ng kaunting pahinga at pag m-mentain ng mga vitamins niya. Lalong lalo na ang mga gamot na iniresita sakanya. I think matatagalan pa siya dito sa hospital for some test and recoveries. Yun lang hija. I have to go now."

Naka hinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor. Akala ko ay sasailalim talaga si mama sa operasyon.

"salamat po dok." sabi ko sakanya at lumabas na siya ng kwarto.

Hinawakan ko pa ng mas mahigpit yung kamay ni mama.

"Magpahinga lang po kayo ma. Ako na po ang bahala sa lahat." saka ko iyon hinalikan.

Tulog parin siya hanggang ngayon. Ang sabi ng doktor ay hintayin nalang namin siyang magising.

"Hija, umuwi ka na muna. Ako na muna ang mag babantay sa nanay mo. Alas 5 na ng umaga. May pasok kapa mamayang alas 7." sabay hagod ni Aleng Lucil sa may likod ko. Ang laki ng utang na loob ko sakanya. Hindi kasi siya umalis simula kahapon.

"Nako wag na po. Kayo nga ang dapat na umuwi eh. Dapat ay nasa bahay lang kayo at nagpapa hinga. Ako na po talaga ang bahala kay mama." saka ako ngumiti ng mapait.

"Hija. Alam mo namang parang anak ko na rin itong si Margareth diba? Kaya hayaan mo na akong bantayan siya. Kapag umuwi naman ako ay hindi rin naman mapapanatag ang loob ko kung ano na ang kalagayan niya dito. Kaya hayaan mo nalang talaga ako hija. Okay lang talaga ako dito." sabay pat niya sa ulo ko.

"Sige na nga po. Kung ganon ay uuwi muna po ako para makapag bihis nadin. Aagahan ko nalang po ang uwi mamaya." Ngiti lang ang ginanti niya saakin.

"Mama. Uwi po muna ako ha? Papasok po muna ako sa skwelahan. Aagahan ko po ang uwi mamaya ma. At dapat pag uwi ko, gising kana po. Bye ma. I love you." sabay halik ko sa toktok ng noo niya.

The Gangster's Wish( under editing do not read)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon