Chapter 12

282 17 7
                                    

CHAPTER 12

>Riyumi's Point of View<

"I told you kasi Amanda! We should make tawag manong Albert kasi eh! You kasi! Youre so maarte!" naiinis na pag tataglish ni Scarlett.

"Sorry naman noh! Malay ko bang biglang nag absent yung driver ko! Eh tawagan mo nalang ulit yung driver mo." sabi naman ni Amanda sakanya.

"He drove my mom to Batangas earlier. If i make sabi kasi to him na he will make sundo to me, he will fitch me sana instead of mom. You kasi eh! He make hatid mom tuloy!" sabay hampas niya sa braso ni Amanda.

"Teka, kung wala ang mga driver niyo, pano kayo nakarating dito?" takhang tanong ko.

"Hinatid naman kami kanina ng driver ko. Pero bigla siyang nag absent kasi nagkasakit yung anak niya. Kaya wala ng mag hahatid saamin ngayon." naka simangot na sabi ni Amanda.

"Ihahatid ko nalang kayo dun sa unahan. May parahan ng taxi dun eh. Tara na nga." sabay hawak ko sa mga kamay nila saka sila ginayak palabas ng hospital.

Nag absent pala ako kanina. Wala kasing mag babantay kay mama. Si Aleng Lucil naman nasa bahay nila. Birthday kasi ngayon ni Jenny. Sympre apo niya yun kaya mas inuna niya. At ito namang dalawa. Pauwi na sila ngayon. Dumalaw kasi sila dito pagkatapos ng klase. Ang dami ngang dala eh! Puro prutas at pagkain. 

"Hayyyyyyyyyyy! gusto ko pa sanang mag stay dito eh! Pahamak na quiz!" Iritang bulong ni Amanda.

Nga pala, may quiz kami bukas. Tatlong subject yun. Kaya uuwi sila ng maaga ngayon para makapag study. Good girls eh! Mabuti nalang at nadala ko yung bag ko dito sa hospital. Dito nalang ako mag rereview. Papasok narin ako bukas. Sabi kasi ni Aleng Lucil eh siya muna daw ang magbabantay kay mama para makasali ako sa quiz bukas.

"San ba yung paradahan ng taxi bebe?" tanong ni Amanda sakin ng makalabas na kami ng Hospital.

 

"Dun sa unahan. Marami kasing pumaparada dun eh. Tara." sabay hila ko sakanila.

The Gangster's Wish( under editing do not read)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon