Chapter 2

585 17 3
                                    

CHAPTER 2 




"Riyumi!" Tili ng kaibigan kong si Scarlett dahil sa pagkakadapa ko. Nasubsub tuloy yung mukha ko sa bermuda grass. Pano ba naman, nawawalan na naman kasi ng lakas yung mga paa ko. Haayyy.. nararamdaman ko na naman ito..


I sighed.


"Oh my gosh! You okay? Wait, it hurts ba?" Tapos tinulungan nila akong tumayo. Pinagpag ko naman ang palda at tuhod ko dahil nadumihan. Nanlalabo narin ang mga mata ko. Napahawak nalang ako sa ulo ko.


"Hey, okay kalang? Tara sa clinic!" Tarantang tanong ni Amanda.


"O-Okay lang ako ano ba kayo!" Tapos nginitian ko sila ng pilit. Assuring that I'm okay.


"No. You're not okay! c'mon. Let's make punta to the clinic." Nag aalalang sabi ni Scarlett sabay hila sa braso ko. Agad ko namang binawi yun at humarap sakanila.


"Okay na talaga ako na out of balance lang ako kaya ako nadapa.." Nakayukong sabi ko. Medyo okay narin yung pakiramdam ko. Medyo bumabalik na sa dati ang paningin ko.


"Sigurado kaba? Riyumi naman eh.." Nakangusong tanong ni Scarlett. Natawa naman ako. Kahit kaylan talaga napaka isip bata niya. Tumango nalang ako bilang sagot tapos sinimulan nang maglakad ulit.


"Hmm.. May assignment na kayo sa History?" Pag iiba ko ng usapan. Nakasunod naman silang dalawana sa likuran ko.


"Oo nga pala, hindi pa ako naka gawa! aistt!! nakakabanas naman kasi yung Laxus na yun eh! Sarap bigwasan!" Pikon niyang sabi sabay padyak ng paa. Natawa nalang ako. Ang tinutukoy niya ay yung Fiancee niyang mayabang. Lagi kasi siyang inaasar nito. 


Arrange marriage lang sila. Pinagkasundo sila dahil  partners ang mga magulang nila sa negosyo. Maagang sinabi ng mga parents nila dahil malalaman din naman nila yun pagdating ng panahon. Wala naman siyang magawa dahil mga magulang niya mismo ang nag disisyon.


"Ikaw ba, naka gawa na?" Tukoy ko kay Scarlett.


She just shrugged her shoulder tapos ngumuso ulit.


"How can I  make gawa if  daig ko pa ang call center last night. Letseng Brent yun.Tatawag tawag!  it took us 2 am tuloy!" Tapos tinuro nito yung ilalim ng mata niya. "Look at this! It's so nakakadiri! huhuhu.. I look like a mangkukulam na ba?" meron ngang eyebags dun. Boyfriend niya si Brent. Mag iisang taon narin sila.


Huminto naman kami sa paglalakad dahil nasa tapat na kami ng classroom namin. Pumasok na agad kami dahil 5 minutes nalang ay dadating na ang teacher namin. Dedma lang yung iba pag pasok namin. Yung iba naman panay irap sakin.

   


I'm Riyumi Katarina Talavera. 16 years old. Simple lang ang pamumumuhay namin. Wala na akong tatay. Ang sabi ni mama may ibang pamilya na daw ang papa ko. Gusto man siyang makilala pero sa tuwing tinatanong ko si mama tungkol kay papa ay umiiwas siya o iniiba niya lang ang usapan. I'm currently studying here at Livestone University. Transferred student ako dito at dalawa lang ang kaibigan which is Scarlett Margaux Elizalde and Maria Dionne Amanda Lewwet. Wag na kayong magtaka kung bakit dalawa lang ang kaibigan ko. Pasalamat na nga ako e may kumaibigan pa saakin. Binubully kasi ako lagi ng mga kababaihan dito. Ang palagi nga nilang sabi eh cheap, sampid at panira ng image lang daw ako sa school nila. Tinitiis ko nalang. Ilang buwan na naman at gagraduate na din ako.Tanging si Scarlett at Amanda lang ang nagmagandang loob na kumusap sakin dito. Naging magkaibigan kami dahil kaklase ko sila. at seat mate ko pa.


Anyway, nandito na yung guro namin. Tumahimik naman ang buong klase.




The Gangster's Wish( under editing do not read)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon