Chapter 24

1.1K 84 49
                                    

"Oh hi! Miss Nelly Hizon!" ang masayang bati ni Alvin sa babaeng pumasok sa loob ng restaurant pagkalabas nina Martin at Sarine. Ang babaeng humabol ng tingin kay Martin na kinikilala siya nito.

"Hi, uhm nakabalik na pala si Rodrigo Diaz?'' ang interisado na tanong nito kay Alvin na nawala ang ngiti sa labi nito ngunit panandalian lamang dahil mabilis din itong bumawi at muling ibinalik ang malapad na ngiti sa labi nito.

"Ah yes po ma'am, kababalik din lang po ni sir," ang sagot ni Alvin na pilit na nilagyan ng giliw ang boses nito.

"Ganun ba?'' ang sagot nito, at muling natuon ang mga mata nito sa nakapinid na main door ng restaurant.

"Uhm mag-food review po ba ulit kayo ma'am Nelly?" ang umaasang tanong ni Alvin.

"Maganda po kasi ang review na ibinigay ninyo sa restaurant namin at ilang mga food vloggers na rin ang dumalaw sa aming resturant," ang saad pa ni Alvin.

Isang malapad na ngiti ang isinagot ni Nelly Hizon kay Alvin pero umiling ang ulo nito. Ang kulot nitong buhok ay gumalaw sa paggalaw ng ulo nito at tumaas pa ang mga manipis nitong kilay na nakaarko pataas kaya naman mataray ang appeal ngunit maganda nitong mukha.

"Mag-la lunch lang talaga ako, I'm meeting someone here, kaibigan ko, luckily dito niya naisipan na kumain,: ang sagot ni Nelly kay Alvin.

"Ok po, sana sa susunod another food review po ulit, halika po kayo, table for two po ba?" ang sagot at tanong ni Alvin kay Nelly.

"Yes, bakit may bago ba sa menu ninyo?" ang tanong naman ni Nelly habang nakasunod na naglalakad kay Alvin palapit sa lamesa na pandalawahan.

"Here ma'am," ang sabi ni Alvin at hinila pa nito ang upuan para makaupo si Nelly na mahinang nagpasalamat.

"Wala pa pong bago ma'am, pero baka gusto niyo lang na mag-review ulit, how about dessert?" ang giit ni Alvin na hindi yata ikinagusto ni Nelly.

"May kakulitan ka rin ano? I'm having a meeting with someone I'm not going to make any fucking review," ang mataray na sagot nito kay Alvin na nabura ang malapad na ngiti sa mga labi nito.

"Sorry ma'am, shall I give the menu?" ang magalang na tanong na nito.

"Later, kapag nandito na ang kasama ko," ang sagot ni Nelly kay Alvin na tumango na lang bilang sagot bago ito umalis para maglakad pabalik sa station nito sa tabi ng main door ng restaurant.

Umirap ang mga mata ni Nelly, "bwisit," ang bulong ni Nelly. Dinukot niya ang kanyang telepono sa loob ng kanyang bag at binasa niya ang message na kanyang natanggap mula sa kanyang ka-meeting sa restaurant na iyun. Ang restaurant na kahit hindi masarap noon ang pagkain ay lagi niyang pinupuntahan dahil sa may-ari nito at iyun si Rodrigo Diaz.

He was a bachelor then nang makilala niya ito nang kumain siya sa restaurant nito, at hindi pa masyadong kilala ang restaurant na Diaz. It was sturuggling restaurant then at nang pumasok siya sa unang pagkakataon sa restaurant na ito ay ang imahe ni Rodrigo ang bumati sa kanya. At agad siyang nagpakilala rito bilang isang food vlogger. Naalala ni Nelly that Rodrigo was skeptic then na pumayag na i-review ang pagkain ng restaurant nito, pero she was persistent, dahil ang totoo noon ay gustong mapalapit ni Nelly sa gwapong may-ari ng restaurant.

 She gave a good review kahit pa hindi niya malunok ang pagkain that was served for her, at dahil sa marami siyang followers ay umasa siyang matulungan si Rodrigo na sumikat ang kainan nito.

Naging malapit sila ni Rodrigo, pero hindi pa umabot na maging lovers sila at iyun ang kanyang habol dito. Palagian siyang nasa restaurant para kumain, she even invited her friends over sa restaurant. Kapag may parties ay lagi niyang sina-suggest ang Diaz restaurant na venue.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Where stories live. Discover now