Chapter 32

1.1K 80 42
                                    


"What? A-anong Ipecac?" ang tanong ni Martin sa doctor na nagpatawag sa kanila sa hospital. Kasama niya sina Jasper at ang mommy nitong si Mrs. Gayon at ganun na rin si Nelly na mukhang laging nakadikit kay Jasper.

Nakaupo sila sa maliit na sofa sa loob ng opisina ng attending physician ng mga guests na itinakbo nila sa hospital at kanina nga habang nasa restaurant siya ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Jasper na tinawagan sila ng doctor at lumabas na nga ang resulta ng clinical toxicology.

Hindi na niya isinama pa si Sarine at ayaw niyang ma-stress ang asawa. Sanay na siya sa mga ganoong sitwasyon, ikaw ba naman ang hulihin ng pulis, sampahan ng kaso, humarap sa hearing, hanggang sa tuluyan na nakulong? Hindi ka pa ba masasanay sa stress? Ang tanong ni Martin sa sarili.

"Ipecac, isa itong halaman na nagdudulot ng pagsusuka," ang sagot ng doctor sa kanila habang nakaupo ito sa isang armchair na nakaharap sa kanila.

"Huh, sinasabi na nga ba, food poisoning galing malamang sa pampalasa na nasa pagkain na iprinepara ng misis mo," ang mariing panghuhusga ni Nelly.

"If I were you Nelly I refrain myself from making accusations, lalo pa at wala kang napatunayan kundi sasampahan kita ng kaso na paninira sa asawa ko." Ang mariin na sagot na may pagbabanta rin kay Nelly. Wala siyang pakialam kung nagkaroon sila ng relasyon noon ni Rodrigo, ang importante ay wala na si Rodrigo at siya na si Rodrigo bilang martin at nagbago na ito at handa siyang gawin ang lahat at ipagtanggol ang asawa. Kahit pa pumatol siya sa babaeng iyun ng bangayan.

Hinawakan ni Mrs. Gayon ang kanyang kamay na nakapatong sa isa niyang hita at pinisil iyun, saka natuon ang atensyon nito kay Nelly na nakaupo katabi ang anak na si Jasper.

"Nelly iha, tama si si Rodrigo, hindi natin pwedeng sabihin na nasa pagkain ang sinasabi ni doc na ...na...substance," ang saad ni Mrs. Gayon nang pagsabihan nito si Nelly na tumikom ang bibig at mukhang nagtitimpi lamang ito na huwag sagutin ang mas matandang babae.

"She's right," ang sabat ng doctor at muling natuon ang apat na pares ng mga mata sa doctor at napabuntong-hininga ito.

"Wala kaming nakitang substance ng mga dahon ng Ipecac, but it was in liquid form along with other substances kaya naman nalaman na in syrup form ang Ipecac na inilagay," ang paliwanag ng doctor sa kanila.

"So sa drinks siya inilagay?" ang sabat na tanong ni Jasper sa doctor na napataas ang dalawang kilay at nagbuntong-hininga.

"I can't say that, kung gusto ninyo, magsampa kayo ng kaso sa Diaz restaurant para maimbestigahan, I'm not here to make any presumptions nor speculations ang sa akin lang ay ang basahin ang result ng laboratory at sabihin ang cause ng pagsusuka, at hindi ko na saklaw kung paano iyun napunta sa pagkain," ang giit ng doctor sa kanila.

"That was my first thought nang magsuka ng isang beses lang ang mga itinakbo rito sa hospital and all of them vomitted sa restaurant at wala na rito sa hospital," ang saad pa ng doctor.

"Doc let's just say na, inilagay nga iyun sa pagkain, or pwedeng sa inumin, hindi ba ito malalasahan?" ang tanong ni Martin sa doctor. May kutob na si Martin kung saan pwedeng naihalo ang sinasabing likido na nagdudulot ng pagsusuka, ang lasa at ang oras na pwedeng umepekto ang Ipecac ang kailangan niyang malaman.

"Uhm mahirap isama ito sa dessert dahil may pait ang lasa nito, pwera na lang kung lalagyan ng maraming asukal, pero mas madaling ihalo ito sa inumin espescially sa alcoholic drinks," ang sagot ng doctor, "which again I'm not implying anything, alam mo bang hindi maganda ang pagatatanong mo? Baka madiin ka sa ginagawa mo," ang dugtong na pagpapaalala kay Martin ng doctor.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Where stories live. Discover now