23

459 18 1
                                    

— Justin —

Nandito na ako ngayon sa unit ko at tulalang nakatingin sa kisame.

Iniisip ko ang mga sinabi ni Josh kanina. Hindi ko naman kasi talaga siya masisisi. Oo nga naman, nakilala niya ako sa pagiging playboy. Nasaksihan niya kung paano ako magpalit ng babae noon. Pero noon yun. It is hard to believe na nagbago na ako? And it's all because of him. Oo corny pero totoo.

Ang dami ko ng nakasama na babae pero sa kanya ko lang naramdaman tong kung ano mang nararamdaman ko sa kanya ngayon.

Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok saka tumayo at kumuha ng San Mig sa ref at nagtungo sa balkonahe.

Itinungga ko ang bote ng San Mig saka bumuntong hininga. Napatingin pa ako sa unit ni Josh pero patay na yung ilaw.

Inubos ko nalang yung laman ng bote at bumalik na sa kwarto ko at pinilit na matulog.

---

Mabilis na lumipas ang araw. Isang linggo na ang nagdaan mula nung mag-usap kami ni Josh.

Simula din nun ay iniiwasan niya ako.

Kinakausap ko siya pero cold lang siyang nakikitungo sakin.

Ginawa ko lahat para lang kahit papaano ay bumalik yung dati. Yung kinakausap niya ako bilang kaibigan. Pero wala eh, back to zero na naman kami.

Hindi rin siya umuuwi sa condo. Ayon kay Stell, umuuwi siya sa bahay ng papa niya.

Talagang iniiwasan niya ako.

---

Mabilis ulit lumipas ang mga araw. Isang buwan na ang lumipas at ganon parin ang pakikitungo niya sakin.

Naiinis narin ako sa sarili ko.

Hindi naman kasi ako ganito. Kung ayaw sakin ng tao, titigil na ako. Pero pagdating sa kanya  iba, e. Tinamaan nga talaga ako sa kanya.

"Hoy Josh, uuwi ka ba ngayon sa condo?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Naglalakad kami ngayon sa corridor papunta siya ngayon sa next class niya.

"Hindi" malamig na sagot niya at hindi tumingin sakin. Kahit na ganon ang trato niya sakin, ngumiti parin ako.

"Kung ganon ihahatid nalang kita sa bahay niyo" sagot ko.

"May kasabay ako mamaya" malamig paring sagot niya. Pinilit ko paring ngumiti kahit na nasasaktan na ako sa cold treatment niya sakin.

"Si Gail o si Kelly? Sabay na lang kayo sakin" sabi ko pa. Tumigil siya sa paglalakad dahil nasa tapat na kami ng pinto ng room.

"Hindi, kasabay ko ang anak ng boss ni mama" Sagot niya saka humarap sakin.

Napatikhim ako. Kahit na gulat ay pinilit ko paring ngumiti sa harap niya. "Ganon ba? Sige sa susunod nalang" sagot ko.

Hindi na siya nagsalita pa kaya nagpaalam na ako. Tumango lang siya kaya tumalikod na ako sa kanya.

Hindi ko alam ang dapat maramdaman. So nagkikita na sila ng anak ng boss ng mama niya? Are they two dating?

Sa pag-iisip ko ay hindi ko alam na nakarating na pala ako sa canteen. Kung hindi pa ako tinawag ni Sejun ay baka kung saan saan na ako napunta.

"Ano bang nangyayari sayo?" Tanong niya pagkaupo ko sa tapat niya.

"Dapat ko na bang kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Kung talagang gusto mo siya kahit anong mangyari hindi ka susuko" Sagot niya.

"Kahit naman ipaglaban ko, sa huli talo parin ako" sagot ko.

"Nah, bakit may gusto ba siyang iba?" Dahil sa tanong niya napabuntong hininga ako.

"He's seeing someone" I answered.

"Hindi pa naman niya jowa e. You know what, may nagsabi sakin na kapag may gustong gusto ka at pinaghirapan mong makuha yun, magiging worth it lahat ng sakit at hirap kapag nakuha mo na" sabi pa niya. "Para kang tanga alam mo yun? Ang drama mo" sabi pa niya at tinawanan ako.

"Gago ka. Hindi porket masaya kayo ni Stell ganyan ka na" sagot ko at sinamaan siya ng tingin pero tinawanan lang niya ako.

"Hindi naman naging madali yung pinagdaan namin, pero gaya ng Sabi ko, magiging worth it lahat pag dating ng tamang panahon" Sagot niya. Ako naman ang napapailing na natawa.

"Ang corny mo. Ang cringed yang mga sinasabi mo" sagot ko.

"Gago matapos kitang bigyan ng advice tatawanan mo ako?" Bulyaw niya sakin pero natawa nalang din kami dahil ang corny namin sa part na to hahaha.


To be continued...

Support niyo po yung bago kong story, Message (BGYO Gelo ff) thank you po ng marami.

Balcony | JoshTin AU✔Where stories live. Discover now