Epilogue

638 25 41
                                    

Napabangon ako sa pagkakahiga. Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.

"Anak, are you okay? Sandali tatawag ako ng doctor" Napatingin ako sa lalaki na tumawag sa'kin ng anak. Teka, nasaan ako?




Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Nasa hospital ako. "Bakit ako nandito, Pa?" Tanong ko kay Papa. Napatigil siya at napatingin ulit sa'kin. "Nasaan si Justin?" Patuloy ko.

Kumunot naman ang noo niya. "Nandito ka sa hospital, isang buwan kang comatose." Sagot niya. "At sinong Justin ang tinutukoy mo?" Patuloy niya.





Comatose? Napahilamos ako sa mukha nang maalala ang nangyari.

Sobrang galit na galit si mama sa'kin. Dahil sa kakaiyak, hindi ko nakita na meron na palang sasakyan na papalapit sa'kin.

"P-pa, h-hindi niyo kilala si Justin?" Utal na tanong ko. Pero malinaw sa isip ko. 'Yong mukha niya, lahat. Lahat malinaw sa'kin. Kaya imposible na panaginip lang lahat ng iyon.

"Anak, si Stell lang naman ang kaibigan mo na kilala ko." Sagot niya.

Dahil sa sinabi niya napahawak ulit ako sa ulo ko dahil sa biglang pagsakit nito at ang huli ay hindi ko na maalala.

Nagising ulit ako dahil may narinig akong nag-uusap sa tabi ko. "Normal lang po iyon, sir. Sa tagal niyang hindi nagising may mga nangyari sa panaginip niya na akala niya ay totoo." Sabi nung kausap ni Papa. "Mukhang malakas naman na po siya, maybe the next day pwede na siyang lumabas ng hospital." Patuloy pa nung doctor bago nagpaalam kay Papa.

Nakatulala lang ako sa kwarto ko at inaalala ang sinasabi nilang panaginip ko.

Justin.

Panaginip lang ba talaga lahat ng iyon? Pero bakit?

Nakauwi na ako. Nandito ako sa bahay nila Papa. Nagpapahinga lang ako ngayon dahil iyon ang bilin ng doctor.

Simula noong magising ako, feeling ko may kulang sa pagkatao ko. Si Justin.

"Kuya, ang lalim naman ng iniisip mo." Napabangon ako nang magsalita si Gail na nakatayo sa may pinto. Agad siyang lumapit sa'kin at umupo sa gilid ng kama ko.

"Iniisip ko lang 'yong panaginip ko." Sagot ko. "Para kasing totoo." Patuloy ko pa.

"Huwag mo na muna isipin 'yan. Naniniwala ako na may dahilan kung bakit mo 'yon napanaginipan." Sagot niya saka tinapik ang balikat ko.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong boyfriend ko si Justin sa panaginip ko?" Tanong ko na medyo natawa.

"Mr. Dream boy mo pala 'yong si Justin, eh. Baka siya talaga ang para sa'yo. Malay mo kuya makilala mo siya for real." Sagot niya na parang mas excited pa sa mangyayari.

"Ewan ko sa'yo. Bukas samahan mo ako sa condo. May kukunin lang ako dun." Sabi ko rito at tumango naman siya.

"Mahal kita..."

"Mahal din kita... Justin."

"Kuya!"

Napatakip ako sa tenga ko nang biglang sumigaw si Gail.

Arrrgh! Kainis! "Ano ba 'yon?!" Inis na tanong ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Diba sabi mo aalis tayo ngayon?" Sagot niya. "Tumayo ka na diyan!" Sigaw pa niya at hinila ako kaya wala na akong nagawa kun'di ang bumangon.

Matapos nun ay umalis na kami. Nang makarating kami sa condo ay nagpaalam si Gail na bibili lang daw siya sa makakain dahil hindi kami kumain nung umalis kami ng bahay.

Naiwan naman ako dito sa loob ng condo unit ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong unit.

Malinaw na malinaw pa 'yong mga nangyari sa panaginip ko dito. Hayst! Bakit ko kasi 'yon napanaginipan?! Nakakaasar naman!

Dahil sa tagal ni Gail ay humiga muna ako sa kama at tumulala hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising lang ako dahil may ingay akong narinig.

Napataas pa ang kilay ko dahil nagmumula ang ingay na iyon sa labas.

Agad akong tumayo at naglakad papuntang sliding door para magpahangin sa balcony.

Napapikit pa ako dahil sa preskong hangin na sumalubong sa'kin.

"Asshole!" Bapadilat ako ng mata nang biglang may sumigaw mula sa kabilang unit. Narinig ko pa ang tunog na parang may sinampal.

Napailing nalang ako at hindi na pinansin ang kung ano mang nangyayari sa loob ng unit na 'yon. Bahala sila diyan.

"Ang sakit ah, parang bakal naman ang kamay nun amputek." Napalingon ako sa nagsalita dahil pamilyar ang boses na iyon.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin.

Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayon.

"J–justin..."





• END •

Kung may questions kayo about sa story comment lang kayo mga lods.

I unpublished StellJun AU and Ken's story. Sorry pero hindi ko na matutuloy ang StellJun AU o baka matuloy ko pero hindi pa ngayon.

Thank you sa pagsama sa'kin sa story na 'to. Sobrang nahirapan ako isulat to kahit na ang dami ko nang napanood na mga BL series, feeling ko hindi pa ako ganon kaalam sa Genre na ganito. Sana ay may natutunan kayo kahit papaano.

Love is no gender.

Love is acceptance.

Love is everything.

No hate. Spread love.

PLEASE SUPPORT JOSH'S NEW FANFIC ENTITLED STILL HER! Thank you❤

Balcony | JoshTin AU✔Where stories live. Discover now