03

556 26 16
                                    

🍒Justin De Dios🍒

"Hoyy Cullen!" Sigaw ko mula sa pinto ng unit niya.

Nang makita ko kasi siya kanina at marinig ang usapan nila ng mama niya ay bigla akong naawa. Hindi ko din alam kung bakit ako naawa.

"Ayaw ko nga sabing sumama" sagot niya nang buksan niya ang pinto. Aish! Napaka attitude talaga nito.

"Tsk! Ang arte mo! Tara na!" Sabi ko at saka siya hinila palabas ng unit niya. Nagpumiglas pa siya pero hindi ko siya binitawan kaya wala na siyang nagawa kun'di sumama sa akin.

"Hayst! Alam mo kailangan mong magrelax at mag enjoy din minsan, hindi yung puro nalang libro ang hawak mo." Sabi ko sa kanya habang nasa elevator kami.

"I enjoyed myself by reading books." Malamig na sagot niya.

"Tangena. Huwag mo akong englishin." Sabi ko. Bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami.

"Asan ba tayo pupunta?" Tanong niya. Napakamot naman ako ng ulo dahil sa totoo lang hindi ko din alam.

"Tsk! Lakas ng loob magyaya hindi naman alam kung saan pupunta." Patuloy niya at ako naman ang hinila niya.

---

"Seriously? Dito mo ako papakainin?" Tanong ko. Nasa isang— I don't know kung anong klaseng lug—

"Nandito tayo sa isang karinderya, okay? And yeah! Dito tayo kakain." Sagot niya na akala mo ay nabasa ang nasa isip ko.

"You're kidding right?" Tanong ko pa pero umupo na siya sa bakanteng table.

"Tsk! Mukha ba akong nagbibiro?" Sagot niya at itinaas ang kamay at lumapit sa kanya ang isang babae at sinabi niya rito ang order niya.

Wala naman akong nagawa kung hindi ang umupo sa tapat niya. Maling idea nga siguro na pinilit ko siyang lumabas. Tsk!

"Malinis ang mga pagkain dito, huwag kang mag-alala." Sabi nito nang ilapag nung isang babae ang mga pagkain na hindi ko alam kung ano ang mga tawag dito.

Nagsimula na siyang kumain kaya kumain na rin ako. And aaminin ko, masarap nga ang pagkain dito.

Nang matapos kaming kumain ay naglakad na kami pabalik sa condo. "Hoy Cullen. Are you okay?" I asked him. Kasi naman kanina pa siya tahimik. Well, lagi naman siyang tahimik.

"Yeah!" Tipid na sagot niya.

"Narinig ko yung usapan niyo ng mama mo." Panimula ko kaya tumigil siya sa paglalakad. "I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na marinig kasi nasa balcony ako kay—"

"It's okay." Putol niya at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

I don't know why pero nakakaawa talaga siya. "Don't worry, Cullen. Magiging seryoso na talaga ako sa pag-aaral natin para makuha mo yung scholarship." Habol ko pero hindi na siya nagsalita.

---

Kinabukasan, kahit masakit pa ang ulo ko ay sinikap kong gumising ng maaga para makaattend sa first class ko.

"Himala ata na pumasok ka ng maaga" bungad sa akin ni Sejun. Agad naman akong umupo sa tabi niya bago sumagot.

"Gago! Masama bang maging maaga?" Sagot ko pero tinawanan lang niya ako.

"Nakapagtataka lang." Tawa pa niya kaya hindi ko nalang pinansin. Maya-maya ay dumating na rin si Ken at akala mo kung sinong siga na umupo sa tabi ko.

"May lagnat ka ba ngayon, dre?" Agad na sabi nito at natawa sila pareho ni Sejun. Mga walang hiya.

"Tangena niyo!" Bulyaw ko pero tumawa lang ulit sila. Kasiyahan nila ako ngayon ano?

"Nga pala, yung party mamaya huwag niyo kakalimutan." Pag-iiba ni Ken.

"Pass muna ako mga dre." Sagot ko. Agad naman silang nagkatinginan.

"Isang Justin De Dios, hindi sasama sa inuman? Wow!" Sabi ni Sejun na hindi makapaniwala ang mukha.

"Ano ba nakain mo?" Tanong naman ni Ken.

"Tsk! Kailangan ko lang mag-aral." Sagot ko at nagkatinginan ulit sila at parang hindi makapaniwala. Mga animal. Ganon na ba nakapagtataka na mag-aaral ako?

"Gago! Ang kaibigan natin hindi sasama sa inuman para mag-aral?" Binatukan ko si Sejun dahil sa sinabi niya.

"Huwag mo ako igaya sa sarili mo na matalino" sabi ko rito. Kahit kasi hindi yan mag aral ay may maisasagot parin.

---

Lunch break namin ngayon at nandito kami sa canteen. Hindi ko nakita kanina si Josh.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong canteen at nakita ko naman siya agad na nakaupo sa may pinakadulong bahagi ng canteen at mag-isang kumakain. Tsk! Wala ba kahit isang kaibigan ang lalaking 'to?

"Hoy Jah, saan ka pupunta?" Tanong ni Ken nang tumayo ako.

"May kakausapin lang ako" sagot ko at hindi ko ma hinintay na magsalita sila at lumapit na sa kinaroroonan ni Josh.

"Hoy Cullen" sabi ko sa kanya ng makalapit ako at umupo sa tapat niya.

"What?" Tanong niya na hindi tumingin man lang sa akin. Aba! Attitude amputek. Mas malala pa to kay Sejun minsan, e.

"Anong oras matapos ang klase mo?" Tanong ko.

"Why?" Napaayos ako ng upo dahil naiinis na ako sa pagkatipid niya sumagot.

"Tinatanong pa ba yan? Malamang at kailangan kong malaman para alam ko kung kailan magsisimula ang kla—"

"Ang ingay." Sabi nito at tumigil siya sa pagkain at tinignan ako.

"Haha sorry. Susunduin kita para sabay na tayo umuwi at makapagsimula agad mag-aral." Sagot ko.

"Anong nakain mo at gusto mong mag-aral ngayon?" Tanong niya. Tangena! Bat ba takang taka sila na mag-aaral ako?

"Ayaw mo nun? Pag ako nabagsak,"

"Dami mong sinasabi. 4 PM matatapos klase ko. Kita nalang tayo sa unit mo." Putol niya sa sasabihin ko at tumayo na.

"Hoy saan ka pupunta?" Tanong ko. Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya tumayo narin ako at sinundan siya.

"Sa lugar kung saan wala ka." Sagot niya. Siraulo!

"Hi Josh" napatigil siya sa paglalakad dahil sa paglapit sa kanya nung isang babae. "Are you free tonight?" Tanong nung babae sa kanya.

"No" sagot niya at lalagpasan na sana yung babae pero humarang ulit ito sa dadaanan niya.

"Can I go to your unit later?" Tanong pa nung babae

"No" sagot niya ulit. Nag pacute naman yung babae sa kanya pero nilagpasan lang siya ni Josh. Buti nga sa kanya.

"Kaya ka pala walang jowa kasi ang attitude mo sa mga babae." Sabi ko rito ng magkasabay kami sa paglalakad.

"Tsk!" Tanging sagot niya. Yawa! Yan lang ba alam niyang isagot pag kinakausap siya?!





To be continued...

Sabaw.

StellJun o KenTell?

Bawal both kasi gagawan ko din sila ng story.

Balcony | JoshTin AU✔Where stories live. Discover now