11

471 21 2
                                    

🗒:
📌Pure fiction
📌Errors ahead
📌Words that are not suitable for minors

---

Justin De Dios

"Ano bang meron sayo ngayon?" Kunot ang noo na tanong ni Josh. Katatapos lang namin kumain at sabay kaming naglakad papunta sa first class namin.

"Wala" tipid na sagot ko pero nanatili parin ang kunot ng noo niya.

"Nakokonsensya ka siguro na iniwan mo lang ako sa balcony kagabi 'no? Alam mo bang pinagpiyestahan na ako ng mga lamok?" Sabi nito.

"Hoy! Inamo pinipilit kita kagabi na pumasok sa kwarto mo pero ayaw mo kaya kasalanan mo na yun." Sagot ko saka umiwas ng tingin. At kung ano-ano kasi sinasabi mo!

"Tsk!" Tanging sagot niya at nauna ng maglakad. Attitude talaga amputa.

"Hoy hintayin mo ako!"

---

Malapit na ang final exam para ngayong first sem kaya hindi na kami ganon nagkakausap ni Josh dahil nag-aaral siya.

Ako naman ay hindi na muna umuuwi sa condo dahil sinabi ni Dad na sa bahay muna ako para makita niya kung nag-aaral ba ako at baka kung saan saan na naman ako pupunta.

"Justin, why don't you invite Josh here?" Sabi ni dad na kakagaling lang sa kwarto nila ni mom.

Nakaupo kasi ako ngayon dito sa sala at nagrereview.

Dahil sa sinabi ni dad agad kong kinuha yung phone ko and I dialed his number. Ewan ko ba kung bakit excited ako na pupunta siya ngayon dito.

"Hello?" Iritado niyang sagot kaya napasimangot ako.

"Mag ayos ka ng gamit mo susunduin kita. Bye!" Sagot ko at hindi na siya hinintay na sumagot at in-end ko na yung linya.

Tumayo na ako at nagpaalam kay Dad na susunduin ko lang si Josh.

Josh P.O.V —

NAPAKUNOT ang noo ko na nakatingin sa screen ng phone ko dahil sa sinabi ni Justin.

Bahala siya sa buhay niya.

Bumalik na lang ako sa pag-aaral at hindi nalang pinansin ang kawirduhan ni Justin.

Ilang sandali pa ay may kumatok kaya inis akong pumunta sa pinto at binuksan iyon.

Ang gwapong mukha naman ni Justin ang bumungad sakin.

Teka? Anong sabi ko? Gwapo? Iww kadiri.

"Ano na naman bang kailangan mo?" Iritadong tanong ko. Nag pout naman siya dahilan para mapatitig ako sa mapupula niyang labi.

Damn that kissable lips.

Ano kaya feeling ng mahalikan ng isang Justin De Dios?

Anak ka ng tupa Josh ano bang pinag-iisip mo!

"Dad invited you to our house." Sagot niya kaya kumunot ang noo ko.

"Birthday niya ba? Pakisabi happy birthday." Malamig na sagot ko at isasara na lang sana yung pinto pero pinigilan niya ako at masamang tumingin sakin. Tsk!

"Pilosopo ka pang hayp ka. He want you to help me sa pagrereview." Sagot niya.

"Kaya mo na yan." Sagot ko pero lalong sumama ang tingin niya sakin.

"Bahala ka. Sasabihin ko na bawiin niya yung scholarship mo." Sabi nito. Anak ng...

"Are you blackmailing me?" Inis na tanong ko pero ngumisi siya.

Panira talaga ng buhay ko ang hayop na to.






To be continued...
Note: ok so alam kong sinabi ko sa authors note na sa January na ako mag uud. Pero dahil meron na akong sabaw na draft mag uud na lang ako HAHAHA.

Gagawa na talaga ako ng maraming draft para tuloy tuloy na update ko. Sana may nagbabasa pa🤧

Balcony | JoshTin AU✔Where stories live. Discover now