Kabanata 8

201 5 0
                                    

Kabanata 8

Pangako





Dahan-dahan kong minulat ang mata at bumungad sa akin ang pader ng kwarto ko. Babangon na sana ako nang marinig ang mabibilis na mga yabag palapit sa akin at ang pag-alalay sa pag bangon ko.

Umawang ang labi ko nang makita si Sir Evan. Magulo ang buhok niya at bakas ang pagod sa mata.

Teka, ba’t siya nandito? Paano ako nakauwi samantalang nakikipag sayawan naman ako kagabi sa kung sino?

Nanlaki ang mata ko nang maisip ang isang posibleng dahilan.

Hindi kaya siya ang lalaking kasayawan ko kagabi?!

“Are you feeling well?” nakakunot ang noo kong nakatingin sa kaniya.

Bumaba iyon mula sa kaniyang mukha hanggang sa kaniyang katawan. Umawang ang labi ko nang mapansing pareho sila ng lalaking kasama ko kagabi.

“Hey…” sabi niya ulit. Tumango ako kahit hindi naintindihan kung anong tinatanong niya.

“P-paano t—“

“I’m the one who took you home. Don’t worry nothing happened.” Nalaglag ang panga ko sa huling sinabi niya.

“A-alam ko naman po pe—“

“Good then take these meds here. I brought it earlier to lessen your headache.” Pinakita niya sa akin ang gamot na nasa palad niya at ang isang basong tubig sa kabila.

Teka hindi ko alam kung anong dapat kong ire-react dito. Anong dapat kong sabihin. At wait lang, hindi ba ako nananaginip ngayon?

Baka kasi nasa kalagitnaa lang ako ng panaginip at kailangan kong magising. Napaka imposible naman na ihatid ako ni Sir Evan!

Masyado naman na akong abala sa kaniya kung gano’n!

Pero tinanggap ko pa rin ang gamot na binigay niya at inubos ang isang baso ng tubig.

“It looks like you’re all ok right now. I think I need to go home?”  napakurap ako at tumango sa kaniya. Tipid ang ngiti pero mabilis iyong iniwas.

Hindi ko talaga kaya ang bigat ng titig niya sa akin. Hindi ako nakakatagal. Parang kakaiba, parang kapag hindi ko nilabanan baka mabaliw ako ng sobra.

“O-opo naman po. Ahm thank you po talaga Sir! Pwede na po kayong umuwi!” masiglang sabi ko at umalis sa kama. Kumunot ang noo niya nang makita akong nakatayo.

Naramdaman ko ang pagbaba sa braso ko ng tali ng aking damit kaya mabilis ko iyong binalik.

“Just rest.” Iyon ang huling sabi niya bago niya ako tinalikuran at lumabas ng apartment ko.

Sinundan ko siya pero hindi ako lumabas ng kwarto. Pinanood ko lang siyang makababa hanggang sa makarating sa kaniyang sasakyan.

Nang buksan niya ang pintuan ay lumingon pa ulit siya sa gawi ko kaya kinawayan ko siya at nginitian.

Pumasok ako sa loob na mabilis ang tibok ng puso ko.

“M-ma! ‘wag niyo naman pong sirain ‘yang cellphone ko!” pilit kong inaabot kay mama ang cellphone na binigay sa akin ni Bryan.

Narinig niya kasing tumutunog iyon at nang makita ang pangalan ni Bryan ay mabilis niyang kinuha pero nang akmang ibabagsak niya sa sahig ay mabilis ko siyang pinigilan sa balak na gawin.

Uuwi si Bryan sa susunod na araw. Magkikita na ulit kami at balak niyang kausapin ako at si Mama para ipagpaalam na pumunta sa Baguio para pumasyal.

Pero hindi ko akalain na gan’to ang mangyayari.

“Tama nga ang hinala ko?! na may relasyon kayo ng Bryan na ‘to? Ano ako Sanchia?! Tanga?” bumuhos ang luha ko dahil sa sigaw niya.

Nag-uumpisa nanamang manginig ang katawan ko dahil sa takot sa kaniya. Umiling ako pero gano’n na lang ang gulat ko nang maramdaman ang pwersahan niyang pagtulak sa akin sanhi para bumagsak ako sa sahig at tumama sa kung saan ang ulo ko.

Napangiwi ako sa sakit pero mas nadurog ang puso ko nang makita kung papaano niya ibagsak sa sahig ang cellphone ko.

“Hindi mo na nagagawa ng maayos ang trabaho mo tapos nakikipaglandian ka pa?!”

“Manang-mana ka sa n—“ parang natauhan siya sa dapat na sasabihin.

Akala ko ay titigil na siya pero gano’n na lang ang takot ko nang mabilis niyang pinutol ang distansya namin at hilahin ang makapal kong buhok.

Mahigpit ang pagkakahawak niya na parang mapupunit ang anit ko. Hinarap niya ako sa galit na galit niyang mukha bago magsalita.

“Kung tuwing gabi ay may kakampi ka dahil nandito ang ama mo, pwes ngayon wala! Ako ang nandito at kahit sumigaw-sigaw ka walang makakarinig sayo!”

Wala akong nagawa kundi ang humagolhol sa takot, inis at awa sa sarili. Bakit ba hindi ko maipagtanggol ang sarili ko?

Oo alam ko naman na Nanay ko siya pero sobra na ‘tong ginagawa niya?

Hindi ba pwedeng magdahilan sa kaniya? hindi ba pwedeng depensahan ang sarili sa maling sinasabi niya

Kasi hindi naman talaga totoo? Ayaw niyang maniwala sa akin kasi wala siyang tiwala!

Sarili niya akong anak pero ba’t gan’to ang nararamdaman ko? ba’t parang iba ako sa kaniya?

“M-mama masakit p-po!” sa gita ng palahaw ko ay hindi siya tumigil. Sinampal niya ang kanang pisngi ko at binitawan ang pagkakahawak sa buhok ko.

Napapikit ako dahil sa anghang at hapdi ng sampal niya. Hindi ko na kontrolado ang pag-iyak ko. Parang kahit gustuhin ko mang tumigil ay hindi nangyayari dahil parang may sarili silang buhay kay sa akin.

Padabog siyang umalis sa harapan ko at iniwan akong umiiyak sa sala. Sandali kong hinayaan ang sarili sa pa-iyak at nang maramdaman na muli ang lakas at pinuntahan ko ang cellphone ko na ngayon ay durog-durog na.

Paano na ‘to? Paano na ako matatawagan ni Bryan? At isa pa, nakakatulong rin ito sa pag-aaral ko hindi lang sa komunikasyon ko sa kaniya.

Hindi kasi naiintindihan ni Mama, hindi niya alam kung papaano ako nag-aaral. Hindi naman siya interesado sa akin sa una pa lang eh.

Pero pati ba naman pagbawalan ako sa mga bagay na napapasaya sa akin ipagdadamot pa niya?

Tumulo ulit ang panibagong luha sa mata ko habang pinagmamasdan ang sirang cellphone.

Imposibleng maayos pa ito dail medyo nayupi ang bandang gilid. Matagal na rin itong gamit ni Bryan kaya papano na lang kapag nagkita ulit kami?

Paano ko sasabihin sa kaniya na sira na ‘tong binigay niya sa akin?

Nagmukmok ako sa kwarto ng ilang araw hanggang sa dumating si Bryan. Narinig ko ang pagkatok sa may pinto namin. Mabilis akong bumangon sa higaan at tinungo ang pinto ng bahay.

Mabilis ang tibok ng puso ko nang hawakan ang doorknob. Ito na, nandito na si Bryan! Marami nananaman akong maikwekwento sa kaniya!

Nanlaki ang mata ko nang bumungad siya sa harapan ko. Walang ano-ano’y niyakap ko siya ng mahigpit dahilan para matawa siya ng bahagya.

“Hindi mo naman ata ako masyadong na-miss no?” pang-aasar niya.

“Baliw! Tara sa labas tayo!” hindi siya naka hindi nang mabilis ko siyang nilayo sa bahay. Nagpunta kami sa may covered court ‘di kalayuan sa bahay namin.

“Kumusta ang Maynila?” tanong ko. Sandali siyang nag-isip. Doon ako nakakuha ng pagkakataon para pasadahan siya ng tingin.

Pumuti siya ‘di ‘tulad noong nandito pa siya. Gumanda rin ang pangangatawan niya na parang naalagaan talaga siya doon ni Tita.

Nando’n rin daw kasi ang iba nilang kamag-anak. Nabanggit niya sa akin nang minsan kaming nagkausap sa tawag.

“Ayos naman medyo hassle lang dahil sa araw-araw na traffic. Maingay, pero maganda.” Hindi ako nakaimik.

Anong sasabihin ko? mas lalo akong napanghinaan ng loob nang maalala ang nangyari sa cellphone niya.

“Tinatawagan pala kita kahapon at kagabi hindi ka ma-kontak.”

“Ah…”

“May nangyari ba?” umiling ako at yumuko.

“Kilala kita Sanchia. Sige na sabihin mo na. Ako naman ‘to eh.”

Napalunok ako at kinuwento sa kaniya ang nangyari.

“May pasa ka ba? Gusto mo isumbong natin sa pulis?” mabilis akong umiling at nilingon siya.

“’W-wag na…ayos lang naman ako. At saka kasalanan ko rin naman eh.” Nahirapan akong lunukin ang sariling laway nang sabihin iyon.


“Sigurado ka?” kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Pinipigilan kong maiyak nang maisip kung gaano ko siya na-miss.

Na kahit ilang buwan kaming hindi nagkita ay pakiramdam koi bang-iba na siya. Ibang-iba na sa dating Bryan na kasa-kasama ko.

Parang ako na lang iyong nananatili sa gan’tong sitwasyon. Gusto ko namang magbago. Gusto kong magpakalayo-layo kahit ilang araw lang.

Pero imposibleng mangyari dahil wala naman akong pera para doon.

“Ano? Sama ka sa Baguio? Akong bahala sayo!” tipid akong ngumiti.

“Gustong-gusto ko sana Bryan, kaso…” bumakas ang lungkot sa mata niya. Gusto ko naman kasi talaga kaso iniisp ko si Mama.

Nakakatakot kasi na isang araw sobrang saya mo tapos sa susunod hindi na.

Alam ko rin paano siya magalit. Ayokong pagalitan at pagbuhatan nanaman niya ako ng kamay.

“Salamat na lang Bryan. Kayo-kayo na lang ni Tita para naman makapag-bonding rin kayo,” sabi ko.

Buong araw kaming nagkulitang dalawa sa court. Naglaro pa ng basketball hanggang sa mapasya nang umuwi.

“Na-miss kita Sanchia…” sa seryosong boses niya. Pareho kaming natigilan sa paglalakad. Gusto kong magsalita pero ba’t umurong bigla ang dila ko?

“Pangako na, kapag ayos na ang lahat at nakapagtapos na tayo, susunduin kita dito at maninirahan tayo sa Maynila.” Mapait akong napangiti.

Ang sarap pakinggan pero ang labong mangyari. Napaka imposible.

“U-umuwi na nga lang tayo at baka magalit nanaman sa akin si Mama,” sabi ko. Tumahimik siya hanggang sa maihatid niya ako sa harap ng bahay namin.

Papasok na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko.

“A-ano ‘yon?” nilingon ko siya habang nakahawak sa hamba ng pinto.

“Seryoso ako sa sinabi ko kanina Sanchia…s-sana mahintay mo ang araw na ‘yon.”

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Nakita ko na lang na tumalikod na siya at naglakad palayo. Doon humigpit ang hawak ko sa hamba ng pinto.

Touch My Soul✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon