Kabanata 15

199 6 0
                                    

Kabanata 15

Caught




“S-sir…” halos hindi ko na siya maaninag dahil sa mabilis na pagtulo ng luha sa mga mata ko. Siguro sasaktan niya rin ako. Siguro nagbago ang isip niya at kailangan na lang niya akong patahimikin.

Baka kasabwat rin siya ng mga lalaking gumawa sa akin nito. Pero bakit? Bakit niya gagawin iyon? wala naman akong ibang ginawang mali sa kaniya.

Kung sana lang ay hindi na ako sumama pa sa kaniya dito ay hindi ito mangyayari sa akin. Hindi sana ganito ang kahihinatnan ko.

Mabilis akong umatras nang maramdaman ang mabibigat na paghinga niya.

“S-sir…”

“Don’t worry. I will not harm you.” Sa seryosong tono niya. Malumanay iyon pero tila ba nagtitimpi ilabas ang totoo niyang emosyon.

Nakaayos siya ngayon. Itim na slacks, puting long sleeves na nakatupi hanggang siko, Pulang necktie at itim na sapatos.

Napalunok ako nang umupo siya sa harapan ko. Doon nasinagan ng ilaw na nanggagaling sa bintanang nasa likuran ko ang kabuaan ng kaniyang mukha.

Bakas doon ang pagtataka niya. Umiling ako na naging dahilan para humugot ulit siya ng malalim na hininga.

“Do you trust me?” sa mahinang tono. Umaalingawngaw ang ingay na nanggagaling sa labas. Nagsisiyahan sila pero bakit nandito siya?

“I look for you everywhere…” nakakunot ang noo niya ngunit no’n ko ang na-realized na nahawakan na niya ang paa ko.

Gumapang ang kamay niya sa masking tape na nando’n.

“Tell me, who did this to you?” may gigil sa tono ng kaniyang boses. Umiling ulit ako dahil hindi ko alam.

Hindi ko naman sila nakita dahil bago ko pa iyon magawa ay mabilis na nilang tinakpan ang mata at bibig ko.

Bahagya akong uminat para maayos ang upo nang mabilis na napatigil dahil sa pagsakit ng tiyan.

“H-hindi ko po alam Sir. Bigla na lang po nila akong tinakpan sa mata at bibig…t-tapos…ganito na po.” Pinigilan kong tumulong muli ang panibagong luha sa mata ko.

“Do you trust me?” ano bang sinasabi niya? pinagkakatiwalaan ko siya pero sa sitwasyon na ‘to…hindi ko alam kung tama bang gawin ko iyon?

“Sanchia,” umawang ang labi ko nang tawagin niya. May kakaibang tono sa boses niya nang sabihin iyon. Huli na nang makita ko ang sariling tumango sa kaniya.

Mabilis pa sa alas-kwarto siyang umalis sa harapan ko at nang pagbalik ay may dala-dala ng kutsilyo.

Biglang may bumalik sa ala-ala ko dahil sa bagay na iyon. Hindi ko  na napigilang hindi mapaluha dahil doon.

Napapikit ako nang maramdaman ang malamig na patalim sa paa ko. At makalipas ng ilang saglit ay unti-unting nakawala ang paa ko mula sa pagkakagapos.

“Can you turn around?” malumanay na ngayon ang boses niya. Sapat na para bumalik ang tiwala ko sa kaniya. Inalalayan niya ako patayo at doon ako tumaliko. Mabilis na nawala ang tape sa palapulsuhan ko at agad siyang hinarap.

Hingal na hingal siya. Sinabi niya kanina na hinanap niya ako kung saan-saan. Iyon ba ang dahilan kaya hinihingal siya ngayon?

Malalim ang titig niya at bahagyang nakaawang ang labi. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at mabilis siyang niyakap ng mahigpit. Kasabay no’n ay ang pagdaloy muli ng luha sa mga mata ko.

Touch My Soul✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon