Kabanata 28

210 3 0
                                    

Kabanata 28

Pain





“T-tell me what the fck is happening?” Unti-unti kong naimulat ang aking mga mata.

Ramdam ko ang pag-alog ng katawan ko at ang dalawang bulto ng lalaki na nasa gilid ko ngayon. Tila may hinahabol sila, at doon ko napagtanto na nakahiga ako sa may stretcher habang papasok kami sa loob ng isang kwarto.

Nagtatalo ang dalawang lalaki at nawala ang ingay galing sa kanila nang tuluyan akong naipasok sa isang kwarto na punong-puno ng kung ano-anong aparato.

Pag-uusap ng kung sino ang siyang nagpagising sa akin. Nakatulog pala ako nang hindi ko namamalayan.

Puting kisame ang bumungad sa harapan ko. Dahan-dahan kong nilibot ang aking mga mata at nakita ang isang doktor kausap si Sir Evan.

Umawang ang labi ko at bumilis ang tibok ng puso. Gusto kong umalis dito, gusto kong lumayo sa kaniya. Siya nanaman ang may kasalanan kung bakit nangyari ito!

Ang anak ko! Nanlalaki ang mata ko at mabilis na kinapa ang tiyan. Natigilan ako nang maramdaman ang kamay ni Bryan na nasa gilid ko pala.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” ani niya. Doon napalingon ang doktor na babae at si Sir Evan.

Mabilis silang lumapit sa akin. Naramdaman ko ang paghawak sa aking kamay na nakapatong sa tiyan ko.

Dahan-dahan kong inalis iyon at nilapag sa gilid ko. Inalis ni Sir Evan ang kamay niya doon at nilingon ang doktor na nasa gilid ko.

“What happened to her Doc?”

Binuklat ni doktora ang isang pahina ng copon at bumuntong hininga saka nilingon ako.

“Wala namang masyadong napuruhan sa ibang bahagi ng katawan niya dahil sa nangyari, ang kaso lang…”

Nilingon ko ang doktor nang sandali siyang huminto.

“Medyo hindi biro ang pagbubuntis niya, maselan ito at kung hindi siya mag-iingat ulit sa susunod baka tuluyan siyang makunan.” Umawang ang labi ko at nilingon si Mikael.

Buti na lang! Buti na lang talaga at walang nangyaring hindi maganda sa anak ko.

Kapit lang anak, malalagpasan rin natin ito.

“W-what? What do you mean?” si Sir Evan na bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha.

“Sir, Miss Jade is 2 weeks pregnant.” Natigilan siya at hindi makalingon sa akin.

Tumango kami ni Mikael nang magpaalam si and doktor. Hanggang sa makalabas ito ay tulala pa rin si Sir Evan. Ilang saglit lang ay nilingon niya ako nang may kunot ang noo.

“Is it my child?” pagak akong natawa at umiling-iling sa kaniya. Tinikom niya ang bibig at napahilamos sa mukha.

“J-just answer my question damn it!”

Huminga ako ng malalim saka siya tinignan ng seryoso.

“Hindi,” tipid na sagot ko. Nanikip ang dibdib ko at bumilis ang paghinga kaya iniwas ko na ang tingin sa kaniya.

Alam ko naman na hindi siya maniniwala na anak niya nga ito at ayokong mapunta sa sitwasyon kung saan kailangan ko pang ipaglaban ang karapatan ko bilang ina ng anak ko.

Kumuyom ang kamay ko na siyang hawak ni Mikael.

“Ayos ka lang ba?” napatingin silang dalawa sa akin. Ngumiti ako kay Mikael at tumango.

“Oo medyo ayos naman ako,” sagot ko.

Binalot kami ng katahimikan hanggang sa nagpasya akong lingunin si Sir Evan.

Alam kong magiging hadlang lang ako sa mga gusto niya sa buhay. Ayokong maging pabigat dahil sa anak ko sa kaniya.

Ayokong dumepende kami ng anak ko sa kaniya. Ayokong dumating iyong araw na kapag nangyari iyon, ipapamukha niya sa akin lahat ng naitulong niya.

Ayoko ring maging bahagi ng madilim niyang mundo. Na kailangang tumakbo dahil sa mga ilegal na gawain.

“Huwag kang mag-alala, hindi mo ito anak. Anak namin ito ni Mikael.” Mabilis akong nilingon ni Mikael.

Pasensya na Mikael, mamaya na ako magpapaliwanag. Alam kong malaki na rin ang utang na loob ko sayo.

Huminga ng malalim si Sir Evan at pinangnikitan ako ng mata.

Bumuntong-hininga ako at tumango sa kaniya.

“Nagsasabi ako ng totoo Sir Evan. Kung nahuli mo akong nagsisinungaling tungkol sa katauhan ko, ngayon nagsasabi ako ng totoo. Anak namin ito ni Mikael.”

Parang hindi ako makahinga nang makitang tumango siya.

Ganito pala kasakit? Iyong tipong gustong-gusto ko nang sabihin na siya ang ama ng nasa sinapupunan ko. Na siya ang nakabuntis sa akin at si Mikael.

Suminghap ako nang tumayo siya, halos kumirot ang puso ko sa sunod niyang sinabi.

“Good to know that. I guess I should tell you something about the raid happened in the bar.” Nanatili siyang nakatayo at sa akin lang nakatingin.

Napalunok ako at iniwas ang tingin niya. Hindi ko kaya ang intensidad na nilalabas ng mga mata niya. Parang kapag tinagalan ko ang pagtitig doon ay mabaliw ako ng tuluyan.

Minsan gusto kong sabihin sa sarili ko kung bakit ako nagpahulog sa bitag niya. Kung bakit ko hinayaan ang sariling makulong sa nakakalasong mga braso niya.

Hindi ko alam kung bakit nadala ako sa init, kung bakit hindi ko napigilan ang sarili laban doon. Laban sa kaniya.

“I’m suspecting that you're the one who told the pulis since that guy named Bryan is your friend but I was wrong…” hindi ako naka-imik.

Si Bryan. Kumusta na kaya siya? Alam kong hindi naging maganda ang pagkikita namin kaya gusto ko iyong ayusin. Pero hindi ko alam kung kailan, siguro kung ok na ang lahat.

Baka kaya ko na rin siyang harapin.

“B-bakit anong nangyari?” tukoy ko sa sinabi niya.

Mabuti naman at naniniwala na siyang hindi ako ang nagsumbong noon sa mga pulis.

“Albion called me earlier and he told he already knew who was it.” Tumango ako. Ayoko munang isipin ang nangyari noon.

Wala na dapat akong ikabahala. Ayos na sa akin na naniwala na siya na hindi nga ako ang nagsumbong sa mga pulisya.

“I also want to say sorry for what I've done to you specially to your ah.. your baby,” nakaiwas ang tingin niya dahil sa huling sinabi.

Tumango ako at tipid na ngumiti.

“A-ayos lang po iyon Sir.” Pero sa loob-loob ko'y kabaliktaran ng ngiting lumabas sa labi ko.

Bakit ganito? Bakit naninikip ang dibdib ko? Bakit gusto ko siyang pigilan nang tumango siya sa amin ni Mikael bago tumalikod at humarap sa may pinto.

Gusto ko siyang tawagin. Gusto kong sabihing siya ang Ama ng pinagbubuntis ko pero may malaking bahagi sa akin na pinipigilan iyong gawin.

Huminga ako ng malalim at tumingala.

Pero nang maramdaman ang haplos ng palad ni Mikael sa braso ko, hindi ko na napigilang hindi pakawalan ang mga luhang lumabas.

Ingay ng pagsara ng pinto ang umalingaw-ngaw sa loob ng kwarto. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko dahil alam ko sa sarili na kailangan kong panindigan kung ano ang desisyon ko.

Mahalaga ang kapakanan at kaligtasan ng anak ko. Sa kaniya na dapat nakatuon ang isip ko at hindi sa ibang tao 'tulad niya. Ayokong mabuhay sa dilim. Ayokong mabuhay sa takot at mas lalong ayokong iparanas sa anak ko na kahit may kaya kami ay nabubuhay kami sa masama.

Oo may kaya si Sir Evan. Pero hindi ko gusto ang mga ginagawa niya. Kaya kailangan kong magsumikap para mabuhay ang anak ko, kaming dalawa.

Sa mga lumipas na buwan, doon ko nakita ang kakaibang kilos ni Mikael. Palagi na lang siyang natutulala kapag nakikita ang mga suot. Palaging pinagsasabihan na mag-ayos ako kahit papaano.

Minsan nga ay nagrereklamo na ako dahil pati kulay ng lipstick ko ay pinapakialamanan niya.

“Sorry na, pero kasi ang pangit lang talaga ng ginawa mo sa kilay mo!” reklamo niya habang nasa daan kami. Ihahatid niya ako papunta sa karinderya nang iyon nanaman ang napansin niya.

“Alam mo, mas magaling ka atang magkilay kaysa sakin! Ikaw na lang kaya?” inis na sabi ko. Sumimangot siya at hindi na nagsalita hanggang sa makarating kami sa palengke.

Nagpasalamat ako nang makababa ng tuluyan.

“Ingat Mikael ha? Kita na lang tayo mamaya?” tipid siyang ngumiti at pinaharurot na ang sasakyan.

Ano kayang problema ng isang iyon? Ilang buwan ko nang napapansin na may kakaiba sa kaniya pero kanina lang talaga ako nainis ng sobra. Araw-araw na lang kasi gano'n ang sinasabi niya sa akin.

Alam na rin niya ang totoo kong pagkatao pati ang nangyari sa mga magulang ko noon nang nasa Quezon Province pa kami ay sinabi ko rin sa kaniya. Buong gabi kong inalala ang mapait na pangyayaring iyon na parang kahapon lang nangyari.

“Kumusta ang pagiging buntis?” si Katarina. Umiling ako at binati si Manang at Sunshine na naghahanda na para sa pagdagsa ng mga customer.

“Ok naman po, medyo nahihirapan sa paglilihi pero ok lang dahil nandiyan naman si Mikael,” sabi ko.

“Naku mabuti na lang talaga nandiyan iyang si Mikael at kasama mo. Mahirap maging buntis na ikaw lang mag-isa.” Tipid ko silang nginitian.

Sa halos ilang buwan, sinabi ko na rin sa kaniya kung sino ang tatay ng pinagbubuntis ko. Gaya nila ay tama lang daw ang naging desisyon ko.

Hindi ko sinabi kung anong klaseng tao si Sir Evan, sinabi ko lang na may-ari siya ng bar na pinagtatrabahuhan ko.

Wala na ring saysay ang pagpapanggap dahil wala naman na akong kailangang pagtaguan kaya inamin ko na rin sa kanila ang totoong pagkatao ko.

Akala ko no'ng una ay mag-iiba ang pakikitungo nila sa akin pero nagkamali pala ako. Mas naging malapit sila sa akin nang malaman kung sino ako.

Sinabing ayos lang dahil lahat naman tayo ay may kaniya-kaniyang pinagtataguan, pinaglalaban at higit sa lahat, pinanghahawakang katotohanan.

Natapos ang araw na hindi marami ang customer na pumunta sa karinderya kaya panay ang upo lang namin nina sunshine doon.

Nang makauwi kami ni Mikael ay agad akong nagluto ng gabihan. Bawi ko na rin dahil sa nasabi ko kanina sa kaniya.

Hindi naman ito ang unang beses na ipinagluto ko siya, pero pakiramdam ko ito iyong isa sa pinakamahalaga dahil nasaktan ko talaga siya kanina.

Dahan-dahan akong lumabas at kumatok sa pinto ng apartment niya.

Unang katok ay hindi siya lumabas hanggang sa makatatlong katok ako ngunit wala pa ring bumubukas sa pinto.

Napagdesisyunan kong buksan na ang pinto dahil bukas naman iyon nang halos mapigil ko ang hininga at manlaki ang mga mata dahil sa nakita.

Touch My Soul✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon