Kabanata 9

213 5 0
                                    

Kabanata 9

Offer





“A-ano ‘to?” Binuksan ko ang isang brown na paper bag. Pinapanood lang ako ni Bryan habang nakaupo kami sa may covered court.

“Tagal mo naman buksan,” aniya sa pabirong tono.

“Ano ba kasi ‘to?”

“Basta, buksan mo na lang para malaman mo.”

Pinunit ko ang brown na paper bag dahil naka tape ang ibabaw no’n. Natigilan ako nang makita kung ano ang laman nito.

“B-Bryan!”

“Sa ‘yo iyan. Binili ko para sa ‘yo.” Nakatuon lang ang titig ko sa box ng isang android phone. Touchscreen iyon pero mas latest kaysa doon sa binigay niya.

“Ba’t bumili ka pa? napagastos ka pa tuloy.” Nakakahiya na talaga na siya pa ang nagbibigay ng cellphone sa akin.  Kung tutuusin ay hindi niya responsibilidad na bilhan ako.

“Oo para naman makapag-usap parin tayo. Basta’t ingatan mo na at huwag mo nang hayaang makita ni tita.” Tumango ako at mahigpit siyang niyakap.

Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Bahagya siyang natigilan pero hindi nagtagal ay niyakap na rin ako pabalik.

“Lagi kang mag-iingat ha?” Tumango ako. Palagi naman dahil alam kong ilang buwan ulit o baka isang taon bago ulit siya makapasyal dito.

“Thank you talaga ha?” humiwalay siya ng yakap sa akin. Sumimangot ako nang guluhin niya ang buhok ko sa ulo.

“Wala iyon ano ka ba?”  Nginitian niya ako. Lumabas tuloy ang magkabilang dimples sa kaniyang mata. Mabait talaga si Bryan. Kahit kailan ay hindi niya ako hinayaang masaktan lalo na tuwing naglalaro kaming dalawa.

Kaiba ako sa ibang mga bata lalo na’t walang nagtatagal sa akin na mga ka edaran kong babae. Hindi ko alam kung bakit gano’n. O sadyang ayaw lang nila ng trip ko.

Buti nga at nagtagal pa sa akin si Bryan. Siguro dahil magkapit-bahay rin kami at sabay na pumapasok sa school noong mga nakaraang taon.

Ngayon nakakalungkot na dahil wala naman akong nagiging kaibigan sa klase. Minsan nakakasabayan pero hanggang doon na lang.

Pansin kong iwas sila sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ok lang dahil nandito naman si Bryan. Alam ko naman na hindi niya ako iiwan kahit kailan.

Parang kapatid na nga rin ang turing ko sa kaniya kung tutuusin.

“Hanggang kailan ka dito?” kasalukuyan kaming naglalakad pauwi nang tanungin ko iyon. Yakap-yakap ko ang sirang paper bag kung saan nandoon ang regalo niyang cellphone sa akin.

Wala pa akong balak buksan dahil nahihiya ako sa kaniya kanina. Sinabi ko na sa bahay ko na lang titignan at bukas ay pupunta ulit kami dito para makapag selfie.

“Sa makalawa na,” aniya. Bahagya akong nalungkot. Ang bilis talaga ng oras at araw kapag masaya ka. At kapag malungkot ka naman, sobrang bagal.

Ang daya talaga ng tadhana. Hindi ka hinahayaang maging masaya kahit sa isang buong linggo.

Siguro nga gano’n talaga ang buhay, umiikot lang sa pagiging masaya at malungkot. Kaya kailangang pahalagahan ang bawat araw na lumilipas para hindi sayang.

Para hindi ka magsisi sa susunod na mga araw dahil hindi mo nagawa ang mga bagay na dapat ay ginawa mo no’ng araw na iyon.

“Kailan ka ulit makakauwi?”

“Iyan ang hindi ko alam. Parati naman tayong magkausap ah? Kaya ‘wag kang mag-alala,” napangiti ako nang maramdaman ang palad niya na pumatong sa aking kanang balikat.

Hindi nanaman ako makapaghintay na muli siyang makita sa susunod na pag-uwi niya dito.

“Sis! Tawag ka daw ni Sir Evan sa taas!” natigilan ako habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin.

“Huh? Bakit daw?” nilingon ko si Tricia na nasa harapan na rin ng salamin katabi ko. Nanggaling siya sa labas at baka doon siya sinabihan ni Sir.

“May importante raw sasabihin sayo e,” kumunot ano ng noo pero wala ring nagawa kundi ang iwan siya roon para puntahan si Sir Evan.

Hindi lang mga VIP rooms ang nasa 2nd floor ng bar namin kundi nando’n rin ang office ng tatlong may-ari ng bar na ito.

Wala pang masyadong tao sa loob dahil alas syete pa lang ng gabi. Dinig na dinig sa buong paligid ang isang kilalang opm love song.

Nasa harapan na ako ng pinto kaya tatlong beses akong kumatok doon bago ko narinig ang pagtunog ng doorknob.

Sa harap bumungad sa akin si Sir Evan na mukhang problemado. Nakakunot ang noo niya pero kita kong mas lalong kumunot nang makita ang itsura ko.

Naka Maid uniform ulit kami. Regular na uniform namin sa bar na ‘to. Nag-iiba lang tuwing may mga special event ‘tulad no’ng birthday party noong nakaraang gabi.

“Good evening Sir.”

“Evening…come in.” niluwagan niya ang pagkakabukas sa pinto at pumasok ako sa loob. Halos yakapin ko ang sarili nang maramdaman ang lamig sa kanilang office.

Nakita ko ang tatlong lamesa na para sa kanilang tatlo. Malinis ang mesa nina Sir Albi at Sir Duke samantalang iyong sa kaniya na nasa gitna ay punong-puno ng mga papel.

Ano kayang iba pang business ni Sir at mukhang ang dami niyang inaasikaso?

“Sit here…” nagpasalamat ako nang inalok niya ang upuan sa harap ng kaniyang mesa.

Pinanood ko siyang umikot at umupo sa swivel chair niya bago ako harapin.

“Are you…cold? I’ll switch off the ac.” Malalim ang tingin niya sa damit ko kaya peke akong umubo. Umiling ako at sumagot.

“H-hindi sir ok lang po. Sanay naman na ako,” sagot ko. Nilapag niya ang dalawang braso niya sa mesa at pinaglaruan ang mga daliri bago bumaling sa akin.

“My Family decided to have a reunion….I’m required to attend but I need someone who’ll accompany me.” Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang pakikinig sa kaniya.

“And I think maybe you can come with me?” umawang ang labi ko at nanlaki ang mata.

“P-po?”

Napakamot siya sa batok at iniwas ang tingin bago ibalik sa akin.

“Yes, you heard it right…Pwede ba?” Natigilan ako sa gulat dahil sa pagsasalita niya ng tagalog! Alam naman pala niya!

Akala ko hindi niya alam magtagalog dahil puro English ang sinasalita!

Namamangha akong tinitigan siya at bahagyang ngumiti.

“S-sure po ba kayo? Ako talaga. Si Adelina na-try niyo na bang tanungin?” Kung pamilya niya ang haharapin ko sa reunion na iyon. Mas mabuti pang si Adelina na lang.

Ang ganda-ganda no’n kumpara naman sa akin!

Umiling si Sir at kinamot ang kanang kilay.

“Albion will kill me if I’ll do that.” Natameme ako dahil parang may ibig-sabihin ang sinabi niya.

“’Wag niyo po sanang mamasamain Sir…saan po ba?”

Huminga siya ng malalim bago sumagot.

“Quezon Province.” Natigilan ako. Nanginig ang katawan ko nang marinig ang lugar na iyon.

“I just need someone because my mom will get mad again if I didn’t bring a woman.” Hindi ko na halos maintindihan ang sinabi niya dahil sa pagbabara ng lalamunan ko.

Para akong nasasakal at hindi makahinga ng maayos. Tumango na lang ako sa kaniya at nagpaalam na. Sinabi kong pag-iisipan ko kung sasama ako o hindi.

Hindi ko rin natanong kung kailan siya uuwi sa kanila pero wala namang problema dahil kanina ay kinuha niya ang phone number ko kaya maitetext o matatawagan niya ako kahit anong oras niya gusto.

Wala naman akong ibang ginagawa sa apartment dahil ako lang mag-isa. Nahihiya rin naman ako makihalubilo sa iba dahil hindi ko naman sila kilala.

Panay ngitian lang at batian kapag nakakasalubong ko ang iba pero hindi umaabot sa punto na kung saan ay nakikipagkwentuhan na.

“Pumayag ka na kaya?” si Tricia. Lunes ngayon at wala kaming pasok. Nagpasya akong puntahan siya dahil gusto kong makahingi ng advice kung anong dapat kong gawin.

Walang alam si Tricia sa akin bukod sa pangalan ko, edad, kung saan ako nakatira pero iyong mapait na pangyayari noong bata pa ako ay hindi niya alam.

Walang nakakaalam bukod sa akin. O kay Bryan pa iyan.

“Ayaw mo bang bisitahin ang probinsya niyo?” natigilan ako. Mapait lang akong ngumiti.

“H-hindi naman sa ganoon kaso ba’t sa dinami-rami pa ng lugar sa Pilipinas, sa Quezon pa talaga?” dahil doon rin ako lumaki.

Grabeng sinadya naman talaga ng tadhana at doon rin pinanganak si Sir Evan.

“Wala kang magagawa dahil doon nga ang probinsya nila eh. At saka alam mo ba?”

“Ano?”

“Sa lahat ng boss natin, si Sir Evan pa lang ang nagsabi kung saan ang probinsya niya o kung saan siya pinanganak.” Kumunot ang nook o.

“Huh? Ba’t si Sir Albi? ‘di ba crush mo iyon?” inikutan niya ako ng mata at inayos ang upo sa kama.

“Naku! Iyong lalaking iyon? magsha-share? Eh puro toots lang ang alam no’n!” natatawa niyang sabi.

“Baliw ka talaga!” iling kong sa kaniya.

“Oh ano? Payag ka na! malay mo? makita mo mga chismosang kapitbahay niyo dati tapos mas mababaliw sila dahil makikita kang kasama ang isang mayaman at gwapong lalaki?!”

Hinampas ko siya ng unan dahil sa malandi niyang pagtawa. Nahawa ako kaya natawa rin dahil sa sinabi niya.

“Para namang timang ‘to!”

“Oo nga! Gano’n dapat! Biruin mo? ikaw ang inalok! Ibig sabihin ikaw ang bet ni Sir! Ay pak!”

“Tumigil ka na nga!” natatawa kong saway sa kaniya.

“Basta ba…pasalubong ha?” tumango na lang ako kahit hindi ko naman sigurado na makakabili ng pasalubong sa kaniya.

Nang gumabi na, napag isip-isip ko na wala rin palang problema kung pumayag ako sa alok ni Sir. Siguro matitigil na ‘tong takot ko at mababawasan kung haharapin ko ulit ang bayan na ‘yon.

Kinabukasan nang makapasok na ulit sa trabaho….kumbinsido na ako.

Sasama na ako kay Sir para na rin kahit paano ay mabisita ang lugar kung saan malaki rin ang naging bahagi sa buhay ko.

Touch My Soul✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon