CHAPTER 13

3K 142 114
                                    

Chapter 13


Hanggang sa matapos ang klase ay hindi ko pinansin si Hades at sa tuwing magtatama ang aming paningin ay iniirapan ko lamang ito

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Hanggang sa matapos ang klase ay hindi ko pinansin si Hades at sa tuwing magtatama ang aming paningin ay iniirapan ko lamang ito.

Nalaman ko din na ang pangalan ng lalaking nasa tabi ko ngayon ay Lunnox Jared. Isang masungit at nakakaasar na lalaki pero nalaman ko din na maganda din kasama ang lalaking ito. Sumasabay siya sa trip at pareho kaming malakas ang trip, sa una hindi mo mapapansin pero kapag naging close na kayo ay doon na lalabas ang tunay nitong ugali.

Kanina, habang nagka-klase ay panay ang daldalan namin at kita ko din kay Hades na sobrang badtrip na ito sa amin. Doon pa lang alam kong nakabawi na 'ko pero hindi pa sapat iyon, ang gusto ko magtanda s'ya dahil sa pangangabet n'ya.

And again, ng magtama ang paningin namin ni Hades ay inirapan ko lang ulit ito.

"Hoy, tuloy ba yung plano mamaya?" Singit ng katabi ko pero inismiran ko lang siya.

Naba-badtrip na naman ako dahil hanggang ngayon ay nakadikit pa din sa kanya ang kutong lupa na iyon. At hindi pa nakuntento at isinabit pa ang katawan nito sa braso ng nobyo ko. Hindi na pala ito kutong lupa ngayon kundi isa na itong linta! Ngayon ko lang nalaman na p'wede palang maging linta ang isang kutong lupa.

"Tuloy tayo pero hindi ngayon, bukas kaya maghanda ka sasabak tayo sa gera." Biro ko dito at sabay na naman kaming natawa. Natigil lang kami sa aming tawanan ng biglang lumapit si Hades sa amin at nakasunod pa din ang linta na iyon, ano s'ya buntot ni Hades?

Seryoso ang aura ngayon ni Hades at kung ngayon mo lang ito nakilala aakalain mo na seryoso itong tao at hindi inosente.

Napalunok ako pero hindi ako papayag na hindi makaganti. "Cassie, let's go ihahatid na kita. Diba kila Ru ka nakatira ngayon? Sinabi niya kanina at hindi ka daw n'ya maihahatid pauwi ngayon kaya ibinilin ka niya sa akin." Sambit nito pagkalapit pero umiling ako.

Ayoko munang sumama sa kanya hanggang bukas, paniguradong rurupok 'agad ako kapag nagkataon.

"Sorry Hades, may pupuntahan kasi kami ngayon ni Lunnox, diba?" Hila ko sa braso ni Lunnox na wala ng nagawa kundi ang tumango, bumalik na naman ito sa pagiging seryoso hindi katulad kanina ng kami lang na nakikipag-biruan pa siya sa akin.

"Oo pre, may gagawin pa kasi kami ni Cassie." Nakangising sambit ni Lunnox kaya napangiwi ako, alam ko na inaasar nito si Hades sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng double meaning sa sinabi.

Pero hindi na ako magugat kung hindi ito maintindihan ni Hades. Masyado itong inosente para maintindihan kaagad ang sinabi nito. "Saan kayo pupunta?" Kunot noong tanong nito pero sabay lang kaming nagkibit balikat.

Sumama ang tingin sa akin ni Hades kaya 'agad akong nag-iwas ng tingin.

Parang anytime ay lalapain ako nito bigla. "Hades ako nalang ang ihatid mo." Malanding singit ng linta kaya napa-irap na naman ako. Singitera kaya pala mukhang singit.

"Sorry Natalie, pero hindi ko kasi p'wedeng hindi iuwi si Cassie magagalit sa akin ang pinsan niya." kakamot-kamot sa ulong nitong pag-tanggi tila ba nahihiya ito na hindi niya ito maihahatid.

Aba! At ikaw pa ang nahiya Hades? Grabe ka naman sa kabaitan mo.

"Hindi na Hades, sige na ihatid mo na si natalisod pauwi." Singit ko dahil nakakahiya naman kung hindi siya ihahatid ni Hades

"Hey! It's Natalie not natalisod you bitch!." Muntik na 'kong matawa dahil sa bigla nitong sigaw kaya yung ibang student ay napatingin sa amin.

"I thought it's natalisod, sorry my bad." Pang-aasar ko dito sabay ngiti ng nakakaasar. Lalapitan na sana ako nito ng bigla siyang hinila ni Hades upang pigilan siguro pero itong linta na ito nagpatangay at kunwari ay natalisod kaya ang ending? Bumagsak sila at nasa ibabaw ang linta.

Kita ko pa ang pasimpleng pag-himas nito sa tiyan ni Hades kaya hindi na ako nakatiis at agad na itinulak ang malandi sabay hila kay Hades.

Hindi ako papayag na abusuhin ng mga ito ang kainosentehan ng boyfriend ko! Syempre except sa akin, ako lang ang p'wede duh?

**

Hanggang sa makarating kami sa parking lot at hila hila ko pa din s'ya. Pagpunta namin sa isang liblib na parte ng parking kung saan walang masyadong tao ang dumadaan ay kaagad kong binutawan ang kamay niya.

Masama ang tingin ko sa kanya pero ganoon din ang ibinigay niya sa akin. Nagtititigan kami pero hindi ako magpapatalo.

Hindi ako makakapayag na hindi matuloy ang plano kong pagpapaselos dito bukas, kailangan kong makabawi!

"What's your problem? Bakit ka ganiyan? Ano ba ang ginawa ko." Seryoso nitong tanong habang matamang nakatingin sakin at ganoon din ang ginawa ko.

Pero lumipas ang tatlong minuto ay ako din ang 'agad na umiwas, hindi ko kaya ang nakakatakot nitong aura.

"Doon ka sa linta na iyon, magsama kayong dalawa wala na akong pake!" Pasinghal kong taboy sa kanya habang hindi pa din nakatingin.

"Look, hindi ko napansin na hindi ikaw 'yung katabi ko kanina okay? Hindi ko sinasadya." Parang frustrated na paliwanag nito.

Hindi pa din ako tumitingin sa kanya dahil talagang nakaka-intimidate talaga ang mga tingin nito.

"Wala akong pake! Magsama kayong dalawa, wala akong pake!" Naiirita kong sigaw sabay tingin dito at sinalubong din ng galit na tingin ang kaniyang mga mata.

Kumunot ang noo nito at mas lalong sumama ang mga tingin sa akin, "Yeah, oo nga naman wala ka nga palang pake sa akin. Kasi in the first place, I'm just your trip nothing more and nothing less. You're just amazed by my innocence because you find me challenging. Am I right?" Tila naputol ang aking dila at walang maisagot sa napaka-daling tanong nito.

Hindi ko na naman kinaya ang mga tingin nito at napaiwas na lang ulit ako ng tingin. Ganoon na lamang ang gulat ko ng bigla ako nitong isandal sa pader ang isang kamay nito ay nakatukod sa aking gilid habang ang isa ay nasa aking bewang.

"Remember this Cassie, the day you come and carved in my life, you're mine. "

And then, he kissed me...

My Innocent boyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora