CHAPTER 18

2.2K 74 40
                                    

Cassie P.O.V

"MOTMOT? HA! THE F*CK?!"

"Bibig mo, hoy! OA naman nito," natatawang sambit ko dahil sa reaksiyon n'ya.

Para namang big deal 'yong sinabi ko. Tinawag lang sa nickname grabe na kung maka-react?

"Nalingat lang ako saglit may bago ka na 'agad boyfriend? P'wede ba 'yon dalawa boyfriend mo?" Hindi ko alam kung inosente ba 'to nagpapanggap lang.

Kanina kung makamura wagas, ngayon kung makapagtanong parang walang muwang sa mundo.

"Pare, kung boyfriend lang naman ang usapan ay ako na ang panalo. Bata palang kami boyfriend na n'ya ako," biro ni MotMot.

Nakita ko naman ang mabilis na pagsama ng mukha ni Hades. Bakit ang hot nito kapag nagagakit? Enebe!

Sherep-sherep.

"So, dalawa tayong boyfriend n'ya? Ayaw ko! Akin lang si Cassie!" tila nagta-tantrums na sagot pabalik ni Hades.

Sige, pag-agawan n'yo lang ako, hihi.

"Argh! Bakit kasi kailangan nandito pa tayo? Umuwi nalang kaya tayo?" baling na tanong sa akin nito.

"Sira ang sasakyan n'yo paano kayo uuwi? Umuwi ka tapos si Katkat dito matutulog." Mabilis kong sinamaan ng tingin si Timothy dahil sa kalokohan nito.

Alam naman niya na naiinis na sa kan'ya si Hades aasarin pa lalo. Hindi pa rin nagbabago puro kalokohan pa rin.

"Fine! Tara na, pinaglatag tayo ni lola ng higaan." Sabay hila sa akin ni Hades papunta sa isang bakanteng kwarto. "What are you doing? Why are you following us? Don't tell me you will sleep with us?" sunod-sunod na tanong ni Hades ng makitang nakasunod pa rin sa amin si Motmot.

"At bakit kayo magkasama sa iisang kwarto? At kailan pa nagka-boyfriend itong si Katkat e tomboy 'to? Hindi s'ya p'wedeng tumabi sa'yo." sunod-sunod din na tanong ni Motmot.

Aba't nasabihan pa ako na tomboy, ang kapal talaga ng lalaki na 'to.

"Wala kang pake kung magkasama kami sa iisang kwarto at mas lalong wala kang pake kung kailan nagka-boyfriend ang Baby Cassie ko, epal nito mukha ka naman tae!" Ano raw? Baby?! Eww, cringe.

"Baby dito ka lang, huwag kang titingin sa panget na 'yan baka magka- sore eyes ka pa," utos ni Hades habang nakayakap sa akin at tinatakpan ang aking mata. "Kayo na nga bwisita rito, kayo pa may ganang magsabi na panget ako? Palayasin ko kaya kayong dalawa?" tila inis na sagot ni Motmot.

Isa sa mga ugali ni Timothy ang asar talo kaya hindi na ako magtatakha kung bakit nag-aaway ang mga ito ngayon, halata namang mga isip bata.

"Who cares about what you are saying?" halata sa boses ni Hades ang pang-aasar bago kami pumasok sa loob ng kwarto. "So, you don't care? Sayang ang dami ko pa namang alam tungkol kay Cassie. Like kung sino ang ex n'ya, saan s'ya naa-attract at kung type ka nga ba talag n'ya." Pagkatapos sabihin ni Timothy 'yon ay bigla nalang napatigil si Hades at tila lumipad ang isip sa kung saan.

"Okay, who is her ex-boyfriend?" seryosong tanong ni Hades habang straight na nakatingin sa mga mata nj Timothy.

"Why should I tell you? Hindi ba wala ka namang pake sa mga sinasabi ko?" pang-aasar pa lalo nito, loko talaga.

"That's just a joke, now te---

"Mga apo, kumain muna kayo bago kayo matulog," putol ni lola sa dapat na sasabihin ni Hades. Pfft! LT naman dito, mukhang mag-eenjoy ako sa mangyayari ngayong gabi ah?

"Sige po lola susunod po kami," magalang na sagot ni Timothy bago tumingin sa amin. "Kung gusto mo talagang malaman kung sino ang ex ni Cassie, then let's eat and talk about it while eating," nakangising saad nito bago nauna sa amin.

"Huwag mo na lang pansinin 'yung mg sinabi ng kupal na 'yon, iniinis ka lang n'ya," sabi ko sa kan'ya bago sumunod sa kanila.

Magkasunod kaming umupo ni Hades sa hapag at mabilis naman kaming pinaghain ni lola. "Nako lola, kami na po nakakahiya naman," sabi ko dahil kanina pa kami inaasikaso nito.

"Ano ka ba ayos lang, bisita kayo at mukhang kaibigan rin kayo ng aking apo," nakangiting paliwanag nito kaya wala na kaming nagawa.

"So, ano ang gusto mong marinig? Kung anong pangalan ng ex ni Cassie or kung anong itsura n'ya?" kaka-start pa lang ng pagkain ay bigla ng dumada si Timothy.

Mabilis ko itong sinamaan ng tingin dahil alam ko na kaagad ang iniisip n'ya, kapag talaga kalokohan active na active ito. "All. I want to know all about her ex," seryosong sagot naman ni Hades. Lintik na 'yan, nakikisakay naman 'tong si Hades halata naman na s'ya lang maaasar mamaya.

"Whoa easy boy, hindi naman ako ang ex pero bakit parang sakin ka may galit?" pasukong sambit ni Timothy.

Para naman akong tanga rito na patuloy lang sa pagkain at pagsenyas kay Timothy na tumigil na pero tila wala itong pake.

"Ang dami mo pang satsat, siguro wala naman talaga 'no?" parang bata na nagdududang sambit ni Hades.

Ang cute talaga, sarap kurutin ng pisngi!

"Kung ayaw mo maniwala na meron edi huwag, akala ko pa naman curious ka sa ex ni Cassie na si Ace~" pakantang dada na naman nito.

"Tumigil ka na Timothy." naiinis na bulong ko rito at iniiwasan na marinig ni lola. "Why not? Ayaw mo ba malaman ng boyfriend mo ang tungkol sa pinakamamahal mong ex-boyfriend? I'm sure curious siya kung sino ba 'yon at bakit kayo nag-break, hindi ba?" sabi nito sabay harap kay Hades.

Tinignan naman ako ni Hades bago tumango na tila naghahanda na sa maririnig.

Bahala na nga sila sa buhay nila, arrgh! Paniguradong tatanda ako ng maaga kapag laging magkasama 'tong
dalawa na ito.

"He's Noah, I think same lang sila ng age ni Cassie. Hindi ko talaga s'ya na-meet in person pero isa lang ang napansin at masasabi ko," pabitin na saad n'ya.

Alam ko na ang sasabihin nitong kupal na 'to! Loko talaga..

"Ano? Just tell me already!" bugnot na utos ni Hades na tila nauubusan na ng pasensya dahil sa bitin.

"You and him have similar faces..."

***
Sabaw update for all of you HAHAHAHA

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Jan 08, 2023 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

My Innocent boyfriendWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu