CHAPTER 16

2.5K 113 25
                                    

Cassie P.O.V

Namamangha akong nakatingin ngayon sa likod ni Hades habang naglalakad papunta ulit sa bahay nila lola.

Hindi ako makapaniwala na sasama siya pagkatapos ng nangyari kani-kanina lang, hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil doon.

Nakakainis! Mas lalo akong napapalapit kay Hades at alam ko na masama ito, hindi ito p'wede dahil baka kung ano pa ang mangyari.

"Pasok mga ineng, magbihis na kayo at magluluto ako sana ay walang away na maganap habang ako'y wala." Nakangiting sambit ni lola bago naglakad papuntang kusina yata nila.

Natahimik kaming tatlo at nakikiramdam, shocks this is so awkward.

"Cassie ituturo ko muna sayo ang pagbib-

"No need, doon kami sa kwarto ng anak ni lola." Biglang pigil ni Hades sabay hapit nito sa akin palapit sa kan'ya.

"Pero okay lang ba na sa iisang kwarto kayo magbihis?" Nag-aalangang tanong ni Bryan sabay tingin sa akin.

Sasagot na sana ako ng bigla akong unahan ni Hades, ano ba naman itong lalaki na ito? Walang good manners.

"Yeah, anong problema? We're in a relationship."

Enebe!

'wag kang gan'yan Hades mas lalo akong nafa-fall sayo.

"Okay? K-kayong bahala pupuntahan ko nalang muna si lola." Parang nahihiyang sambit ni Bryan at dali-daling umalis sa aming harapan.

Sinamaan ko naman ng tingin si Hades dahil sa kaniyang inasal, grabe ang lalaking ito bakit parang iba siya ngayong araw? Parang ang sungit niya ngayon may regla ba siya?

"Come on walk o gusto mo na buhatin kita?" Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako ngayon sa harapan niya.

Ano ba naman Cassie umayos ka nga!

"A-ah oo." At naglakad na ako papunta sa kwarto na pinuntahan namin ni lola kanina, siguro ay nakita ni Hades na dito kami lumabas ni lola kanina kaya alam niya ang pupuntahan.

Pagkapasok namin ay parang may anghel na dumaan,wala kaming kibuan at parang bigla akong nahiya.

Hindi ko alam pero iba talaga ang awra ngayon ni Hades.

"Magbihis ka na o baka naman gusto mo na ako pa ang magbihis sayo?" Masungit nitong tanong.

Ano ba talaga ang problema niya?

"Hades anong problema? May nagawa ba ako? Bakit ka ganya kanina naman ay ayos tayo bago tayo pumunta dito." Tanong ko ng hindi na ako nakatiis.

"Akala mo lang ayos tayo, don't you remember? Bago tayo magpunta dito may issue tayo with that Lunnox boy then now this? Bryan boy?" Tila hindi makapaniwalang tanong nito.

W-what? Lunnox boy? Bryan boy?

What the hell!

"What do you mean? Anong issue ang sinasabi mo, sa pagkakatanda ko wala tayong problema kay Lunnox at ikaw lang ang may problema kay Bryan." Natatawang paliwanag ko dahil iyon ang totoo.

Wala kaming problema kay Lunnox at kaibigan ko ito samantalang siya ang may kaaway kay Bryan.

"Are you trying to make me laugh? If yes then it's not funny you know." Tila naiirita nitong tugon kaya napakunot ang aking noo.

My Innocent boyfriendWhere stories live. Discover now