CHAPTER 9

3.5K 191 23
                                    

Chapter 9

Nandito kami ngayon ni Hades sa canteen at simula ng sabihin niya iyong you know hindi na ako nito inimik.

Pero hindi din naman niya binitawan ang kamay ko. Tahimik lang ito habang bumibili kami ng pagkain hanggang sa makaupo kami sa inupuan namin kahapon.

Nakatingin ako sa kaniya pero ito? Ni hindi man lang ako binibigyan ng kahit isang kakarampot na tingin.

Napanguso ako dahil doon. Grabe naman itong lalaki na ito! Nakakatampo

Hmmp!

Napairap nalang ako at umiwas ng tingin, pero sa huli ako pa din ang talo.

Binalik ko agad ang tingin ko sa kaniya at nakanguso itong kinalabit.

Binigyan lang ako nito ng sandaling sulyap lang at binalik na ulit ang tingin sa pagkain.

Sinamaan ko naman agad ng tingin ang pagkain na kinakain noya ngayon. Ang kapal ng pagkain na ito para ito ang pagtuonan ng pansin ni Hades.

Gigil kong hinila ang kamay ko na hawak niya kaya napatingin ulit siya sa akin habang nakakunot ang noo pero inismiran ko nalang siya at kumain na.

Maya-maya ay biglang umingay ang canteen kaya napabuntong hininga ako dahil alam ko na dumating ang mga kaibigan ni Hades. Isa na doon ang pinsan ko-na hindi alam ni Hades.

"Yo, wazzup? Aba! Kasama pa din ni Mr. Innocent ang kasama niya kahapon." Nakangising sambit ng isa sa mga ito kaya napasimangot ako.

Ayoko sa nakikita kong ugali nito, isang tingin palang alam mo na playboy na ito.

"Wews." Reaksiyon din ng isa habang si Ru ay tahimik lang sa gilid at panay ang iwas ng tingin sa akin.

Aba dapat lang! Pagkatapos niyang mag-cutting kahapon at kanina? Lagot talaga ito sa akin!

"Hoy Ruel? Bakit hindi ka na nakaimik diyan? Aba kapag ganitong usapan ikaw ang pinaka- active ha?" Pansin nito sa aking pinsan pero pinagpawisan ito bigla at umiwas ng tingin.

"Teka, don't tell me takot ka dito kay miss beautiful?" Namamanghang tanong nung parang playboy at binigyan naman siya ni Ru ng isang death glare pero ako? Nakangisi lang dahil totoo ang sinabi nito na takot siya sa akin.

"A-ako? Takot s-sa panget na iyan? Ulol!" Gusot ang mukhang sambit nito kaya napasimangot ako.

Ang kapal naman ng lalaking ito! Ako? Panget?

"Ako? Panget? Baka gusto mong ipagkalat ko n--- hmmff!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nitong takpan ang aking bibig gamit ang dalawang kamay niya.

Mahigpit pa ito kaya hindi talaga ako makawala.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa loob ng canteen pero itong loko kong pinsan ayaw pa din akong pakawalan kahit na anong gawin ko.

"Hmmff!" Kawag ko at pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero dahil lalaki siya ay wala akong laban.

"Can you please stop flirting with each other?" Biglang lumuwag ang hawak sa akin ni Ru ng marinig namin ang sinabi ni, sino pa ba? Edi si Hades.

Teka, ano daw? Landian? Kami ni Ruel? Pfftt! Sabog ata itong si Hades.

Nagkatinginan kami ni Ruel at mukhang pareho kami ng iniisip dahil kota ko sa mukha niya na nagpipigil din ito ng tawa.

My Innocent boyfriendWhere stories live. Discover now