THIRTY

77 12 3
                                    

November 2020
(Tuesday)

(Japs POV)

pagkatapos namin mag usap ni ash ay nagpaalam na siya agad sakin.

sinabi kong ihahatid ko siya pero tumanggi ito dahil nakapag book na daw siya ng grab.

umikot ako saglit para tumingin tingin pero parang lumilipad padin ang isip ko dahil sa mga napag usapan namin ni ash kanina.

bigla ko namang naisip yung milktea shop kung saan ako niyaya noon ni steph.

maraming milktea shop dito sa mall pero special sakin ang lugar na iyon dahil doon ko nakilala ng lubos si steph.

agad akong nagdrive papunta doon.

madami pading tao doon kahit na 9:30 pm na dahil nga siguro ito ang pinaka sikat na milktea shop dito sa cavite.

naupo na muna ako saglit at hinanap ko talaga ang pwesto namin noon ni steph.

natawa ako nang maalala ko ang kabaliwan na ginawa ko sa harapan ni steph noon para lang mapatawa ko siya at mawala ang ilang nya sakin.

doon palang ay humanga na ako kay steph dahil kung ibang babae iyon ay siguradong madidiri sa pinaggagagawa ko.

tatayo palang sana ako para umorder nang bigla kong makita si steph na papasok dito.

hindi ko alam pero umalis ako at lumipat ng ibang pwesto para hindi niya ako makita o mapansin.

nang makaupo na siya at nakaorder na ay nakatitig lang ako sakanya.

nagtaka naman ako kung saan ito nanggaling nang ganitong oras.

nang tawagin na ang pangalan nya ay tumakbo ako at binayaran ang order nya.

nakita ko naman siyang tumayo na at palapit sa counter kaya sa ibang parte ako dumaan.

agad ko namang nilagay sa table ang order nya at nag ipit pa ako ng maliit na letter sa ilalim ng cupcake nya.

palabas na ako ng shop nang marinig ko ang pagtataray ni steph sa cashier kaya medyo natawa ako dito.

sorry miss,nadamay ka pa sa gimik ko.

bulong ko dahil nasigawan pa tuloy ang nananahimik na cashier.

pero natuwa ako nang biglang bumawi si steph sa cashier at nagsorry pa dito.

nagpunta na ako sa parking area at nilipat ang kotse ko sa tabi ng kotse nya.

hinihintay ko naman na dumating siya.

palapit palang siya sakin nang biglang bumagal ang paligid.

hindi ko alam kung mabagal ba talaga siyang maglakad o ako lang nag iimagine nito.

pinilit kong bumalik sa wisyo nang makalapit siya sakin.

are you stalking me?

pagkatanong nya nito ay natawa ako hindi dahil pinagtatawanan ko sya kundi dahil ang cute nya talaga kapag nagsusungit siya.

no,bakit ko naman gagawin yon?

sagot ko naman sakanya.

nakataas pa ang kilay nito sakin at nagsalita pa ulit.

o-okay so anong ginagawa mo dito sa cavite?d-diba taga bulacan ka ho?

ramdam kong pinipigilan nyang mautal pero na halata ko padin ito sakanya.

tagktak at tulo ng tulo naman ang pawis nya kaya kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at tsaka lumapit sakanya.

here,magpunas ka ng pawis mo.

Sino?Where stories live. Discover now