FORTY EIGHT

85 11 2
                                    

AUTHOR'S NOTE

[Please listen to Hanggang Dito Na Lang by FRIO while reading this part]

JANUARY 2021
Steph's 22nd Birthday
(Saturday)

(RJ's POV)

Gustuhin ko mang maging masaya ngayon dahil birthday ng babaeng mahal ko.

pero may parte padin sa puso ko na malungkot ako dahil hindi ko na pwede pang ipakita ang nararamdaman ko para sakanya.

nakahanda na kami para sa pagdating niya.

pagbukas ng pintuan ay agad kong nasilayan ang kagandahan niya.

bagay na bagay sakanya ang suot niya.

nakikita ko din ang malaki nyang ngiti na nakapagpapadagdag sa kagandahan niya.

nang yakapin siya ng lahat ay nag aalinlangan pa ako nung una na yakapin din siya dahil baka naiilang siya sakin.

nang lumapit siya sakin para yakapin ako ay hinigpitan ko na ang kapit ko sakanya.

happy birthday steph,bagay na bagay sayo ang suot mo,i-i m-miss you,but i know na hanggang dun nalang yun.

hindi siya umimik at nanatili lang siyang nakakapit sakin.

nang kusa na siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin ay parang ito nadin ang oras at panahon na kailangan ko nadin siyang bitawan.

habang kumakain ang lahat ay hindi ko maialis ang tingin ko sakanya.

maya maya lang ay biglang may nagdoorbell.

si steph na ang nagbukas nito.

agad nag iba ang ekspresyon ng mukha ko ng makita ko kung sino ang iniluwa ng pinto.

tumayo ako para batiin siya.

ngumiti ako sakanya kahit na pilit lang ito.

kung dati ay lahat halos ng bagay ay nasasabi ko kay japs,ngayon ay parang nagbago na ang lahat sa pagitan namin.

naupo siya sa tabi ni steph at kumain nadin.

parang tinutusok ng paulit ulit ang puso ko habang nakatitig lang sa kanilang dalawa.

kitang kita ko naman ang mga ngiti at tawa ni steph habang magkausap silang dalawa.

kahit kelan ay hindi ko ito nasilayan sakanya habang ako ang kasama at kausap niya dahilan para mas lalong kumirot ang puso ko.

pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko habang nakikita ko na ang taong dati lang ay ako ang kasama ay sa iba na ngayon sumasaya.

ngayon ay nararamdaman ko na ang naipadama ko sakanya noon na ang sakit sakit pala makita ang isang taong alam mong nagpapasaya sayo noon ay ang dahilan ngayon ng kalungkutan mo.

masakit ba?

napalingon ako ng may magsalita sa tabi ko.

alam mo ng masakit tapos titig na titig ka pa sa kanila.

nakatitig lang ako kay angel habang sinasabi niya ang mga salitang ito.

hindi siya lumilingon at nakatitig lang sa kawalan,pero alam ko namang ako ang tinutukoy niya dahil kaming dalawa lang ang magkatabi dito.

Sino?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant