THIRTY ONE

77 8 0
                                    

November 2020
(Wednesday)

(Steph's POV)

8am na nang magising ako.

parang bitin pa ako sa tulog pero sanay naman na ako kaya naligo na agad ako at nagbihis.

habang nasa bathroom ako bigla kong naalala na nandito nga pala si japs.

hindi ko naman siya napansin kanina sa kama dahil nawala talaga sa isip ko na may kasama pala ako.

pagkalabas ko ay sobrang bilis kong kumuha ng damit dahil baka nandito pa siya.

pero wala na at nakaayos nadin ang hinigaan nya kagabi.

napabuntong hininga naman ako at nahiga muna sa kama,habang nakababa lang ang mga paa ko sa sahig.

bigla ko namang naalala ang mga nangyari kagabi.








FLASHBACK

CHAPTER 30

sobrang hiyang hiya ako sa harapan ni japs na nakita nya akong sobrang pawis na pawis.

hindi ko maintindihan kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang makita ko na siya pala ang nandito sa tapat ng kotse ko.

nang makauwi kami sa condo ko ay hindi ko masabi sakanya na wala siyang matutulugan at no choice na ako kaya dito ko lang siya sa kwarto ko pwede patulugin.

hindi naman ako nakaramdam ng kahit na anong ilang kahit na alam kong nasa isang kwarto lang kami.

habang nasa bathroom siya ay nakita ko pa ang mga panyo at bulaklak na bigay nya sakin na nasa table ko kaya nagmadali akong kunin iyon at itago.

hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko ang isang pirasong red rose na iniabot nya sakin nung araw na sinama ko siya sa lifetime land.

sobrang lanta na ito at hindi na makilala na red rose pero maganda padin ito sa paningin ko.

hindi ko alam pero ayoko itapon iyon,hindi ako sobrang mahilig sa bulaklak pero para sakin napaka halaga nito kahit na alam ko naman na wala lang sakanya nung binigay nya sakin ito.

may dalawa nadin akong tinatagong panyo galing sakanya,at ngayon nadagdagan pa ng isa dahil kanina lang ay binigay nya sakin ang panyo nya para sa pamunas ng pawis ko.

nilagay ko din dito yung maliit na note na iniwan nya kanina sa ilalim ng cupcake.

bigla naman akong natulala sa isang pang box na katabi nito.

pagbuklat ko nito ay may laman itong note,paracetamol at kool fever patch.

biglang pumasok sa isip ko kung sino ang nagbigay sakin ng lahat ng ito.

sino ka ba talaga unknown guy?gusto kitang makilala.

bulong ko sa sarili.

nang marinig ko na tumutunog ang door knob ng bathroom ay agad ko nilagay sa loob ng cabinet ko lahat ng mga iyon.

huli na ako at nakita nya na akong nakatayo doon.

tumakbo ako at palundag na humiga sa kama at tumalikod sakanya.

alam ko na ang pangit ko tingnan nung ginawa ko iyon pero wala na akong choice kundi gawin yon para hindi nya mahalatang iniiwasan ko siyang makausap.

nagtulog tulugan ako pero nakita siyang nakatingin sakin.

kaya tinalikuran ko siyang muli at sa kabilang side naman ako lumingon.

hindi ako makatulog.

hindi ko din alam kung bakit.

Sino?Where stories live. Discover now