Camp part 3

955 19 5
                                    

As I woke up, Locket was not there and it is only four thirty in the morning. I fixed my hair and went down the stairs kahit na madilim pa at wala ng ilaw ang gasera. Hanggang ngayon kasi wala pa ding kuryente sa lugar nila.

Nakita ko na may nakahanda ng kapeng pang-timpla, mainit na tubig at pandesal sa lamesa na may kasama pang pritong itlog. I supposed nanay Maryela prepared it.

I look for them around the house but they are not there anymore. Nauna na siguro sila sa bukid, kailangan ko na din siguro sumunod sa kanila dahil nakakahiya naman na magaagahan ako ng wala sila.

Paakyat na ko ulit sa kwarto para magpalit ng damit ng biglang sumulpot si Locket. Galing sya sa labas, wala syang suot na pang taas which revealed his upper body as well as his abs.

Ayokong mag-blush sa harapan nya kaya umiwas na lang ako ng tingin.

"Good morning." binati ko sya para naman di nya mahalata na medyo naiilang ako sa itsura nya. Mukha syang pawisan, anu naman kaya ang ginawa nya sa napaka-aga na oras na to.

"Good morning, I prepare breakfast. You'd better eat first then we will follow them sa palayan. Nakapagigib na din ako ng tubig kaya kung gusto mong maligo, punta ka na lang sa banyo." sya pala ang naghanda ng pagkain, simple lang pero nakakatuwa lalo na kung di mo inaasahan sa isang tao na gagawin nya yun.

I've been discovering a lot of things about him because of this camp.

"Thank you" I take a sit at the small chair beside the wooden table and started to make my coffee. At dahil marunong ako maka-appreciate, I asked him if he wants some coffee also and he said yes so I prepared another one for him.

Umupo sya sa kabilang upuan kaharap ko but this time, thankfully, he is wearing a a gray v-neck shirt. Kinuha nya ang kape na tinimpla ko at tinikman agad. He didn't tell me kung anung klaseng timpla ang gusto nya kaya nagexperiment na lang ako, hindi din naman talaga ako umiinom ng kape, I am more of tea.

Pagkatapos nyang lumagok ng kape nagbigay agad sya ng comment, as usual.

"Gusto mo ba kong magka-diabetes, parang nagtimpla ka ng asukal na may kape.Sobrang tamis." kinuha nya ang coffee powder at tinimplahan ulit ang kapeng binigay ko sa kanya.

"Hindi mo naman sinabi ang gusto mong timpla atsaka, this is the first time I make a coffee for someone, even for myself." tumingin sya saken na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. But after giving me a 'oh really?' look of his face tinuloy nya na ang pagtitimpla, ulit.

"More coffee, less sugar, no creamer. That's the way I want it." then he is done. Ako naman ang tumikim sa tinimpla kong kape, tama sya ang tamis nga masyado kaya tinimplahan ko din ulit yung kape ko. He laughed at me, because he proved that he is right again. One topic goes to my mind and I know it is too early to ask about this but I am worried.

"Have you heard from Ela?" parang hindi nya narinig ang tanong ko because he doesn't show any reactions.

"Nakarating na sya ng Gates, Adriane called me." tuloy lang sya sa pagkain nya and he is not even looking at me.

"Bakit ba bigla na lang syang pinauwi ni first master?" I want to know what happened, I also want to know kung anung anu pang pinagusapan nila kagabi but I know that will be too much. I've seen enough for myself.

"She shouldn't be here. Mas kailangan sya sa Gates and Adriane doesn't know she is here kaya pinasundo nya si Ela kagabi. For sure, he doesn't like what she did." parang nakaramdam ako ng konting takot sa sinabi nya, may consequence kaya sya.

I hope none.

"She will be leaving Gates on Sunday, a member of the Alpha sponsored her para ituloy ang pagaaral nya. She will be studying in New York at may chance na sa Head Gates sa New York na din sya magstay. That is the mother house of all the Alpha members." yun pala ang ibig sabihin nya kagabi na baka huling beses na nilang magkita. I understand kung bakit sya sumama kahit na hindi dapat. She wanted to be with Locket, but unfortunately she was left with sad memories.

the UnexpectedWhere stories live. Discover now