Simula

155 5 2
                                    

Misa's POV

Takot akong lumayo, tumatakbo palayo sa mamamatay taong 'yon. Napansin kong sinusundan niya ako kaya saglit akong nagtago sa malaking puno na nadaanan ko.

Hindi ko maaninag kung sinundan ba niya ako o hindi kaya nagtagal ako roon. Dala na rin nang takot ay hingal akong napaupo. Sinapo ko ang puso kong mabilis ang tibok.

What am I going to do? I just seen her killed two innocent people. Maybe they planned something to me but that doesn't mean they deserve to die like that. Merciless and ruthless. They betrayed me but she betyared me more.

Nang mapansing wala namang kakaiba sa paligid ay mabilis akong umalis sa pinagtataguan ko. Iika-ika akong naglakad, mabuti't gabi na… wala masyadong tao ang makakapansin sa'kin. Lalo pa't galing naman ako sa sementeryo.

Nang maalala ko lahat nang nangyari, parang bumalik lahat sa akin. Unti-unting nag-sink in ang dahilan kung bakit nila plinano 'yon. Galit sila sa'kin. Dahil kay Papa? Anong ginawa niya para gantihan nila ako nang ganito?

Hapo at pagod ako nang huminto sa harap ng bahay namin. This house reminds me of everything. How she became the odd in my darkest days.

One look in my face and everyone will know how anxious and flabbergasted I am. Kaya mabilis kong tinakbo ang pagitan hanggang sa makapasok sa'ming bahay.

Sinuyod ko ang bawat sulok, inaalala ang lahat nang nangyari sa nakaraan. What happen to us? We used to be a happy family and this barrio used to be a home. Where you can find love. And now? It's all worn-out!

I still wonder, what did Papa do to make them hate me? To the extent that they planned to kill me. Sino ba talagang may kasalanan ng lahat?

Padarag kong binuksan ang pintuan kung nasaan si Papa. This used to be my favorite room in our house because Papa is my favorite. He's the first man I love, still is.

He was my first comfort. I trust him with all my heart. I'm his princess and I expect that didn't change. But one thing made our family a wreck.

And how come I don't remember it? What really cause our family's downfall. Ano ba 'yung mga bagay na tinatago nila sa'kin? Ano 'yung kasalanan na ginawa nila? At totoo bang pinatay ng pamilya namin ang asawa ni Kagawad Keller… na ama ni Cario. Ang unang lalaking nagustuhan ko.

The one I thought will be the moon of my darkest nights. The same friend that betrayed me.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita si Papa. Saglit ko pang nilibot ang buong kwarto niya. Na siyang dating kwarto nila ni Mama. Naalala ko na halos araw-araw dito natutulog. Sa pagitan nilang dalawa at sabay nila akong niyayakap at hinahalikan. I miss those days.

I wish I was forever a child. That was naive in the outside world. Who did nothing but play and innocence will stay.

Ngayon punong-puno ito nang alikabok. Madumi ang paligid, gano'n din si Papa. Mahaba na ang balbas niya na dati'y hindi niya pinapahaba. Madungis din siya na para bang ilang araw nang hindi naligo.

I've always known Papa as a tidy person so seeing him now bothers me. Dahil na naman kay Mama at Sean? I'm still here, his princess whom he neglect.

Puno nang litrato nila Mama, Sean at Papa ang isang kanto ng kwarto. Isang litrato kung saan masaya silang nakangiti habang may hawak na ice cream. Meron din na ang ice cream na hawak nila ay nasa mga mukha na nila. They look so genuinely happy, na kahit malagkit panigurado ang ice cream ay nagkakatuwaan pa rin sila.

Meron din no'ng bata pa si Sean at hawak-hawak nila Mama at Papa parehas ang kamay niya. Pero hindi 'yon ang naka-agaw nang pansin ko. Napatitig ako sa isang partikular na larawan. Luma na ito kaya mababakas ang ilang kupas.

Pristine Barrio Algere (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن