Kabanata 16

2 0 0
                                    

Third Person's POV

Maingay na tunog ng sapatos ang maririnig sa hallway ng ospital. Wala akong pake sa mga tingin na ginagawad nila sa'kin. Diretso lang ang lakad ko at taas noong tinitignan sila isa't-isa.

I'm making sure no one will know me. I wear a black mask that says 'fuck off'. Nang makalagpas sa dagat ng tao ay agad akong pumasok sa isang kwarto.

Private room 22.

This is where I will spend ny lovely night together with my victim. Where she'll meet hell.

Tulog siya no'ng pumasok ako kaya naupo muna ako at naghintay ng saglit. Hindi ko naman gustong patayin siya ng hindi ako nakikilala. Gusto kong ipagkalat niya kung sino ako, alam ko naman ang pag-ka-atat niyang makilala ako. 'Yon ay kung magagawa pa niya.

Boring. Paglaruan ko kaya muna ang babaeng 'to?

Kaya lang hindi ko na nagawa dahil nagising na siya. Pa unti-unti ang pagmulat niya ng mata kaya tumayo ako at diretso ang tingin sa kaniya.

"Aaaaah–" Shut up! Mabilis kong tinapal ang palad ko sa bibig niya. Hindi ka mamamatay ng maingay. Ayoko sa ingay, ayoko sa tsimis. Hindi tulad mo.

"Akala mo, hindi ko alam na hinahanap mo din ako. But you know, I won't let you. Your reason was too shallow. Gusto mo lang ipakita sa lahat na naka-tsismis ka tungkol sa killer. I don't like shallow people."

"Hindi ako pumapatay dahil sa mababaw na dahilan," she murmured a strong 'mmm'. Tamad ko siyang pinakawalan. Sinenyasan ko siyabg tumahimik kaya natatakot siyang sumunod sa'kin.

"Hindi din ako tulad mo na plastik. Yaya ka ni Ximena Conde, 'diba? I have researched that you have sons with her father. Sa pagiging Yaya mo ba, inaagaw mo din si Ximena sa nanay niya. Sa pagiging nanay-nanayan mo kay Ximena, makukuha mo ang yaman nila. Pathetic Minda," bakas ang gulat sa mga mata niya.

Hindi niya siguro akalain na dahil sa dalawa niyang anak, malalaman ko ang buo niyang pagkatao. Ang matagal niya nang tinatago.

"There are some words that needed to dig deeper to get the real knowledge. Pero sa isang kumpas ko lang ng kamay ko, nalaman ko na agad ang tinatago mo. Sa pagkilala ko lang sa mga anak mo, nalaman ko na ang buong katotohanan sa pagkatao mo."

Umiiyak na siya sa paulit-ulit kong paglakad sa kwarto niya. Nanginginig sa takot na patayin ko siya at dahil sa pagsiwalat ko ng sikreto niya.

"Gusto mo bang malaman 'to ni Ximena? Ang batang pinaglaruan mo sa matagal na panahon. Ang batang napag-tagumpayan mong kuhanin ang loob. Ang batang itinuring mong susi sa kayamanan na hinahangad mo. O hahayaan mo na lang ako dahil ang totoo, wala ka namang pakialam sa tagapag-mana ng mga Conde."

Unti-unti kong nilabas ang sinulid at karayom sa bulsa ko. Napapikit siya at mukhang naisip ang gagawin ko.

"Hilig ko kasi ang magburda, nais ko lamang burdahan ang matabil mong bunganga," tatawa-tawa kobg sambit. Ginaya ko pa ang mga dalagang libangan ang pag-bu-burda noong unang panahon. She looks horrified.

Tinakpan ko pa ang bibig ko na parang nahihiya. Tuwang-tuwa ako sa ginagawa ko, habang nakikita siyang hindi na makahinga sa kaiiyak.

"'W-Wag!"

Wala pa akong ginagawa pero umaangil na siya. I sit on the sofa near her, acting bored.

"Hindi k-ko nais makuha ang k-kayamanan ng mga C-Conde. G-Gusto ko lang m-mahatian ng p-patas ang mga a-anak ko. M-May karapatan d-din sila sa pera. P-Pero hindi ko k-kailanman n-naisipan g-gawan ng masama si X-Ximena," napailing ako sa pagtatanggol niya sa sarili. As if that'll help, I will kill her no matter what her reasons are. Wala naman akong pakialam sa Ximena na 'yon. Her words will not lessen my hate towards her. Demonyo ako, 'diba?

Pristine Barrio Algere (COMPLETED)Where stories live. Discover now