Kabanata 11

2 0 0
                                    

Misa's POV

"What?" Pagtapos kong sabihin 'yon ay malakas siyang tumawa habang inaakay ako palabas ng library. Hindi ko alam kung ire-report ba namin 'to o hindi. Pero mas pinili kong 'wag nalang. Ano bang mangyayari kapag nagsumbong ako? Magiging komplikado lang ang lahat. Hindi naman mahuhuli ang babaeng gumawa nito sa'kin.

"Are you really serious? The story I told you a long time ago? That was just a rumor, Misa," she couldn't stop laughing even when she saw that I'm serious. Ito talaga ang mahirap kay Sally. Lahat ng hindi nakakatawa, ginagawang biro at 'yung seryoso pinagtatawanan niya. Pakiramdam ko tuloy pinaglalaruan niya ako.

Muli siyang umiling, parang sinasabi ba nababaliw na ako sa pinag-iisip ko. Tingin ko nga talaga mababaliw na ako sa lahat nang nangyayari sa buhay ko. Dumagdag pa ang babaeng 'yon at mga bagong impormasyon. Ni hindi ko alam kung dapat ko ba 'yon paniwalaan. But then, I have no choice. I'll believe what's to believe, kasi ano nalang ang mangyayari kung wala akong panghahawakan.

"I'm serious, Sally. The g-girl, the k-k-killer, the one who did this to me is the one who tells me the story. She told me about the girl who sells herself to a demon in exchange of Barrio Algere's peace," humihingal ako nang sabihin 'yun. I am to desperate to make her believe that it was all true. How can I lie to her and how can I lie about this? I'm not like her that lives for her dark jokes. I love my family and she knew how much I want the justice to be served.

"Why is she killing everyone in Barrio Algere? She wants peace so she rather kill everyone than make it up to them?"

"Yes!" I hysterically said. "She wanted Barrio Algere all for herself. She's that selfish and scary, Sally," unti-unting humina ang boses ko nang maalalang hindi pa pala kami nagbabati. Ngayon ko lang siya ulit nakausap pagtapos no'ng away namin. Pero nagawa pa rin niya akong tulungan. She really is my best friend. Kahit ano pang nasabi ko, natanggap niya pa rin ako bilang kaibigan. Kahit masakit 'yun para sa kaniya.

"B-Bati na b-ba tayo, Sally?" Nag-alangan pa akong sagutin 'yun. There's this awkward silence that filled the room the moment I ask her. Malikot ang mga mata kong dumapo sa kung ano-anong bagay sa library. At muli naisip ko 'yung demonyo at 'yung babae.

Paano kung 'yung babaeng 'yon ang nakita ko dati sa cabinet sa bahay? At nakakapagtaka naman na sa'kin lang siya nagapakita. Madalas kong kasama si Sally at Ximena pero wala siyang ginagambala sa kanila. Dahil ba uhaw ako sa hustisya?

At tingin niya napipigilan ko ang mga balak niya sa Barrio Algere? Napailing ako sa naisip. Wala akong laban sa kaniya. Mahina ako kumpara sa kaniya kaya bakit patuloy pa rin siyang lumalapit sa'kin. Tinatakot ba niya ako para umatras? Kasi kung gano'n nga, hindi ko gagawin. Lalo pa ngayon napatunayan ko kung ga'no siya kasama.

Napatingin ako kay Sally na ngayo'y nag-angat nang tingin sa'kin.

"Nag-away ba tayo? Nagtampo lang ako. Hindi kita kayang tiisin, Misa,"naluha ako sa sinabi niya. Kasi alam ko kaya niyang tiisin ang isang tao. At ang patunay na talagang nagtampo siya. Siguro napapansin niya ang pagiging close namin ni Ximena. Niyakap ko siya. Hindi naman siya umangal pero hindi rin siya yumakap pabalik.

"S-Sorry. H-Hindi ko s-sinasadya l-lahat nang sinabi ko. Sana mapatawad m-mo na a-ako. 'W-Wag ka na magpatampo," kumalas ako sa yakap kaya nakita ko ang pag-ngiti niya. Tumango siya kaya nakahinga ako nang maluwag.

Inakay niya ako palabas ng library. Umupo kami malapit sa silid-aklatan. She made sure no one will see us or else mapipilitan kaming sabihin ang nangyari. Wala kaming mapagkakatiwalaan dito kundi ang isa't-isa. I trust Sally. I reminded myself to always trust her. Kahit nagtatampo siya sa'kin ay nagawa niya akong tulungan.

Pristine Barrio Algere (COMPLETED)Where stories live. Discover now