[ Third person's point of view ]
Nagising na si Aly at napakunot nalang ang noo nito nang wala na ang Bading sa tabi niya kaya napabangon siya bigla.
"Umaga na pala..." nasa isip ni Aly nang napatigil siya nang bumukas ang pinto sa banyo at niluwa doon ang Bading habang may toothbrush sa bibig nito.
Napaawang nalang bigla ang labi niya ng toothbrush niya ang ginamit nito.
"Hoy! Akin ang toothbrush na 'yan! Ba't mo ginamit?!" hindi makapaniwalang sabi niya sa isip bata na Bading.
"Batit? (bakit) May poblema (problema) gamit ko 'to?" nagtatakang sabi nito na parang bata.
"Oo! Kasi toothbrush ko 'yan. May extra naman akong toothbrush sa cabinet na nakalagay, sana ginising mo ako at nagtanong ka sakin kung may extra toothbrush ba." madiin na sabi ni Aly at tiningnan ang Bading.
Bigla nalang siya napanganga nang makita niya na tinaasan siya nito ng kilay pagkatapos ay inirapan siya.
Tumalikod ito sakanya habang pakembot kembot na pumasok sa banyo kaya 'di naman makapaniwala na nakatingin si Aly sa Bading.
"Aba't! Sarap talaga sipain!" banas na sabi ni Aly at tumayo pagkatapos ay sinundan ang Bading sa loob ng banyo.
Pumasok siya sa loob ng banyo at nakita niya itong naghihilamos ng mukha.
Nakatayo lang si Aly habang nakatitig sa Bading na ngayon ay tapos na manghilamos.
Humarap ito sakanya at ngumiti na ikinangiwi niya. Patalon talon naman ito lumapit sakanya na ikinatawa niya ng mahina.
Nang makalapit ito sakanya ay hinipan nito ang mukha niya sanhi na maamoy niya ang napakabangong hininga nito.
"May shashabihin ako sayo, hehehe." parang bata na sabi nito sakanya kaya kumunot ang noo niya.
"Huh? Anong sasabihin mo sakin?" naguguluhan na sabi ni Aly kaya namumula ang mukha nito.
"Yes or of course lang dapat sagot mo, ah." nakangiting sabi nito kaya nagdududa ang pinukol na tingin ni Aly sa Bading.
"O-Okay?" naguguluhan na sagot ni Aly.
"Can you be my Gilpen?" parang batang sabi nito kaya mas lalo kumunot ang noo ni Aly.
"Huh? Gago... Anong gilpen pinagsasabi niya?!" nasa isip ni Aly.
"Huh? Ballpen? Hindi naman ako ballpen? Tao ako. Ano bang ibig mong sabihin?" naguguluhang sabi ni Aly kaya napanguso ito.
"Amp! Apakabobo talaga, indi (hindi) mo 'ko naiindihan, (naiintindihan) eh." maktol na parang bata na salita nito.
"Wow, ha! Ako pa bobo satin? Gago ka talaga! Ayusin mo kasi pagsasalita mo, wag kang pabulol bulol!" anas na sabi ni Aly kaya napanguso na naman ito.
"Diba? Shabi ko sayo na yes or of course lang dapat shagot mo, eh! Indi ka talaga nakikinig shakin!" parang batang sabi na naman nito kaya napatampal nalang si Aly sa noo.
"Ah, Okay. Of course?" alinlangan na sabi ni Aly habang naguguluhan parin sa ibig sabihin nitong Gilpen.
"Yey! Gilpen na kita, ah! Wag mo 'ko tangi, (tanggi) ha! Kundi 'di tayo bati, okay?" natutuwang sabi nito sakanya kaya napangiwi si Aly.
"O-Okay?" nakangiwing sabi ni Aly kaya nakangiting hinawakan nito ang kamay niya.
"Ligo na tayo?" biglang sabi ng Bading sakanya at hinila siya nito kaya nanlaki ang mata niya at tiningnan agad ng masama ang Bading.
"Anong ligo ka d'yan?!" inis na sabi ni Aly sa Bading.
"Sabay tayo ligo?" nakangusong sabi nito na ikinaningkit ng mata ni Aly.

YOU ARE READING
Babysitting the Childish Gay
RomancePaano kung ang akala mong aalagaan mo ay isang batang bubwit na cute na cute ay kabaliktaran sa inaakala mo dahil isa pala itong maarte at isip bata na Bakla.